Chapter 17

159 7 0
                                    

By Hook Or By Crook

[Chapter Song: "More Than A Memory" by Carly Rae Jepsen]

"Anak! Nandito na ang mga kaklase mo!" narinig kong sigaw ni Nanay.

Inaayos ko pa kasi yung mga dadalhin ko. Linggo na at fieldtrip na namin!

Nagdala ako ng extrang damit at kung anu-ano pang ka-artehan ko sa katawan tulad ng pulbo at pabango.

"Opo sandali lang!" sigaw ko rin para marinig ako ni Nanay.

Nagsabi kasi ako kay Joanna na sunduin ako ng 4:30 para makapag-almusal pa kaming dalawa.

At as usual, nagsuot lang ako ng t-shirt at jeans. Sinuot ko rin yung bagong sapatos na binili namin ni Joanna kahapon.

Pagbaba ko sa sala nagulat ako sa nakita ko. Si Joanna...

Kasama niya si Keith!!!

Agad akong lumapit kay Joanna at hinila siya patayo papunta sa kusina.

"Bakit mo sinama yan dito?" tanong ko kay Joanna. Medyo pabulong para hindi marinig ni Nanay, nandun din kasi siya sa kusina.

"Nandun na kasi siya kanina sa school, eh baka matagalan pa kasi ako kung magji-jeep pa ako, eh kasama naman ni Keith yung driver niya kaya sumabay na ako" paliwanag naman ni Joanna.

"Sigurado ka huh" sabi ko sa kanya. May halong pambabanta sa boses ko.

"Oo naman" sabi nito sabay ngiti nang nakakaloko. Sigurado talaga akong hindi yun ang dahilan kung bakit kasama niya si Keith dito eh.

Bigla namang lumapit sa akin si Nanay na may hawak pang sandok at naka-simangot.

"Ryan, girlfriend mo ba yun?!" tanong nito sa akin at ang sama pa ng tingin.

"Hindi po! Kaibigan ko lang yun!" sabi ko, medyo napalakas pa nga yung pagkakasabi ko eh. Defensive teh!

"Siguraduhin mo lang" sabi nito sabay tutok ng sandok sa mukha ko. "Ang panget eh!" dagdag niya pa sabay talikod at pinagpatuloy ang pagluluto ng fried rice.

"Grabe akala mo ang ganda" bumulong ako sa hangin para hindi ako marinig ni Nanay.

"Narinig ko yon!" biglang sabi nito kaya pumunta na lang ako sa sala.

Naabutan kong may pinag-uusapan sila Joanna at Keith na agad naman nilang tinigil nang dumating ako.

"Friend, come on, sit down" sabi ni Joanna habang tinatapik ang isang pwesto sa sofa na katabi niya.

Umupo ako doon, bale nasa gitna naming dalawa ni Keith si Joanna.

"Kumpleto na ba yung mga dadalhin mo?" tanong ni Joanna. Tumango na lang ako bilang sagot.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano ni Joanna samantalang si Keith naman tahimik lang nakikinig.

Minsan nahuhuli ko siyang tumatawa kapag nag-aasaran kami ni Joanna.

"Oh mga hijo, hija, kumain na muna kayo bago kayo umalis" narinig naming nagsalita si Nanay mula sa kusina kaya sumunod na kami.

Pagdating namin doong tatlo ay nakahain na ang hapag kainan pero wala pa si Tatay.

Kumain na lang kami at sumakay na sa kotse ni Keith pagkatapos.

Katabi ni Keith ang driver niya sa harapan habang kami namang dalawa ni Joanna ang magkatabi sa likod.

Palihim na lang akong tumitingin kay Keith na naka-talikod lang sa akin.

•••

"Bus no. 7!" narinig naming sumisigaw yung tour guide namin.

Magkakasama kaming tatlo nila Joanna, Sandra at Keith sa bus kasi sabay-sabay kaming nagbayad ng ticket.

"Okay, meron po tayong seat plan na susundin base po sa order ng pagbayad nyo ng ticket" paliwanag ng tour guide namin na parang nasa 30s na.

Isa-isang tinawag yung mga magkakatabi sa loob ng bus. Kakaiba yung style ng bus kasi dalawang upuan lang per side ang meron hindi katulad ng usual na bus na may tatlo at may dalawa.

"Perez, Sandra and Del Mundo, Joanna seats no. 23 and 24" sabi nung tour guide. Dali-dali namang umupo at halatang masaya. "Martinez, Keith and Lopez, Ryan seats no. 25 and 26"

Oh. My. Giraffe.

"S-sigurado po ba yan kuya?" tinanong ko yung tour guide kasi ayoko ngang makatabi si Keith.

Naiinis pa rin ako sa kanya.

"Yun kasi yung nakalagay dito eh" sabi nung tour guide sabay turo doon sa listahan na hawak niya.

"Okay! Let's go!" sabi ni Keith habang nakangiti nang malaki.

Bigla niyang kinuha yung bag ko na nakalapag sa lupa tapos nauna nang umupo.

Doon siya naupo sa gilid bale yung bakanteng upuan na lang ay yung sa tabi ng bintana.

Wala na akong nagawa kaya pumunta na lang ako sa seat ko.

Dumaan ako sa harap ni Keith, nakatapat sa kanya yung puwet ko.

Nang makaupo ako, sinuot ko agad yung pula kong jacket kasi malamig yung aircon at medyo matagal ang byahe papuntang Rizal.

"Nice ass" nanlaki yung mga mata ko nang biglang magsalita si Keith.

Napatingin ako sa kanya, nakangiti siya pero hindi siya nakatingin sa akin.

Pero nagtataka din talaga ako sa katawan ko eh. Payat ako pero malaki yung puwet ko.

Ewan. Alien yata ako eh.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at pilit na ini-ignore ang awkward feeling na nararamdaman ko habang katabi ko si Keith.

Nagsimula nang umandar yung bus at nag-ingay naman yung mga kasama namin sa bus.

May tatlo kaming teacher na kasama pero game na game lang rin sila sa mga biruan.

Humikab si Keith at nag-stretch pa ng mga braso at pasimple siyang umakbay sa akin.

Tinignan ko siya nang masama kaya inalis niya agad yung kamay niya.

"Teka lang, may nabalitaan ako last friday huh?" biglang singit ni Maki.

Yung kaklase naming bully, kasama rin namin siya sa loob ng bus, pati si Georgia at Catherine nandoon din.

Nag-tinginan lahat kay Maki nang bigla siyang magsalita.

Pati nga ako napatingin din dahil curious ako.

"May lover's quarrel daw na naganap sa Room 108?" sabi ni Maki sabay tingin sa akin nang nakakaloko.

Pati yung iba naming classmates tumingin din sa akin.

Pero si Keith parang wala lang pakialam at natawa pa sa sinabi ni Maki na 'Lover's Quarrel'.

Alam ko na agad na kami ni Keith yung tinutukoy ng asungot na to.

Kumalat kasi agad sa lahat ng 4th year students yung nangyari eh.

"Maki, wag ka na ngang magulo, mukha namang bati na sila eh, tignan mo tabi pa sila" biglang singit ni Georgia.

Aba naman? Akala ko ba takot sila kay Keith? Paano nila nagagawang lokohin to ngayon?

Wala pa ring imik si Keith at nakangiti lang. Siguro sa iba walang malisya pero sa amin at kay Joanna, meron!

"Ayyyyiiieeee, KeYan!" lalong nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko si Joanna na sumigaw. Inasar na tuloy kami ng mga tao sa loob ng bus.

Mabuti na lang at sinaway sila ng isa naming teacher at tumigil na sila sa pang-aasar sa amin ni Keith.

Maya-maya pa'y lumapit sa akin si Keith at narinig ko siyang bumulong.

"Bati na ba tayo babe?" nanlaki ang mga mata ko doon kaya agad ko siyang tinulak.

"Leche, layuan mo ko" sabi ko sa kanya.

"Okay" sabi niya. "But I'll get you back by hook or by crook" sabi niya nang naka-ngisi.

Ano na naman kaya ang nasa utak nito?

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon