Chapter 23

168 7 0
                                    

Under The Rain Again

[Chapter Song: "Ironic" by Alanis Morissete]

Lumipas ang pasko't bagong taon na sobrang bilis at nandito na naman ako sa school.

Ang saya kasi nagkita na ulit kami ni Keith. Sa Baguio kasi nila napili ni Tita Carmen na mag-christmas vacation.

Eh ako, sa bahay lang kasama sila Nanay at Tatay. Medyo okay naman kasi kahit wala si Keith, gumagala kami nila Joanna at Sandra.

By the way, bagong recruit si Sandra sa tropa at alam niya nang bakla ako at okay lang sa kanya. Alam na rin niya ang relasyon namin ni Keith.

"Haaay! Ang hirap naman niyan! Ayoko na!" sabi ni Keith sabay kamot sa ulo niya.

"Anong ayaw mo na eh wala ka pa ngang nasisimulan?" sabat ko naman sabay turo sa notebook niya.

Nagre-review kasi kami ngayon dahil 3rd periodical exam na next week at goal naming mapataas pa ang rank niya.

"Bakit mo pa kasi kailangang hanapin si x kung nandito naman ako" sabi niya sabay kindat.

Kapag ganitong matagal kaming hindi kami nagkita tapos magpapa-cute siya, ang lakas ng epekto sa akin.

"Ewan ko sayo" sabi ko sa kanya sabay yuko at kunwaring may sinusulat sa notebook ko. Namumula na kasi ako.

"Babe, samahan mo ako mamaya" sabi niya sabay sulat ulit.

"Saan?" tanong ko naman.

"Basta samahan mo na lang ako" sabi niya nang nakatingin na sa akin.

"Okay basta pakakainin mo ko, gutom na ko eh" sabi ko sabay hawak sa tiyan ko.

"Sure! Saan mo ba gusto sa restaurant o sa kwarto ko?" sabi niya sabay kindat ulit. Nanlaki yung mata ko dun ah.

Manyak!!!

"Bastos!" sabi ko na lang sabay kunwaring sulat ulit.

•••

Tahimik lang na nagda-drive si Keith samantalang nilalamon ko naman yung pizza na binili ni Keith.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ko sa kanya sabay kagat sa hawak kong pizza.

"Huh? Wala lang" sabi niya. May pagka-seryosong tao si Keith pero iba yung aura niya ngayon eh.

May nararamdaman akong iba mula sa kanya.

Kaba.

Saan? Kanino?

Nang lumiko siya, napansin kong nasa Greenfield Village kami.

Dito kami nakatira dati at sa pagkaka-alam ko dito sila nakatira ngayon.

"Uuwi ka na ba?" tanong ko sa kanya kasi baka sa bahay lang pala niya ako dadalhin.

"May pupuntahan lang muna tayo babe" sabi niya sabay ngiti sa akin.

At kahit pa ngumiti siya, may bakas pa rin ng kaba at takot sa mukha niya.

"Saan?" tanong ko.

"Basta" sagot naman niya.

Ano ba to? Kanina pa to basta nang basta huh.

Ilang minuto pa ang lumipas ay huminto na ang koste. Nang bumaba ako, doon ko lang napansin na nasa tapat kami ng park.

Medyo makulimlim na rin at mahangin, siguradong uulan na ano mang oras pero hindi ko na yun pinansin.

Grabe. Naaalala ko tuloy yung unang beses na magkita kami ni Keith.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon