Third Person's Pov
Nagising si Lei ng dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kwarto niya at tumatama sa balat niya.
Kaagad siyang bumangon at umupo sa kanyang kama at nag unat-unat.
Nahagip ng kanyang mga mata ang picture frame na nakadikit sa kaliwang pader ng kwarto niya.
Ito ang pinagtulungan nila ni Lei na idikit sa pader kagabi bago niya ito hinayaang makauwi sa bahay nito.
Akala niya ay doon ito matutulog sa kwarto niya pero hindi naman pala.
Pinaasa lang siya ng kaibigan.
Ang picture frame na iyon ay naglalaman ng larawan nila ni Lei.
Namangha siya sa galing ng pagkaka-edit na ginawa sa larawan nila dahil pinagmukha silang nasa isang hardin, nakaupo sa isang bench at magkatabi, ang dalawang daliri nila sa kamay ay magkadugtong at nakapormang infinity.
Ang infinity ang sumisimbolo sa pagkakaibigang mayroon sila ni Lei na kailanman ay hindi matatapos at magpapatuloy lang kahit na nasa kabilang buhay na sila.
Ang pagkakaibigan nila ni Lei ang magpapatunay na may forever at sisiguraduhin nilang dalawa na kahit ano pang problema at tampuhan ang dumaan sa kanila, malalampasan nila iyon ng walang kahirap-hirap.
Mas lalo pang nagpaganda sa larawan ang matitingkad nilang ngiti na walang bahid ng kaplastikan o pagpipilit. Makikita sa larawan na sobrang saya ang nararamdaman nila katulad nalang noong unang matagpuan nila ang isa't-isa at naging magkaibigan.
"No one knows how grateful I am to have you in my life, Lei." Sabi niya na parang kinakausap ang kaibigan na nasa litrato.
Para siyang tanga na nakangiti dito.
Agad siyang tumayo para makapag-ayos ng maalala niyang tinawagan siya ng kanyang pinsan na si Clyde pagkatapos umuwi ng kaibigan niyang si Lei kagabi.
Sinabi nito sa kanya na kailangan niyang pumunta sa bahay ng mga ito ngayon dahil gusto siyang makita ng ina ni Clyde, ang tita niya at higit sa lahat, may ibabalita daw ito sa kanya.
Tinanong niya kay Clyde kung ano iyon ngunit ayaw naman sabihin ng magaling niyang pinsan kaya napagdesisyunan niya nalang ngayon na pumunta roon dahil nangako din siya sa kanyang tita na dadalawin niya ito.
Wala naman siyang pasok ngayon dahil sabado kaya sa tingin niya ay ito na rin ang magandang tyempo para dalawin at kamustahin na rin ito.
Maayos ang pakikitungo niya sa kanyang tita, ang ina ni Clyde at kapatid ng ina niya dahil mabait naman ito at masasabi niyang mas malambing pa ang ina ni Clyde kaysa sa ina niya kaya isang beses ay nahiling niya na sana ito nalang ang ina niya, na sana nagkapalit nalang sila ni Clyde ng ina.
Masasabi niya na wala siyang mapipintas sa kanyang tita dahil todo alaga ito sa kanya noong mga panahong halos pabayaan na siya ng mga magulang niya dahil sa paghahanap sa nakababata niyang kapatid na si Luisa.
Nasa pinto na siya at papalabas ng may bumungad sa kanyang isang nakakabighaning ngiti na kayang magpaganda ng umaga.
"Good Morning Ms. Lane! I have a great morning too because of you!" Sabi ng kaharap niya na sinabayan niya lang ng irap.
Hindi niya alam kung bakit sa tuwing nakikita niya si Sky ay automatiko na siyang napapairap.
Ganoon niya ata ka-ayaw sa presensya ng binata.
'You're playing hard to get buddy!' Saad ng konsensya niya na sinagot niya naman ng 'I have to. Because if not, I'll end up falling for him. Not so good idea buddy!'
![](https://img.wattpad.com/cover/28784700-288-k947881.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl That You Failed To Keep
Novela JuvenilPainted By: Joanna Miraflor He wants her back, he realized what he did was stupid. He regrets leaving her. Now, that he is back in her life he will do everything just to win his heart for the second time around but sad to say, the girl had finally...