Chapter 18

197 8 0
                                    

I Am Sorry

[Chapter Song: "Want U Back" by Cher Lloyd]

"Welcome to Avilon Zoo!" sabi ng isang lalaki na medyo matanda na.

Sinalubong niya kami sa entrance ng zoo tapos may hawak siyang mic na naka-kabit sa speaker.

In-explain niya lang yung history ng zoo tsaka ilang facts about sa mga animals na meron sila.

Dala-dala pa rin ni Keith yung bag ko. Ayaw niyang ibigay sa akin kasi mapapagod daw ako.

Pagkatapos ng mahabang introduction ng lalaki ay nagsimula na kaming mag-libot.

Nakabuntot lang sa akin si Keith habang nagda-daldalan lang kami nila Joanna at Sandra.

"Kuya," napalingon ako nang may marinig akong batang babae na nagsalita mula sa likod ko.

"Bakit beh?" tanong ko sa bata. Hindi siya mukhang gusgusin na parang pulubi.

"May nagpapa-bigay po" sabi ng bata sabay abot sa akin ng pulang envelope.

"Sino?" tanong ko ulit sa bata. Tinanggap ko yung envelope mula sa bata.

"Bawal daw pong sabihin kasi papatayin niya daw yung pamilya ko eh" sabi ng bata sabay takbo.

"Oy! Bata! Sandali!" sinubukan ko pang tawagin yung bata kaso di na siya bumalik. "Grabe naman yun" sabi ko na lang.

"Friend! Buksan mo na dali!" sabi ni Joanna na mukhang mas excited pa kesa sa akin.

Binuksan ko yung envelope at may lamang key chain na may pendant na 'I'.

"'I'? Anong meron sa letter 'I'?" sabi ko.

"Itago mo na lang friend para remembrance!" sabi ni Joanna sa akin sabay tawa.

May kakaiba sa tawa niya eh. Napatingin ako kay Keith, naka-smirk ang mokong.

Merong something eh. Hindi ko lang masabi kung ano.

•••

"Let us give Brutus a round of applause" sabi nung animal trainor.

Nandito kami ngayon sa Ark Avilon. Nanonood kami ng animal show.

Si Brutus ay isang orangutan na specially trained. Nakakagawa siya ng iba't-ibang tricks.

Nakakatuwa siyang panoorin kasi unusual makakita ng unggoy na kilos tao.

Kahit mukhang unggoy si Joanna hindi pa rin siya totoong unggoy kaya hindi siya counted.

"But before we end our show for today, merong very special gift si Brutus sa isang very special person na kasama natin here!" sabi ng lalaki.

Nag-bulungan yung mga classmates namin. Si Joanna naman tsaka si Keith nagbulungan din.

Tapos ako tsaka si Sandra walang pakialam kasi kumakain kami ng baon naming donut.

12:00 na kaya! Hindi pa rin kami kumakain!

"Nandito ba si Mr. Ryan Lopez?" sabi nung lalaki. Nanlaki naman yung mata ko nang narinig ko yung pangalan ko.

Anong meron?!?

Nag-hiyawan yung mga kaklase namin. Tapos si Sandra naman nagulat din kaya inalog-alog pa ako.

"Come here, don't be shy" sabi ng lalaki.

Nagda-dalawang isip pa ako pero tinulak ako ni Joanna papunta sa harapan.

"Brutus, give mo na" sabi nung lalaki kay Brutus.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon