Chapter 10

200 7 0
                                    

Our First Date

[Chapter Song: "Bubbly" by Colbie Cailat]

KRIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!

Nagising ako sa maingay na tunog ng alarm clock ko. Hindi ko naman kasi talaga gusto ng alarm clock, si Nanay lang talaga yung makulit. Sabi niya kailangan ko daw ito.

Sabado ngayon at napuyat ako kagabi. Kinuha kasi ni Keith yung number ko tapos inabot na kami ng 3:00 sa kakatext namin.

Haha! Nakakatawa siya ka-text! Kung anu-anong topic yung pinag-uusapan namin. Sweet din siya tapos puro pick-up lines yung sinasabi niya. Jejemon din pala to eh.

Meron akong nakitang side ni Keith na ngayon ko lang nakita.

Tumayo na ako at pinatay ang alarm clock. Diretso ako sa CR para maligo na.

•••

"Kain na anak" sabi ni Nanay habang inaayos ang hapag kainan. Napansin kong wala si Tatay kaya nagtaka ako.

Day off niya kasi tuwing sabado at linggo at wala siyang pasok sa opisina. Pero wala siya ngayon kaya tinanong ko si Nanay.

"Nay, nasaan po si Tatay?" tanong ko kay Nanay na nagsasandok na ng kanin. Kanin kasi ang kinakain ko tuwing almusal. Malakas kasi ako kumain hehe.

"Umalis, may pupuntahan daw, hindi naman sinabi kung saan basta importante daw," sabi ni Nanay sabay upo. Sinandukan niya pa ako ng itlog at hotdog. Mahilig kasi ako sa itlog at hotdog.

Tumango na lang ako at nagsimula nang kumain nang biglang tumunog yung cellphone ko sa bulsa ko.

Tinignan ko kung sino yung nag-text at nalaman kong si Keith pala.

Good morning babe, I'll pick you up at 5, be ready, okay?

-Keith

Oh. My. Goodness.

Date na ba ito???

Halos mabilaukan ako sa nabasa ko. Niyayaya niya ba ako na mag-date?

Nang mapansin ni Nanay na naba-baliw ako ay nagtanong siya "Oy, anong nangyari sayo?" tanong ni Nanay.

"Ah, wala po," sabi ko. Teka, magpapaalam na muna ako. "Ahh Nay, pwede po ba akong umalis mamayang 5, may pupuntahan lang po ako" sabi ko kay Nanay.

"Bakit? Saan ka naman pupunta?" tanong niya sabay inom ng juice.

"Sa kaklase ko lang po," pagsisinungaling ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na makikipag-date ako sa lalaki noh? Edi pinatay ako neto ni Nanay?

"Bakit naman 5? Late na yun ah?" sabi niya sa akin, mukhang nagtataka na. Patay! Wala akong maisip na palusot.

"Ah, eh, may project po kami eh," sabi ko. Sana makalusot.

"Sus! May date ka lang eh!" sabi ni Nanay sabay kain ulit. Nanlaki yung mga mata ko sa narinig ko.

Paano niya nalaman? Pinalilibutan ba ako ng mga mind-readers?

"W-wala po!" sabi ko. Tinignan niya lang ako nang nakakaloko. Aaaaarrrrrgggghhh! Ayan na naman si Nanay, aasarin na naman ako niyan!

"Weh? Maganda ba? Pakilala mo naman sa akin!" sabi ni Nanay na halatang excited. Akala niya babae yung ka-date ko. Haaaiiisssttt! Hindi pa rin niya matanggap na sirena ako.

"Hindi nga po ako makikipag-date! May project nga po kami ng kaklase ko!" sabi ko sa kanya pero mukhang hindi pa rin naniniwala.

"Project? Tapos 5:00 niyo gagawin? Ryan? Anong klaseng project yan?!" sabi ni Nanay. Aba naman! Anong tingin niya sa akin? Malibog? Hindi noh! Minsan lang hehe.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon