Third Person's Pov
Habang hinihintay ni Lois ang kaibigan niya na umoorder ng pagkain nila ngayon sa counter, hindi niya mapigilan ang mapatingin sa kabilang mesa at makinig sa usapan ng dalawang tao roon.
Dahil naririnig niya ang boses ng isang babaeng patweetums kung magsalita dahil naglalambing ito sa boyfriend nito.
Hindi naman siya bitter. Sadyang ayaw niya lang makarinig nang magsyota na nag-uusap ng malapit sa kanya dahil naaalibadbaran siya.
Nakadagdag pa sa pagkairita niya ng makita niya ang nakasukbit na braso ng babae sa nobyo nito na sobra kung makakapit.
Kung titignang mabuti, tinalo pa nito ang tarsier na nakakapit sa sanga.
Ayaw niya ng mga PDA na magjowa.
Para sa kanya masyado iyong masakit sa mata.
'Single ka kase kaya nasasabi mo yan! Sus! Ginagawa niyo din yan dati.' Sigaw ng konsensya niya na mas lalong ikinasalubong ng kilay niya.
"Babe! Anong sayo? Ikaw na mag order ng akin ha? Gusto ko ng fries, spaghetti, aloha burger tsaka sundae! Salamat babe! I love you!" Sabi nung babaeng mataba at akmang hahalikan sa pisngi at yayakapin ang lalaki.
Tinignan niya ang reaksyon ng lalaki, napangiwi ito sa tinuran ng nobya at napagawi ang tingin sa tiyan ng dalaga.
Mukhang hindi nito gusto ang mga pagkain na pinili ng nobya at mukhang ayaw nito sa lumalaking tiyan ng dalaga.
"Babe naman! Kakakain mo lang ng waffle at siomai. Kakain ka na naman?! Baka hindi ka matunawan niyan." Saad ng lalaki at hinawakan pa ang pisngi ng dalaga na parang pinapakita nito na nag-aalala ito sa kalusugan ng nobya.
Napaingos naman si Lois at umirap sa ere.
Pakiramdam niya kase ay walang sensiridad sa boses ng lalaki ng sabihin niya ang mga iyon at pampalubag-loob lang nito ang paghawak nito sa pisngi ng dalaga.
"Sabihin mo lang kung ayaw mo kong bilhan, kaya ko namang bilhan ang sarili ko!" May kasamang pagdadabog na sabi nung babae at tinalikuran ang kasama.
Mukhang masama ang loob nito dahil ayaw bilhin ng nobyo nito ang gusto nitong kainin.
Sa inaakto nito para itong buntis na naglilihi.
"Babe naman! Hindi naman sa ganon. Iniisip ko lang naman yung tiyan mo. Baka masira yan, nandito pa naman tayo sa mall. Paano natin maeenjoy yung date natin?" Malambing na turan ng lalaki na naging dahilan para lingunin ito ng dalaga.
Iniisip siguro ng babae ngayon kung gaano ka-concern sa kanya ang boyfriend niya.
Samantalang napairap na naman si Lois sa narinig sa binata.
Iniisip niya na palusot lang ng lalaki sa babae ang tinuran nito at mukhang epektibo ang pang uuto ng binata sa kasama dahil sa isang iglap lang ay nakayakap na ulit ang babae dito.
"Ugh! Why so sweet babe?! Ang swerte ko talaga sayo."
Naiinis siya at parang gusto niya ng i-umpog sa pader ang babae dahil hindi man lang nito naisip na kaya ayaw siyang bilhan ng binata dahil ayaw nitong tumaba siya lalo.
BINABASA MO ANG
The Girl That You Failed To Keep
Teen FictionPainted By: Joanna Miraflor He wants her back, he realized what he did was stupid. He regrets leaving her. Now, that he is back in her life he will do everything just to win his heart for the second time around but sad to say, the girl had finally...