Chapter 14

166 9 0
                                    

A Talk with Mr. & Mrs. Lopez

[Chapter Song: "Perfect Two" by Auburn]

Pinapasok ako ni Keith sa loob ng kotse niya kaya sumunod na lang ako.

Umikot siya para makapasok naman siya sa driver's seat.

Nang makapasok siya ay bigla niya na lang akong hinalikan.

Iba yung halik niya. May galit, pangungulila. May lungkot.

Nasasaktan ako sa ginagawa niyang paghalik sa akin. Kinakagat niya yung labi ko at ang sakit ng kagat niya! As in kagat talaga!

Tinulak ko siya sabay sabing "Keith! Nasasaktan ako!".

Natigilan siya at pilit na kinalma ang sarili. Nakatingin lang kami sa isa't-isa.

Alam kong naiinis pa rin siya sa nangyari kanina. Sino ba naman ang hindi masasaktan kapag nakita mo ulit yung taong nanakit sayo noon?

Madaling sabihin na 'Move On' pero napakahirap gawin.

Isang segundo lang ang kukunin mo para sabihin ito pero taon ang tatahakin mo para magawa ito.

Nang kumalma siya ay bigla niya akong niyakap at umiyak siya sa balikat ko.

"Sorry" sabi niya. "Kailangan ko lang talagang gawin yun para maalis yung sakit na nararamdaman ko" sabi niya, mas lalo niya pang hinigpitan yung yakap niya sa akin.

Niyakap ko rin siya. "Okay lang, iiyak mo lang yan, nandito lang ako" sabi ko sa kanya.

Nasa parking lot kami at medyo madilim na. Lagi na lang akong late umuuwi dahil sa pagtambay namin ni Keith sa roof deck.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin sabay hawak sa mukha ko.

"Wag mo kong iiwan huh?" sabi niya "Natatakot na akong masaktan ulit"

"Hindi ko yun magagawa sayo," sabi ko "Dahil mahal na mahal kita"

Hinalikan niya ulit ako pero iba na ngayon yung halik niya.

Puno ng pagmamahal.

Passionate.

•••

Kriiiiiiiiiiinnnnggggg!!!

Ugh! Umaga na naman!

Bumangon na ako para makapag-handa na para sa school.

Pagkatapos ko maligo ay naka-receive ako ng text mula kay Keith.

Susunduin kita babe. Get ready I'll be there in 30 minutes.

-Keith

Hala?!? Susunduin niya daw ako?!?

Okay lang hindi naman alam nila Nanay at Tatay ang tungkol sa amin eh.

Pero ang tanong ay kung hanggang kailan kami ganito? Hanggang kailan namin kakayanin na itago sa kanila ang relasyon namin?

Alam kong walang sikreto ang hindi nabubuko kaya dadating at dadating yung araw na malalaman ng mga magulang ko na may karelasyon akong lalaki.

Bumaba na ako para makakain para pagdating ni Keith makaalis agad kami. Para hindi na siya ma-interview nila Tatay.

Mahirap na at baka hindi makapag-pigil si Keith at masabi niyang kami na.

Pagbaba ko ay nandoon si Tatay at Nanay. Nagbabasa si Tatay ng dyaryo samantalang nagtitimpla naman si Nanay ng kape.

Nakahain na ang mga pagkain sa lamesa kaya agad ko na itong sinunggaban.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon