Third Person's Pov
Mabilis niyang nilisan ang mall at umuwi na sa tinutuluyan niya.
Nawala sa isip niya ang plano niyang panoorin at sundan si Sky at si Miala habang namamasyal ang mga ito.
Hindi niya na nagawa iyon, salamat sa sakit na naramdaman niya kanina ng makita ang taong nanakit sa kanya ilang taon na ang nakalipas.
All this time akala niya nakamove on na siya pero hindi pa rin pala.
O mas tamang sabihin na nakamove on na siya pero nandoon pa rin ang galit at nangingibabaw pa rin ang sakit sa puso niya na hindi na ata mawawala.
Galit na sumibol ng saktan siya nito at iwan ng ganon ganon na lang at walang rason na binitawan.
At ang mas ikinagalit niya pa kanina ay kung paano ito umakto na parang hindi siya nito kilala at minahal.
Para siyang isang estranghero sa paningin ng taong iyon samantalang siya, heto naghihinagpis dahil sa sakit na nararamdaman.
Parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil pakiramdam niya ay sariwa pa rin ang sugat na nilikha nito sa puso niya.
Sa hindi mabilang na pagkakataon, lumuha na naman siya ng dahil dito. Mukhang swerte talaga ang loko dahil sobra niya itong minahal kaya siya nasasaktan ngayon ng todo at sagad sa buto.
"Noon iyon at hindi na ngayon." Yan ang paulit ulit na namumutawi sa labi niya simula ng makatuntong siya sa boarding house na tinitirhan niya.
Kinukumbinsi niya kase ang sarili na hindi niya na ito mahal. Nasaktan lang talaga siya kanina dahil sa umakto ito na parang hindi siya nito kilala.
"Well, he's just somebody that I used to know too." Sagot niya sa naisip.
Kahit na taliwas naman sa sinasabi ng puso niya pero kung kaya nitong umakto na parang wala lang, kaya niya din naman.
Sabi nga di ba, kung kaya ng iba kaya mo rin.
Kaya agad niyang pinunasan ang mga luha na tumutulo galing sa mga mata niya.
Ayaw niyang isipin ang lalaking iyon, napakaswerte naman nito kung buong maghapon ito ang tumatakbo sa isip niya, sapat na, na ito ang naging mundo niya nung mga panahong sobra siyang lulong sa pagmamahal dito at ayaw niya ng maulit pa iyon.
Sabi nga, once is enough, two is too much and three is dangerous.
Kaya tinawagan niya nalang ang kaibigan niyang si Lei para maaliw.
Yayayain niya itong gumala at sasabihin niya dito na nagkita sila ulit ng damuho niyang ex.
Ex niya na hanggang ngayon wala pa ring pake sa mararamdaman niya.
"He's so insensitive since then. Walang nagbago. Bakit ko ba minahal yon?" Pagkausap niya sa sarili.
Doon niya lang napatunayan na totoo nga ang kasabihang 'You dont know how blind a person can get when they are in love.' Dahil ngayon lang nagsink in sa utak niya na masama talaga ang ugali nito.
Hindi niya man ito natitigan ng husto pero napansin niya kanina na mas lalo itong gumwapo at mas naging maganda ang pangangatawan nito. Mukhang alagang alaga na nito ang sarili o baka may nag aalaga na sa binata kaya ganoon.
Hindi niya alam kung anong dahilan kung bakit siya nasaktan ng makita niya ito kanina. Mahal niya pa ba ang binata o baka wala lang talaga silang closure kaya ganoon ang pakiramdam niya. Pinili niya nalang ang huling rason kaysa sa una. Dahil hindi maatim ng utak niya ang una niyang naisip afterall she's falling for another man, slowly but surely.
BINABASA MO ANG
The Girl That You Failed To Keep
Teen FictionPainted By: Joanna Miraflor He wants her back, he realized what he did was stupid. He regrets leaving her. Now, that he is back in her life he will do everything just to win his heart for the second time around but sad to say, the girl had finally...