Chapter 1

494 9 1
                                    

Under The Rain

[Chapter Song: "Umbrella" cover by Alex Goot]

"Hindi ka bakla!" sinasabayan ni Tatay ang nakakabingi niyang sigaw ng malalakas na hagupit ng kanyang kamay sa mukha ko.

"Roberto, tama na! Nasasaktan na ang bata!" pilit namang pinipigilan ni Nanay ang galit na galit kong Tatay.

Wala akong masabi. Ni wala akong tunog na magawa. Napipi na yata ako. Sobrang kahihiyan at sama ng loob ang nararamdaman ko.

"Wala akong pakialam!" sigaw ni Tatay kay Nanay "Amanda, hindi ka ba nahihiya? Pinag-uusapan na sa buong school nila maging dito sa lugar natin na BAKLA yang anak mo!" lumapit sa akin si Tatay at sinabunutan ako "Ilang lalaki na ba ang natikman mo huh?" sa laki ng katawan ni Tatay kayang-kaya niya akong ihagis nang walang kahirap-hirap.

"Roberto, ano ba? Maawa ka naman sa anak mo!" pero parang hindi marinig ni Tatay ang sinabi ni Nanay.

"Lilipat tayo ng bahay!" sabi ni Tatay "Lilipat ka rin ng eskwelahan" umakyat siya sa taas ng kwarto niya. Sakto naman na kumulog at kumidlat. Kasunod noon ang malakas na buhos ng ulan.

Tinignan lang ako ni Nanay. Marahil ay iniisip niya kung ano ang nangyari sa nag-iisa nilang anak. Ganun na ba ako kasama sa mga mata nila?

Lumabas ako ng bahay at tumakbo ako nang tumakbo. Walang tao sa labas ng village namin dahil umuulan. Wala na rin akong pakialam kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Basta kailangan ko lang lumayo at iiyak ang lahat ng nararamdaman ko.

Naghalo na ang ulan, luha at uhog sa mukha ko pero hindi ko yun pinansin. I need space. Kailangan kong huminga. Kailangan kong sumigaw.

"Aaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!" sumigaw ako. Malakas. Yung tipong ayoko nang tumigil.

Napagod ako sa kakatakbo kaya huminto ako. Napansin ko na lang na nasa park na ako. Matindi pa rin ang buhos ng ulan at walang ibang tao sa park maliban sa akin at sa isang... Nagwawalang lalaki.

Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero base sa katawan niya, mukhang magkasing-edad lang kami.

Sinisira niya yung slide gamit ang isang baseball bat. Adik yata to eh?

Lumingon siya sa akin at nag-tagpo ang mga mata namin. Kitang-kita sa mukha niya na bad mood siya at ready siyang makipag-sapakan.

Gwapo siya kaso nakakatakot yung aura niya.

Maya-maya pa ay bigla na lang siyang tumatakbo sa direksiyon ko. Para bang susugurin ako - ay hindi! Susugurin niya nga ako!

Nabigla ako kaya hindi ako nakatakbo agad. Tatakbo na sana ako nang nahablot niya na ang t-shirt ko. Halos mapunit na niya nga ito nang nagpumiglas ako. Ayoko nang mabugbog ulit noh! Binugbog na nga ako ni Tatay eh? Papabugbog pa ulit ako dito sa adik na to?

Kaya sa kagustuhan kong maka-takas ay nagsisi-sigaw ako doon. "Tulong! Tulungan niyo ako!"

"Wag kang maingay! Hoy!" sabi nung lalaki hindi na niya hawak yung baseball bat niya kaya nagawa niya akong iharap sa kanya nang walang kahirap-hirap.

At pagkatapos nun, nagulat na lang ako sa nangyari.

Hinalikan niya ako.

Pagkatapos ng ilang segundo pang paghalik niya sa akin ay bumitiw na siya.

"Ayaw mo kasing tumahimik eh, sasabihan lang naman kita na wag kang magsusumbong na ako yung nanira ng slide, sige bye" humalik pa siya ulit at kumaripas na ng takbo.

Hindi ko na nasundan kung saan siya nagpunta kasi hindi ako maka-kilos.

Okay? A stranger just kissed me. And...

I like it.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon