CHAPTER 8- Different Meanings

174 43 19
                                    

Third Person's Pov

Nasa loob na si Sky at Lois ng isang kilalang restaurant.

Mine Not Yours Resto ang pangalan.

Kilala ang restaurant na ito dahil sa mura pero masasarap ang pagkain na itinitinda kung kaya't pagtanghali na ay dinudumog ito.

Nakapwesto ang dalawa sa gilid malapit sa counter.

Mabuti na lang may nadatnan silang bakanteng lamesa at upuan ng dumating sila roon.

Nakaupo lang sila ni Sky habang hinihintay ang order nila.

Tutuparin na nito ang pinangako nitong lunch kanina.

Ang lalaki na ang pinapili niya ng kakainin nila dahil parang wala na siyang ganang kumain.

Wala na siya sa mood dahil nalipasan na siya ng gutom.

Magkaharap sila ngayon ni Sky.

Bigla ay naalala ni Lois ang sinabi nito kanina.

"I remember na hindi naman pala ikaw yung umaasa sa ating dalawa. Ako nga pala yun, yung taong umaasang mamahalin mo. Umaasa ako at patuloy na aasa dahil may tiwala ako sayo, na sasagutin mo rin ako balang araw."

Gusto niya itong komprontahin ngunit parang napipi siya at hindi na nakapagsalita ng makaharap niya itong muli.

Isa pa, hindi siya pinapansin o kinakausap man lang nito.

Busy ito kakatingin sa labas.

At kung ano man ang tinitignan nito doon ay hindi niya alam dahil ayaw niyang lingunin o tignan man lang din kung ano iyon.

'Ayokong tignan baka masaktan lang ako.' Sabi niya sa isip niya.

Iniisip niya na baka hindi niya magustuhan ang kung ano man ang makita niya.

'Bakit ka masasaktan? Mahal mo na ba?' Tanong ng konsensya niya.

Napailing na lang siya.

Hindi niya din kase alam kung ano nang nangyayari sa kanya.

Dahil kanina lang ng maalala niya ulit ang sinabi ng lalaki ay nalungkot siya.

Hindi niya alam kung ano na ang nararamdaman niya para sa binata.

Napansin niya na ang tahimik sa loob at lalo pa tuloy tumahimik sa pakiramdam niya dahil hindi siya kinakausap ng binata.

Nimatapunan nga ng tingin ay hindi nito magawa.

Pakiramdam niya ay namimiss niya ito pati na ang pagbabangayan nila pagdating sa mga simpleng bagay.

Ibinaling niya na lang ang pansin sa paligid niya at nagmasid-masid.

Napansin niya ang iba na masayang nag-uusap-usap habang kumakain, mababanaag din sa mga mukha ng mga waiter kung gaano sila ka-dedicated sa trabaho nila samantalang siya ay batung-bato na sa kinauupuan niya.

Ramdam niyang may presence of happiness sa lugar na iyon pero sa pwesto nila parang wala naman.

Out of place tuloy sila o mas tamang sabihin na siya lang.

Hindi na siya nakatiis at kinausap ito. "Tigilan mo na ang pagtitig doon, baka matunaw yon." Sabi niya sabay iwas ng tingin dito.

Hindi lingid sa kaalaman niya na nakuha niya ang atensyon nito at ngumiti base na rin sa nakikita niya sa gilid ng mga mata niya. "Hindi ako tumititig doon. Tinitignan ko lang."

Nang tignan niya ito, nakangiti pa rin ito ng malapad.

Ngayon niya lang napansin na maganda ang ngipin nito dahil mapuputi iyon at pantay-pantay, kung titignan parang alagang-alaga ng dentista.

The Girl That You Failed To KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon