CHAPTER 18- Pictures

102 36 10
                                    

Third Person's Pov

Pagkatapos niyang magpalit ng damit ay nahiga muna siya sa kama habang hinihintay ang hapunan na ihahanda para sa kanila ni Aling Senya.

Dahil ito ang naghahanda ng pagkain ng mga umuupa sa boarding house na iyon, mapaumaga, tanghali man o gabi.

Napatingin siya sa orasan na nasa bedside table niya at pagkatapos ay bumaling naman ang tingin niya sa bintana na nasa gawing kanan niya.

Ala sais na ng hapon pero ang dilim na agad sa labas.

Mahihinuha na papalapit na talaga ang Disyembre dahil mas matagal na ang dilim kaysa sa liwanag.

Napadako ang tingin niya sa isang puno sa labas at hinayaan niyang lamunin siya ng alaala ng nakaraan.

-Flashback

Nasa ilalim sila ng puno habang siya ay nakaupo sa damuhan samantalang ang binata na kasama niya ay nakahiga, ang ulo nito ay nakaunan sa kanyang hita. Kung may makakakita man sa kanila iisipin na agad ng mga ito na magkasintahan sila dahil na rin sa magkahugpong nilang mga kamay at pagpapalitan ng mga matatamis na salita na naglalarawan kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Mababanaag din sa mga mukha nila ang saya na nararamdaman nila sa mga oras na yon.

"Babe, halika dito tignan mo tong picture na to, ang ganda ng kuha natin dito o. Bagay na bagay talaga tayong dalawa." Sabi ng binata sa kanya sabay kurot ng ilong niyang hindi katangusan.

Pinakita nito sa kanya ang litrato na nasa cellphone nito.

Habang pinagmamasdan niya ang litrato at matamang nakatingin sa mukha ng binata doon hindi niya lubos maisip kung paano nito nagagawang palalimin ang nararamdaman niya para rito.

"Huh? Nasaan ako dyan? Ikaw lang kaya yan." Sagot niya sa tinuran ng binata kanina at ngumiti.

Iniisip niya na pinagloloko lang siya nito dahil wala namang ibang tao sa larawan kundi ito lang pero pumasok din sa isip niya na baka may nakikitang kakaiba ang boyfriend niya sa picture na ikinangiwi ng labi niya.

"Hahahaha. Nandito ka kaya. Nandito o, sa puso ko." Tugon nito sa kanya sabay turo sa kaliwang parte ng dibdib nito sa larawan.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa sinabi nito kaya ginawaran niya ng halik sa labi ang binata.

-End

Bumalik siya sa kasalukuyan ng marinig niya ang malakas na kalampag at katok na nanggagaling sa labas.

Kaya agad siyang bumangon para pagbuksan ang taong nangangambala sa kwarto niya.

Biglang pumasok sa isip niya na baka si Sky ang nasa labas kaya atubili niyang binuksan ang pinto.

Pero umiling-iling nalang siya at binura ang ideyang nasa isip niya. 'Ayan. Sky pa more. Anong tingin mo? Obssessed sayo yung tao? Aba naman! Iba na yan!'

Sumang-ayon siya sa sinabi ng konsensya niya dahil naisip niya din na hindi hahayaan ni Aling Senya na may makapasok na lalaki sa boarding house kahit na kaibigan pa nila ito kaya tuluyan niya ng binura ang nasa isip at binuksan ang pinto.

Handa niya ng masigawan ang taong walang habas kung kumatok pero agad siyang kumalma ng makita niya ito.

"Waaaaah! I miss you my dearest Jannah! ang bilis mo naman maglakad. Iniwan mo ko doon sa parke." Reklamo nito habang hinihingal pa.

Natulala siya ng makita niya ang kaibigan niya na nasa labas ngunit agad naman siyang nakabawi kaya binuksan niya ng malaki ang pinto para makapasok ang bestfriend niya.

The Girl That You Failed To KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon