CHAPTER 15- His Reason

119 39 19
                                    

Third Person's Pov

Naglalakad na siya pabalik sa Faculty Room para sana kuhanin ang module kay Sir Diaz dahil sinabi ni Jiro na binigay na daw nito doon na dapat sana ay kukuhanin niya sa Science Lab.

'Kung hindi ka nagwalk-out kanina edi sana nakuha mo na yung module. Konti nalang talaga maniniwala na kong t*nga ka!' Sampal sa mukha niya ang sinabing iyon ng konsensya niya dahil kung hindi siya nag-inarte kanina makukuha na niya sana ang module na sasagutan nila.

Dahil sa ginawa niya binigyan niya lang ng pagkakataon si Jiro na makakuha ulit ng paraan kung paano siya bwibwisitin

"Peste ka talaga Jacinto! Dapat sayo pinapatay!!" Bulong niya sa sarili kasabay nito ang paggawa niya ng eksena sa kanyang isipan kung saan pinaulanan niya ng sapak ang binata at pinagsisipa niya ito hanggang sa mapaluhod ito sa sakit at sumuka ng dugo.

Masyado siyang nalibang sa imaheng nabubuo sa isipan niya kaya hindi niya namalayan na nasa tapat na pala siya ng Faculty Room at matamang nakatingin sa pinto.

"Miss Montavilla, what are you doing here? May kakausapin ka ba sa loob? Bakit hindi ka pumasok? Napansin kong kanina ka pa nakatayo dyan at tulala."

Parang bula na naglaho ang mga eksenang nasa isip niya dahil naagaw ang atensyon niya ng kanilang professor sa Speech and Oral Communication na si Sir Santos.

Wala na sana siyang balak sagutin ito pero nakatingin pa rin ito sa kanya at naghihintay ng sagot. "Ahh. Opo sir. Kakausapin ko po sana si Sir Diaz. Nandyan po ba siya sa loob?"

Yun na ata ang pinakatangang tanong na nasabi niya sa tanang buhay niya dahil nasisilip niya naman sa glass door ng faculty room ang tinutukoy niya.

Pero mabait lang talaga ang matanda kaya tumango ito sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto. Pinauna  na din siya nitong pumasok at sumunod na lang ito. 'Gentleman pala 'tong si sir. Hindi lang halata.'

Nagpasalamat siya dito at diretsong pumunta sa mesa ni Sir Diaz.

"Ms. Montavilla, anong kailangan mo?" Pormal at seryosong tanong nito sa kanya.

Naisip niya na ito na rin ang tamang pagkakataon para matanong niya ito kung kasabwat ito sa ginawang pakulo ni Jiro kanina.

"Sabi po kase ni Mr. Jacinto nasa inyo na daw po yung module Sir. Kukuhanin ko na po sana dahil hindi ko pa po napapaxerox iyon." Walang ngiti na sabi niya rito.

Hindi niya kase kayang makipagplastikan dito lalo na ngayon na alam niya at pakiramdan niya na tinutulungan nito si Jiro sa mga pranks na ginagawa ng lalaki sa kanya.

"Sinabi niya iyon? Ang sabi niya sa akin siya na daw ang gumawa ng pinapagawa ko sayo dahil tinatamad ka raw at ayaw mong gawin ang inutos ko sayo dahil wala namang kwenta that's why i get offended. In fact, kagagaling niya lang dito iha pero wala siyang sinoli sa akin na module." Bakas sa mukha nito ang pagkagulat ngunit hindi niya iyon pinaniwalaan dahil kung ganun nga ang sinabi ni Jiro dito, galit dapat ito sa kanya ngayon dahil sa sinabi niya kuno na 'walang kwenta.'

'Galing umarte! Kung ako presidente, kunin ko yan!' Napailing na lang siya dahil alam niyang may mali.

At kung ano man yon, hindi siya mapapakali hanggat hindi niya nalalaman.

"Gusto ko lang po klaruhin Sir na wala po akong sinasabing ganon. Sa totoo lang po, nung nakausap niyo po ako kanina nagpunta na po ako agad sa Science Lab para kuhanin ang module. Pero sa kasamaang palad, nadatnan ko po doon ang halos isang seksyon sa second year na nagkakagulo sa labas. Pumila pa nga po ang ibang lalaki samantalang yung mga babae naman ay nasa isang gilid lang at nagkukumpulan. Papasok na po sana ako sa loob pero nagulat nalang ako ng isa-isang lumapit sa akin yung mga lalaking sophomores. Yun pala ay may isang kalokohang magaganap na para sa akin. Sorry sir but I have something in my mind that keeps on bugging me so I have to ask you this, kasabwat po ba kayo ni Jiro sa kabaliwang ginawa niya kanina?" Tuloy tuloy na sabi niya rito at wala na siyang pakialam kung sa tingin nito sa tanong niya ay pinagbibintangan niya ito.

The Girl That You Failed To KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon