Third Person's Pov
Wala na sana siyang balak kausapin si Sky kanina dahil naiinis pa rin siya rito.
At ang mas ikinaiinis niya pa, hindi niya alam kung saang parte ng ginagawa ni Sky para sa kanya ang ikinangingitngit ng butse niya.
Kaya kinausap niya nalang si Sky kanina ng pormal at diretso sa topic na gusto niyang pag-usapan nila.
Tinanong niya ang lahat ng ginawa ni Jiro pagkatapos niyang lumabas ng classroom para pumunta sa Faculty Room.
Sa binata niya tinanong dahil alam niya na napapansin lahat nito ang ginagawa ng mga classmates nila.
Dahil ito ang presidente ng kanilang klase, kahit na sabihing matatanda na sila dahil college na sila obligado pa rin ito sa mga actions ng mga kaklase nila dahil nakasalalay ang reputasyon ng seksyon nila sa ipinapakita nila lalung-lalo na ng kanilang class president.
Nalaman niya dito na ilang minuto ang lumipas bago lumabas ng classroom nila si Jiro pero agad ding bumalik na may dalang module.
Sinabi daw nito kay Sky na ipaxerox ang module para magkaroon ang lahat ng copy. Minadali pa daw ni Jiro ipagawa iyon sa kadahilanang ito daw ang sinabi ni Sir Diaz. Pagkatapos ay umalis ito na may dala-dalang paper bag at pangiti-ngiti pa.
Sa makatuwid, nahinuha niya na ang napunit niyang mga bondpaper kanina ay powder copy ng module kaya mapagkakamalang original copy iyon.
Nasabihan niya tuloy nang tanga ang sarili dahil hindi niya man lang napansin iyon.At naisip niya na ang nakalagay siguro sa paper bag na hawak nito ay ang mga itim na rosas na binigay nito sa kanya.
Mas lalong lumakas ang kutob niya na plinano lahat iyon ng kanilang guro at ni Jiro.
Dahil sa nalaman niya, mas lalo siyang nainis sa binata at sinumpa niya ito sa lahat ng santo na kilala niya.
Wala ng mapaglagyan ang galit niya ng malaman niya iyon pero pinilit niya pa ring kumalma hanggang sa matapos ang lahat ng klase nila sa araw na ito.
Kahit hindi niya nakumpirma kay Jiro ang totoong pinaggagagawa nito sapat na kung ano ang nalaman niya kay Sky.
'That explains everything!' Malakas na singhal niya habang naglalakad pauwi sa boarding house na inuupahan niya.
Mabuti na lamang ay hindi na nagtanong pa ng kung anu-ano si Sky kung bakit tinanong niya ang mga ganung bagay.
Pero napansin niya ang lungkot sa mga mata ng binata habang pinag-uusapan nila si Jiro.
Gusto niyang isipin na nagseselos ito pero mas nangingibabaw na naman sa kanyang isipan na namamalik-mata lang siya ng makita niya ang lungkot sa mga mata ng binata kaya isinantabi niya nalang ang naisip at bumuntong-hininga.
Masyado siyang nai-stress sa araw na ito dahil maraming nangyari.
Masyado siyang pagod physically, mentally at emotionally.
Physically, dahil para siyang palaboy na palakad-lakad sa school nila dahil kay Jiro na walang ginawa kundi ang inisin siya sa pamamagitan ng mali-mali nitong pinagsasabi sa kanya.
Mentally, dahil napagod siyang mag-aral at mag-isip ng mga bagay na konektado sa buhay niya.
At ang huli, Oo, emotionally dahil kanina pa siya binabagabag ng nararamdaman niya para kay Sky.
Kung bibigyan niya ba ito ng puwang sa puso niya o hindi
Dahil iisipin niya pa lang na papapasukin niya si Sky sa nananahimik niyang buhay ay parang binigyan niya na naman ng pagkakataon ang kanyang puso na masaktan ulit at magkapira-piraso.
BINABASA MO ANG
The Girl That You Failed To Keep
Teen FictionPainted By: Joanna Miraflor He wants her back, he realized what he did was stupid. He regrets leaving her. Now, that he is back in her life he will do everything just to win his heart for the second time around but sad to say, the girl had finally...