CHAPTER 5- His Safe Haven

200 50 20
                                    

Third Person's Pov

Nakita ni Lois ang isang malaking arko sa taas ng gate na nasa harapan nila.

Children Welfare Institute

Iyon ang nabasa niya at nakasulat doon.

Magtatanong pa sana siya kay Sky ngunit hinawakan na agad nito ang kamay niya at hinila siya papasok sa loob.

"Good Morning Sir and Ma'am" Masiglang bati sa kanila ng lalaking guard sa may gate.

Nginitian at tinanguan lang ito ni Sky. Medyo napasulyap naman ang guard sa magkahawak nilang kamay.

Samantalang siya ay parang lutang pa rin sa dami ng tanong na pumapasok sa kanyang isipan.

Idagdag pa ang mala-kuryenteng naramdaman niya ng hawakan ni Sky ang kanyang kamay na hindi pa rin nito binibitawan hanggang ngayon.

Pinagmasdan niya ang lugar, ang loob nito, katulad ng school nila, malawak din ito, malinis ang paligid at may malaking bahay sa gitna.

Madaming puno, makukulay na bulaklak, mga damo na mukhang alagang-alaga at higit sa lahat, napakadaming bata.

Ang ilan sa kanila ay masayang naglalaro sa mga slides, swings, see-saw, monkey bar, etc.

Ang iba naman ay nagdidilig ng halaman, nagwawalis, nagtatanim ng bulaklak at marami pang iba.

Lahat sila ay may ginagawa.

Mabibilang lang sa kamay yung mga batang nakatulala at malayo ang tingin.

Kung titignan, mukha itong bahay-ampunan, angkop para sa mga bata at mukhang nature lover din ang mga nandito lalo na yung mga tagapag-alaga.

Bumalik siya sa realidad ng marinig niya ang pagbati sa kanila ng isang matandang babae na kung titignan ay mukhang madre. "Magandang Umaga sa inyo iho! Lubos akong nagagalak dahil nakadalaw ka ngayon." Nakangiting sabi ng matanda.

Batid sa mukha nito ang kasiyahan.

Nagmano naman si Sky rito at tsaka sumagot. "Pasensya na Sister Des, masyado lang pong busy sa school. Ang dami pong school works kaya ngayon lang ulit ako nakadalaw. By the way, Sister Des ito po pala si Lois, classmate ko. Lois, si Sister Lourdes, siya ang tagapamahala dito."

'Classmate lang? Nothing more?' Tanong niya sa isip.

'Disappointed much?! Anong gusto mo? Girlfriend? ni hindi mo pa nga sinasagot yung tao eh. Demanding ka ateng!' Sagot ng kanyang konsensya. 'Assuming ka din eh no? pwede namang kaibigan. Tanga!'

Mukha siyang tangang nakikipag-usap sa kanyang konsensya.

Nagulat naman siya ng biglang hinila siya ni Sky papalapit kay Sister Des.

Agad naman siyang nakabawi sa pagkagulat.

Nagmano siya rito kagaya ng ginawa ni Sky.

Nginitian niya ito at binati ng 'Magandang Umaga'

"Sister Des na lang ang itawag mo sa akin iha. Napakagandang bata nitong kaklase mo iho." Tinapik ng matanda si Sky sa balikat at nagbigay ng makahulugang ngiti.

Nilapitan naman ni Sky si Sister Des at may binulong.

Kung titignan, mukha ngang close sila sa isa't isa.

"Nililigawan ko yan sister. Boto ba kayo? Bagay kami no?"

'Binulong mo pa Garcia. Narinig ko din naman.'

Tumawa lang si Sis Des at tumango kay Sky. "Osya, pasok muna kayo doon sa loob at magmeryenda." Yaya ni Sis Des sa kanila upang pumasok sa loob ngunit biglang sumagot si Lois.

The Girl That You Failed To KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon