CHAPTER 14- Her Advice #4

138 40 18
                                    

Third Person's Pov

"Hoy babae! Maghinay-hinay ka sa sinasabi mo ah. Madaming iiyak na babae pag nawala ako." Sigaw ni Jiro sa kanya dahil sa sinabi niya kanina na mamatay na ito.

Sa inis niya ay agad niyang nilisan ang lugar at tumakbo sa restroom kung saan mabubuhos niya ang lahat ng galit at sama ng loob niya sa binatang iyon.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa isa sa mga cubicle ay agad agad niyang pinagsisipa ang pader.

Marahil kung kaya niya lang suntukin ang pader ay nagawa niya na sa sobrang asar niya sa binata.

"BWISIT! NAKAKAINIS!! LETSEEE!!! PUTAAAA!!!! AHHHHH!!!!!!!!" Malakas na sigaw niya sa loob ng cubicle kahit na alam niyang hindi soundproof iyon.

Alam niya ding magmumukha siyang tanga pag may nakarinig sa kanya pero kailangan niya talagang sumigaw ng mailabas niya ang galit na nasa puso niya.

"P*KYU KA JIRO!! P*KYU KA! T*NG INA MO!!! MAMATAY KA NA! BWISIT KA!!!" Sigaw niya pa ulit at huminga ng malalim.

Isang malakas na sipa sa pader ang pinakawalan niya bago siya lumabas ng cubicle.

Humarap siya sa salamin at tinitigan ang sarili niya. 'G*ga ka talaga! Umayos ka nga. Apektadong-apektado ka. Eh ano naman kung napunit mo yung ilang page?! =___= Eh kasalanan naman lahat ni Jiro yon. Tsaka isa pa, bakit di mo nalang sabihin kay Sir Diaz eh halata namang kasabwat siya ng poncio pilatong yon! Boba ka! Ang hina hina ng kukute mo Lane.' Pagsesermon niya sa sarili pagkatapos ay pumikit.

Huminga siya ng malalim at nagbilang ng sampu para kumalma.

Eto daw kase ang mabisang pagpipigil ng galit pag alam mong malapit ka ng sumabog.

Laking pasasalamat niya dahil hanggang ngayon wala pa ring napapagawi sa restroom para mag-cr kaya solong-solo niya ang lugar. "Anong nakikita mo? Madilim di ba? Yan ang buhay ko noon nung wala ka.Pero ngayon, iba na. Kase yan ang kulay ng budhi mo na meron ka."

Nakakalimang bilang pa lamang siya ng may narinig na siyang nagsalita.

Kaya agad agad niyang minulat ang kanyang mata para makita kung sino ito. "Pati ba naman dito Jacinto? Hindi mo ba talaga ko tatantanan?!! Cr 'to ng girls for pete sake. Mahiya ka naman sa balat mo." Sabi niya kay Jiro at inirapan ito.

Ang pinipigilan niyang galit kanina ay nagsisilakbo na naman.

Lumapit sa kanya ang binata na kanina ay nakasandal sa pinto ng isa sa mga cubicle at nakamasid sa kanya.

Nilagay nito ang hinlalaki nito sa labi niya para tumahimik siya. "Sssh! Masyado kang maboka. Pasalamat ka nga pinuntahan ka pa dito. Gusto ko lang malaman mo na wala na yung module sa Science Lab." Sabi nito sa kanya at tumalikod na.

Papalabas na ito ng magtanong siya. "Ano na naman bang ginawa mo? T*ng ina naman Jacinto! G*go ka ba? Saan mo na naman ba nilagay yung module?" Pasigaw niyang sabi kay Jiro pero ang binata hindi man lang pinansin iyon at tuloy tuloy na lumabas.

Nagmamadali itong lumabas dahil wala dapat siya sa lugar na iyon dahil ang restroom na iyon ay para sa mga babae lamang.

Dahil sa oras na may makakita sa kanya na nandoon siya pwede iyon magsumbong at mabigyan siya ng punishment dahil isa yong paglabag sa rules and regulation ng eskwelahan.

Napakuyom na lang siya ng kamay at sinipa ang trash can na nasa gilid.

Tinayo niya iyon ng matumba.

Sisipain niya sana ulit ito ng marinig niya ang boses ni Jiro.

Nakasilip ito sa may pinto at nakangiti na parang wala ng bukas.

The Girl That You Failed To KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon