Chapter 11

180 8 0
                                    

The Exam and The Result

[Chapter Song: "Teenage Dream" by Katy Perry]

Today is a very BIG day!

2nd periodical exam na! Napaka-importante ng araw na ito sa akin. Kailangan kong galingan para matupad ko yung goal ko na maka-graduate with honors.

Habang hindi pa nagsisimula yung exam ay nag-review ulit ako. Nag-review na ako kagabi at kaninang madaling araw pero para sigurado magre-review ulit ako ngayon.

Habang nagbabasa ako ay ginulat ako ni Keith.

"Keith? Wag kang magulo nagre-review ako" sabi ko sa kanya. Umupo siya sa isang bakanteng upuan na katabi ko.

Nandun pa rin siya sa may bandang harapan nakaupo. Gusto niya sanang magpa-lipat ulit kaso di na siya pinayagan ng adviser namin kasi nagawa na daw yung seat plan.

"Review? Eh ang talino mo na eh" sabi niya. Sus! Nambola na naman. Bolero talaga to... pero sweet.

"Bolero!" sabi ko sa kanya. "Dapat nagre-review ka din" sabi ko sa kanya. Nakalagay yung kamay niya sa hita ko. Para bang wala siyang pakialam kung may makakakita sa amin.

Ano kayang sasabihin ng iba kapag nalaman nila na ang ultimate bad boy ng school ay bakla?

"Hindi na kailangan" sabi niya. "Eh sa mga ginagawa pa lang natin na review sa iTeach, tumatalino na ko eh" bolero na nga mayabang pa.

"Ewan ko sayo" sabi ko na lang.

"Sabay tayo mag-recess mamaya huh?" sabi niya na naka-pout pa.

"Oo na" sabi ko. "Mag-review ka na para tumaas yung rank mo" dagdag ko pa.

Sa school kasi na ito nira-rank nila yung mga estudyante base sa final grade. Sa 4th year high school may 400 na students at si Keith ang pang-400.

Kaya nga naging goal ko na rin na pataasin ang rank ni Keith simula nang maging tutor niya ako sa iTeach.

"Dapat may reward ako kapag tumaas yung rank ko" sabi niya, naka-pout na naman. Minsan talaga isip bata tong si Keith eh.

"Osha, ano namang reward ang gusto mo?" tanong ko. Hindi ko na tuloy natapos yung pagre-review ko.

"Kiss" sabi niya sabay nguso. Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya "And not just a kiss, I want french kiss" dagdag niya pa. Mas lalo tuloy lumaki yung mata ko. Pati yata yung butas ng ilong ko lumaki na.

Bigla namang pumasok yung adviser namin kasama yung dalawa ko pang classmate na lalaki na may dala-dalang test papers.

"Bahala na" sabi ko.

"Yes!" sabi ni Keith na para bang nanalo na sa lotto.

"Hala? OA? Wala pa nga eh" sabi ko, tinabi ko na yung notebook na binabasa ko kanina. Konti lang yung na-review ko, dinaldal kasi ako neto ni Keith eh.

"Just wait and you'll see" lumapit siya sa tenga ko para makabulong. "Ihanda mo na yang lips mo dahil kakainin ko yan" nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya.

Bumalik na siya sa upuan ko nang hindi man lang lumilingon. Paano kung tumaas nga siya?

Kahit rank 399 lang pwede niya nang gawin yung gusto niya.

Teka? Bakit ba ang arte ko? Feeling babae lang? French kiss lang naman eh! Mabubuntis ba ako doon?

Tsaka ayoko naman na ma-bored si Keith sa relationship namin. Grabe, ngayon ko lang na-realize na ang arte ko palang bakla.

Dapat nga kapag gwapo at yummy na katulad ni Keith, Go lang nang Go eh!

"Okay, so for your first exam for today, you will be having English" paliwanag ni Mrs. Lacsamana. Binigay na niya sa amin yung mga test papers namin.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon