Third Person's Pov
"Waaaah! Huhu. Wala bang relief goods yung mga nasalanta ng pag-ibig?" Tanong sa kanya ng isang babaeng nakasalampak sa damuhan na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Kung meron man, hindi ka karapat-dapat bigyan. Mas nangangailangan sila kesa sayo." Sagot niya dito at inirapan ang babaeng wala ng ginawa kundi ang ngumawa.
Sa totoo lang, nadaanan lang talaga niya ito at hindi niya inaasahan na makikita niya ito doon.
"Waaaah! Mas lalo akong naiiyak classmate eh. Hindi naman literal na relief goods yung kailangan ko eh. Love. I need love. Give me a piece of love." Sabi nito kasabay nun ang paggalaw nito ng kamay na parang namamalimos, nagmamakaawa sa kanya at nakatingin sa kawalan.
Iniisip niya kung bakit 'classmate' pa rin ang tawag nito sa kanya samantalang highschool niya pa ito naging kaklase at oo, kilala niya pa rin ito. Nagmake face na lang sya bago tumugon.
"Hindi hinihingi ang love. Kusang binibigay yan at kusang dumarating. Alam mo yun? Kaya tara na, tumayo ka na dyan. Hindi ka na bata Mirasol." Pangaral niya rito at hinihila ito patayo.
Iniisip niya kung kakaladkarin niya na ba ito o iiwan na lang dahil nadaanan lang naman niya ito sa mini park papunta sa boarding house na kanyang tinutuluyan.
"Huhuhu. Ang sakit. Ang sakit sakit!"
Napabuga na lang siya ng hangin dahil hindi niya makuhang kaladkarin ang babae.
Ayaw niya naman itong mapahiya dahil bukod sa may pinagdadaanan ito, may ilan ilan ding dumadaan na napapagawi ang tingin sa kanila.
"Sinabihan na kita di ba? Sabi ko pag nagmahal ka, mahal lang para masakit lang. Hindi yung mahal na mahal ayan tuloy masakit na masakit. Tss. Dakilang Tanga." Walang pagdadalawang-isip na binatukan niya ang babae.
Nakasalampak pa rin ito ngayon sa damuhan na kung titignan ay maga na ang mata sa kakaiyak.
"Gusto ko ng maging masaya. I want happiness. Pero parang ayaw niya sakin. Ang saklap. Huhuhu."
Binunot-bunot nito ang mga damo doon na tila ba'y sila ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya ngayon pero sa totoo lang wala namang kasalanan ang mga ito sa bigat ng kanyang nararamdaman.
Napamaang na lang siya.
Sa isip isip niya, 'Kawawa naman ang mga inosenteng damo.'"You want happiness? Really? Sorry. Hindi siya lalapit sayo. It's a choice and not a matter of chance." Nakita niyang napanganga na lang ang babae kung kaya't nagsimula na siyang maglakad papalayo.
Hindi niya na hihintayin na makasagot pa ulit ito at nahiling niya na sana nakatulong naman yung words of wisdom niya doon sa babaeng sawi sa pag-ibig.
Malayo na siya sa babae ng marinig siya ang sigaw nito,
"Hoy babaeng chibi! Akala mo hindi ko alam na pinagdaanan mo din 'to. Palibhasa, nauna ka lang makaranas kaya nauna kang makapag-move on. Darating din ako dyan, maghintay ka lang. Makikita mo." Narinig naman niya ng malinaw ang sinabi ng babae.
Napasmirk na lang sya at sa kanyang isip,
'Hindi mo dapat sakin sinasabi yan. Doon dapat sa lalaking nangg*go sayo.'
-----
Isang panibagong araw na naman para sa kanya.
Bumangon na sya sa kama, nag unat-unat at nagsimula ng maghanda para pumasok.
Papasok na sya ng kanyang banyo ng maalala niya ang sinabi kahapon ng babaeng nasa mini park.
'Hoy babaeng chibi--
![](https://img.wattpad.com/cover/28784700-288-k947881.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl That You Failed To Keep
Fiksi RemajaPainted By: Joanna Miraflor He wants her back, he realized what he did was stupid. He regrets leaving her. Now, that he is back in her life he will do everything just to win his heart for the second time around but sad to say, the girl had finally...