CHAPTER 6- She Cares

205 46 36
                                    


Third Person's Pov

Nang makaalis na sila Miala at Sis Des, hindi agad nakapagsalita si Lois marahil ay nabigla siya sa
presensya ng batang makulit kanina.

Samantalang ngingiti-ngiti naman si Sky sa isang tabi habang tinitignan siya.

"Should I get jealous because she got your attention?" Basag sa katahimikan na tanong ni Sky.

Napatingin naman sa kanya si Lois at binigyan ng isang matinding irap ang lalaki. "Do you really want me to say that you're not that interesting to catch my attention?"

"No. Don't even bother because the only thing I want to hear from you is that "You're finally win my heart pretty boy" That's it." Sabay kindat ni Sky sa kanya at nagthumbs up.

"In your dreams." Walang gana na sagot ni Lois.

Tinatamad na siyang makipagtalo rito kaya sinegundahan niya na agad ng tanong si Sky. "I thought we will have lunch together? Ito na ba yon?"

Kahit kailan, hindi na talaga naalis ang ngiti sa maamong mukha ng binata.

Kabaliktaran ng mukha ng dalaga na parang abstract.

At ang hirap ipinta ng mukha.

Oo, hindi naman siya panget pero laging nakairap, nakaismid, nakasimangot at madalas blangko ang mukha nito.

Takot ata itong ngumiti sa kahit na sino.

"Later. Ipapasyal muna kita dito sa loob."

Sa isip isip ni Lois, mukhang hindi na niya mabibilang sa kamay ang sinasabi nitong 'later' simula pa kanina.

Mukhang nakaramdam naman ang binata na pagod nang makipag-bangayan sa kanya si Lois kaya maayos na niyang sinagot ito.

Umakyat sila sa ikalawa at huli ding palapag ng bahay.

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin matukoy kung bahay-ampunan ito baka kase hindi naman talaga at baka iba ang tawag dito bukod pa doon, wala pa ring sinasabi si Sky hanggang ngayon kung nasaan sila.

She needs explanation. A valid reason why they here.

Puro kwarto din ang nasa ikalawang palapag. Walang iba pa ang nandoon.

Pinapakiramdaman niya kung may iba pang sasabihin si Sky.Ngunit wala naman na ata kaya may biglang sumagi na naman na tanong sa kanyang isipan.

'He said he's going to tour me around. Pero hindi naman siya kumikilos.'

'So you're kinda expecting something huh?' Sagot naman ng kanyang konsensya.

Konsensyang EPAL.

EPALaging nasa isip niya.

EPALaging sumasabat.

Naaaburido tuloy siya.'No. I'm kinda suggesting here.' Patol niya naman sa kanyang konsensya.

Nagmumukha tuloy siyang tanga.

Nagulat naman siya ng biglaan siyang hinila ni Sky ng walang sabi-sabi papunta sa terrace ng bahay.

"Ang sakit mo manghila. Inaano ka ba? PSH." Bulyaw niya dito.

"Ewan ko nga din ba. Basta, you're making me fall in love with you deeper." Pa-cute at nagbablush na sabi ni Sky sa kanya.

"You don't know what you're saying." Nagsmirk si Lois dito tsaka naglakad papunta sa terrace para sumandal sa pasemano nito at umiwas ng tingin kay Sky. "I knew it. Since then."

The Girl That You Failed To KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon