CHAPTER 3- Her Advice #2

299 53 19
                                    

Third Person's Pov

Bago siya tuluyang dumiretso sa Building nila.

Dumaan muna siya sa Sixth Building kung saan nandoon ang restroom for girls.

Kakatapos niya lang umihi kaya nasa harap na siya ng salamin ngayon at nag-aayos.

May pumasok naman na dalawang babae na ang ingay-ingay.

Kung titignan, mga freshman.

"Halika nga ritong babae ka. Dito ka maglupasay at umiyak, unlimited pa. Wag doon sa room. Mukha kang engot. Gusto mo bang makita ka niyang ganyan? Gusto mong kaawaan ka ng mokong na yun ha?" Walang prenong sabi ng babaeng nakaponytail na hila-hila ang babaeng namumula na ang mata.

Wari'y pinipigilan ang pag-iyak.

"Eh ano naman ngayon ha? Pake niya ba? Ako nga walang pake eh. Siya nga ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. G*go siya. P*kyu siya. Mamatay na siya. Isa siyang malaking PAASA. P*ta!!!!" Sagot naman nung babaeng maiksi ang buhok at may bangs.

Para siyang si Dora. Dora the Explorer.

Sa kabilang banda, patuloy lang sa pag-aayos si Lois. Lihim niya ding pinakikinggan ang pag-uusap nung dalawa. Hindi niya din naman maiiwasan dahil nasa isang restroom lang sila at nagsisigawan pa kung mag-usap ang dalawa.

'Kung makapag-usap 'tong dalawa, feeling sila lang ang tao dito.'

Kating-kati na tuloy yung dila niyang sumabat sa pag-uusap ng dalawa.

"Yun na nga eh. Mas lalong lalaa---"

Hindi niya na napigilang magsalita. Sumabat na siya at pinutol ang sasabihin nung babaeng nakaponytail.

"Ang mahirap kase ngayon, ang crush nagiging love na kaya kahit crush lang nabobroken-hearted ka." Diretso niyang pagpaparinig sa dalawa.

Hindi naman talaga yun ang gusto niyang sabihin. Titignan niya lang kung kakagat ito sa sinabi niya, kung papansinin siya. Kumbaga kumukuha lang siya ng bwelo.

"Anong crush ka dyan?!! Mahal ko na nga eh. M-A-H-A-L. Alam mo ba yun? tapos akala ko the feeling is mutual kase ang daming signs. Nagpapakita siya ng motibo sakin. Huhuhuhu." Puno ng hinanakit na sabi nung babae at hindi na napigilan ang pag-iyak.

Mukhang nasaktan nga ito ng sobra.

Mukhang first love niya ito kahit wala namang namagitan sa kanila kundi landian lang.

Samantalang tahimik lang sa isang tabi yung babaeng nakaponytail. Nakikiramdam kung dapat na ba siyang umawat sa usapan nung dalawa.

Dahil kilala niya ang kaibigan niya.

Pinaglalaban nito ang karapatan nito, magkamatayan man.

"At ikaw naman si ano? si TANGA. na ano? na ASA ng ASA. Saan? sa WALA. Poor you. The sweetness of a person will hurt you when you assume it's love. According to the accounting principle, never assume unless otherwise stated." Nakasmirk niyang sagot na parang siya ang nanalo sa pag-uusap nila.

Mukhang naiinis naman ang babae sa pinagsasabi niya.

"Alam ko. Accountancy student ako for your information." Sagot naman ng babae. Umirap ito sabay kuha ng panyo nito sa bulsa para punasan ang  luha nitong walang tigil sa pagdaloy.

"But why you didn't apply it in your life? especially in your lovelife?" Sarcastic niyang tanong sa babae.

Sa totoo lang, hindi siya accountancy student.

Future Psychologist siya.

Napaiyak ulit yung babae.

Alam ni Lois na below the belt na yung mga nasasabi niya rito pero sa tingin niya lahat naman ng sinasabi niya eh makakatulong dito.

The Girl That You Failed To KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon