Chapter 13

166 9 0
                                    

The Ex-Girlfriend

[Chapter Song: "1+1" by Beyonce]

"Ang boriiiiinnngggg" sabi ko.

Haiissst! Lunes ngayon at napaka-boring. Lalo na ngayon at may sakit si Keith at hindi siya pumasok.

Dapat talaga papasok siya eh kaso sinabihan ko siya na magpahinga na lang.

Dapat pala pinapasok ko na lang siya.

Nandito ako ngayon sa roof deck. Recess na ngayon at napagpasyahan ko na dito na lang kumain.

Wala kasi si Joanna eh, hindi ko siya makita.

Kung kailan mo kailangan saka naman wala.

Wala akong makausap kaya dumiretso na lang ako sa roof deck.

Hindi na rin ako bumili ng pagkain dahil tinatamad akong kumain.

Keeeeeeeiiiiiitttttthhhhh!!!

Nakatayo lang ako habang nakasilip sa baba.

Tinitignan ko kung paano magharutan yung mga babaeng putok na putok ang mukha dahil sa makeup.

Ang haharot beh!

Nasa gitna lang ako ng panlalait sa mga babaeng feeling maganda nang may biglang yumakap sa bewang ko.

"Keith, I knew you were here" may narinig akong boses ng isang babae. Napatalikod ako at nagulat ako.

Babae nga!

Pero anong sabi niya? Keith?

Mukha rin siyang nagulat nang makita ang mukha ko.

"S-sorry, I thought you're Keith" sabi niya sabay atras nang konti.

Maganda siya. Maputi at may mahabang buhok. Matangos din ang ilong niya at mapula ang labi niya.

Brown ang kulay ng mga mata niya at sa isang tingin ay aakalain mo talagang may lahi siya.

"Wala si Keith," sabi ko. "Absent siya" nakasuot din siya ng uniform ng school namin pero ngayon ko lang siya nakita.

Baka transferred student? Pero bakit kilala niya si Keith?

"G-ganun ba?" sabi niya na halatang nahihiya pa rin sa ginawa niya. "Pakisabi sa kanya na dumating na si Sasha, pakisabi na rin na maghihintay lang ako sa kanya sa puno ng mangga" tumalikod na siya at patakbong umalis.

Paalis na sana siya ng roof deck kaso humarap ulit siya sa akin sabay tanong ng "A-anong pangalan mo?"

"Ryan," pakilala ko.

"Nice to meet you Ryan," sabi niya. "I'm Sasha"

•••

"Ayoko nga!" sigaw ni Keith. Nasa roof deck kami ngayon.

Recess na ngayon at pinipilit ko si Keith na puntahan si Sasha. Huwebes na kasi ngayon at araw-araw kong nakikita si Sasha na nag-aabang sa ilalim ng puno ng mangga.

Halatang gusto niya talagang makita si Keith.

Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit ayaw ni Keith na puntahan si Sasha.

Ano bang meron sa dalawang to?

"Bakit ba ayaw mo? Kakausapin mo lang naman siya!" sabi ko sa kanya.

"Ryan, ayoko nga! AYOKO!" sigaw ni Keith. Natigilan ako nang sigawan niya ako.

Ito ang unang beses na sinigawan ako ni Keith. Natahimik din si Keith nang mapansin niyang hindi ako natuwa sa ginawa niyang pagsigaw sa akin.

"I-i'm sorry," sabi niya habang nakatitig lang sa akin. "Hindi ko sinasadyang sigawan ka" dagdag pa niya.

"Keith, gusto ko lang naman na mag-usap kayo," sabi ko "Kung nakita mo lang yung mukha niya kapag naghihintay siya sayo sa ilalim ng puno ng mangga tapos hindi ka dumadating, I'm sure maaawa ka rin sa kanya".

"Ryan, you don't understand" sabi niya.

"Then make me understand" sabi ko.

Huminga siya nang malalim saka ulit nagsalita.

"Sasha, she's... She's my ex-girlfriend" sabi niya habang nakatingin sa lupa.

Ex-Girlfriend? So dati palang straight tong si Keith?

Pero kahit na, ano ngayon kung ex niya si Sasha. Hindi ba siya naaawa doon sa tao?

"So what? Ano ngayon? Sapat na bang dahilan yun para iwasan mo siya?" tanong ko sa kanya.

"I just can't" sabi niya nang hindi pa rin nakatingin sa akin.

"May nararamdaman ka pa rin ba sa kanya?" tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko. Halatang gulat na gulat.

"What?!? No! Wala!" sabi niya sabay lapit sa akin at hawak sa bewang ko. "Ikaw lang ang mahal ko" dagdag niya pa.

"Patunayan mo," sabi ko sa kanya. "Kausapin mo siya, tapusin niyo yung mga bagay na hindi niyo napag-usapan noon nang maayos niyo ito ngayon, then give your relationship with her a proper closure."

Napa-isip si Keith sa sinabi ko saka ulit siya nagsalita.

"Okay I'll talk to her" sabi niya. "Para lang matahimik ka na" dagdag niya pa.

"Thank you" sabi ko sabay halik sa kanya.

•••

Uwian na at pumunta kami ni Keith sa puno ng mangga. Sigurado akong nandoon pa hanggang ngayon si Sasha.

Lagi ko kasi siyang nakikita doon tuwing umuuwi ako. Nag-aabang, naghihintay.

At hindi nga ako nagkamali. Nagulat siya nang makita niya si Keith na kasama ko.

"Keith?!" agad na tumakbo si Sasha palapit kay Keith at niyakap niya ito.

Nakaramdam ako ng konting selos pero kailangan kong tiisin yun dahil ako naman ang nagpilit na gawin niya ito.

"You came! I know you still love me" sabi ni Sasha habang nakayakap pa rin kay Keith.

Umalis si Keith sa pagkakayakap sa kanya ni Sasha.

"Sasha, stop this, I don't love you anymore" sabi ni Keith. "Meron nang nagmamay-ari ng puso ko at hindi ikaw yun."

At para bang automatic na tumulo ang mga luha ni Sasha dahil sa sinabi ni Keith sa kanya.

"Who is she? Mas maganda ba siya sa akin?" tanong ni Sasha na humahagulgol na sa kakaiyak.

"Oo!" sigaw ni Keith. "At mahal ko siya and I know na hindi niya ako magagawang lolokohin gaya ng panloloko mo sa akin noon!"

I know, hindi dapat ako nakikinig sa usapan nila pero kondisyon to sa akin ni Keith.

Wag ko daw siyang iiwan habang kinakausap niya daw si Sasha.

"Keith, look, I'm sorry" sabi ni Sasha sabay hawak sa braso ni Keith. "Hindi ko na yun uulitin! I'm a better person now and I love you even more!"

Inalis ni Keith ang mga kamay ni Sasha sa braso niya.

"Wag mo nang lokohin ang sarili mo, we're over" sabi ni Keith sabay talikod.

Hinila ni Keith ang braso ko para iwanan si Sasha doon na umiiyak.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon