CHAPTER 29- Pain

76 16 1
                                    

Third Person's Pov

Nakasakay pa rin sa tricycle si Lois habang nakatulalang nakatingin sa bulaklak na hawak niya.

Kahapon lang nung huli siyang makatanggap ng ganoon at nitong mga nakaraang araw parang mas nagiging malala pa ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Kung dati kinakabahan lang siya pag nasa tabi niya si Sky, ngayon parang nenenerbyos na siya. Yung tipong konti na lang magbebreak down na siya sa sobrang lakas ng kabog ng puso niya.

May parte ng utak niya na nagsasabing tanggapin niya na lang kung ano ang nararamdaman niya para sa binata.

Kaya siguro ganoon na lang ang reaksyon niya kanina.

Yung tipong hindi niya nasigawan o hindi man lang siya nakareact ng bayolente sa mga ginawa sa kanya nito.

Hinayaan niya lang ito sa gusto nitong gawin sa kanya kanina at hindi siya makapaniwala sa naging response niya dito.

It looks like love virus is slowly eating her system and she had nothing to do with it.

Samantalang sa kabilang parte ng utak niya pilit na umuukilkil na walang kinalaman ang isang salita at apat na letra sa nararamdaman niya.

Ika nga niya "Love has nothing to do with my heart, it's all chemical reaction in my brain."

Pilit niyang isinasaksak sa isip na hindi niya mahal ang binata at hinding hindi na siya magpapauto at mahuhulog sa mga patibong ng mga manlolokong lalaki na magaling lang naman palagi sa una.

Lumalabas man na man-hater siya at forever-do-not-exist-avid fan wala na siyang pakialam.

Dahil iniingatan niya lang naman ang puso niya.

At hindi naman sila ang nasaktan kundi siya.

'Pero umamin ka na. You've said a while ago that you're almost there, tipong isang sentimetro na lang hulog ka na. At sinabi mo pa kanina na sana ay maghintay pa siya. So ano yon? Puro kasinungalingan lang lahat?'

"Love is not my thing so fuck off." depensa niya sa sinabi ng konsensya niya kahit nagmumukha na siyang tanga dahil kinakausap niya ang sarili niya.

Napailing na lang siya. 'You're hopeless Jannah!' Bulong ulit nito.

Hindi niya nalang pinansin iyon at bumaba na ng tricycle ng makita niyang nasa tapat na siya ng Estoppel Subdivision kung saan nakatira ang pinsan niyang si Clyde kasama ang mga magulang nito.

Hindi din makakapasok ang tricycle sa loob dahil mahigpit masyado ang seguridad doon.

Pagkatapos niyang magbayad sa driver ay agad na siyang naglakad para makarating agad sa bahay ng pinsan niya.

Hindi naman malayo ang lalakarin niya. Malapit lapit lang naman ang bahay nito mula sa gate ng subdivision.

Mabuti nalang at wala sa subdivision na iyon ang bahay nila dahil pagnagkataon hindi talaga siya tatapak sa kalye na yon.

Sa totoo lang, nasa kabilang kalye pa ang subdivision kung nasaan ang bahay nila, ito ay ang Ostensible Subdivision.

Nang maalala niyang may hawak pa siyang bulaklak agad niya iyong itinapon sa pinakamalapit na basurahan na nakita niya.

Ayaw niyang maghinala ang kanyang pinsan na si Clyde kapag nakita siyang may hawak siyang bulaklak.

Uusisain pa kase siya nito at hindi titigilan kakatanong.

The Girl That You Failed To KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon