Third Person's Pov
Hanggang ngayon nasa Photo Printing Shop pa rin sila.
Mga mahigit isa't kalahating oras na silang naroon kaya bagot na bagot na si Lois.Hindi niya alam na balak pala ng kaibigan niya na dito sila magpapapicture sa studio ng shop na ito.
Ang akala niya ay pipili lang ito sa mga picture nila dati noong highschool days nila pero hindi pala.
Ang gusto pala ng kaibigan niya ay yung latest na itsura nila ang ipapaprint nito at ilalagay sa kwarto niya.
Nakailang shots sa kanila ang photographer bago nakapili ang kaibigan niya ng gusto nitong kuha nila.
Masyado kase itong pihikan pagdating sa ganoon dahil gusto nito na perfect ang picture na ididisplay sa kwarto ni Lois.
Hindi siya hinayaan ni Lei na siya ang pumili ng ipapadevelop dahil wala daw siyang karapatan kahit na ba sa kwarto niya ididisplay iyon dahil hindi naman daw siya ang gumastos kaya hinayaan niya nalang ito para matapos na at makaalis na sila roon.
Tinawag na ang number nila kaya lumapit na agad sila sa counter para bayaran ang picture na pinadevelop nila.
Mga sampu pang katao ang naghihintay sa loob na mukha namang hindi naiinip roon dahil nagbabasa ang mga ito ng magazine na pagmamay-ari ng shop na iyon.
"P1999.95 po ma'am." Magiliw na sabi sa kanila ng cashier roon.
"Ano?! Ang mahal naman niyan." Nagulat siya sa presyo na narinig niya mula sa cashier kaya napasigaw siya rito.
"Shhh. Ang ingay mo! Eto miss o, keep the change." Sita sa kanya ng kaibigan niya sabay baling sa cashier roon na inabutan nito ng dalawang libo at ngumiti.
Tinanggap iyon ng cashier pero bakas pa rin sa mukha nito ang kaba.
Akala siguro nito ay mag-eeskandalo siya dahil nasigawan niya ito kanina.
'Judgmental. Hindi naman ako ganon?!'
'Ikaw nga dyan ang judgmental eh! Iniisip mo na agad na hinuhusgahan ka niya na eskandalosa.' Komento ng konsensya niya.
Hindi niya nalang iyon pinansin at tinulungang magbuhat ang kaibigan niya ng picture na pinaprint nila.
May frame na ito kaya may kabigatan na rin. Ito din siguro ang dahilan kung bakit mahal ang siningil sa kanila ng cashier, idagdag pa ang paulit-ulit na pagkuha sa kanila ng photographer.
"Ang laki-laki kase ng pinaprint mo. Nagkakandahirap-hirap tuloy tayo magbuhat! Pati ako naiistorbo mo!" Reklamo ni Lois sa kaibigan dahil kasinglaki ng sukat nito ang last supper na kalendaryo.
"Wow naman. Para naman sayo to! Sige! Wag mo ng buhatin. Nakakahiya naman sayo. Ginto ang serbisyo mo eh no?!" Sagot sa kanya ng kaibigan na may tonong pagkasarkastiko.
"Aba, Lei! May I remind you na ikaw ang pumilit sa akin na pumunta tayo rito at magpaprint ng letcheng picture na yan!"
"Aba, Jannah! May I remind you too na ginusto mo din 'to dahil pumayag ka." Sabi nito sabay irap sa kanya at pekeng ngumiti.
Nainis siya sa inaasal ni Lei dahil mukhang pinapalabas pa nito na kasalanan niya.
"O, nag-aaway pa kayo dyan. Saan ba kayo pupunta at tutulungan ko na kayong magbuhat niyang picture frame na yan."
Napahinto sila sa pagbabangayan ng may tumigil sa harap nila na isang matandang lalaki.
Hindi naman ito masyadong matanda marahil ay nasa early 50's ang edad nito.
BINABASA MO ANG
The Girl That You Failed To Keep
Teen FictionPainted By: Joanna Miraflor He wants her back, he realized what he did was stupid. He regrets leaving her. Now, that he is back in her life he will do everything just to win his heart for the second time around but sad to say, the girl had finally...