Chapter 8

203 9 0
                                    

My Hero

[Chapter Song: "I'll Be" by Edwin McCain]

"Hoy!" napatalon ako nang biglang hampasin ni Joanna ng notebook ang table ko. "Bakit nakasimangot ka?" tanong niya sa akin.

Recess na ngayon at tuwing recess lang kami nakakapag-usap ni Joanna. Iba kasi ang section niya kaya hindi kami madalas mag-usap.

Dahil araw-araw kaming magkasama ni Joanna sa iTeach ay naging close na rin kami sa isa't-isa. Natutunan ko na ring masanay sa nakakairita niyang boses.

Nakakalungkot ngang isipin na tuwing recess lang ako may kausap. Wala kasi akong close sa section namin eh.

Si Keith naman iniiwasan ako. Tatlong araw na makalipas nung nangyari sa auditorium.

Hindi na nga siya bumalik ng room nung araw na yun eh. Mukhang nag-cutting na.

"Wala" yun na lang ang sinabi ko sa kanya. Ayoko naman sabihin na malungkot ako kasi umamin ako sa crush kong lalaki na gusto ko siya.

Kasi naman. Bakit kasi hindi pa tanggap sa lipunang ito ang lahi ko?

"Lalaki ba yang iniisip mo?" biglang tanong ni Joanna. Takte. Nagulat ako doon ah!

"Gaga ka ba? Hindi noh! Anong tingin mo sa akin? Bakla?!" sabi ko sa kanya. Delikado talaga ako sa babaeng to eh. May 97% chance talaga na mabubuko ako nito eh. Hay naku!

"Sus! Wag ka nang paminta," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Alam ko naman na eh" dagdag niya pa dahilan para mapatingin ako sa kanya. Anong alam niya? Paano niya nalaman?

"A-ano?" tanong ko sa kanya. Patay! Nauutal ako. Bad trip naman tong si Joanna!

"Alam ko naman na bading ka eh," sabi niya. "Wag ka mag-alala, I won't judge" sabi niya sabay hila sa akin patayo papunta sa counter.

Nakatitig lang ako sa kanya at napansin niya iyon kaya nagsalita na lang ulit siya "Ano ka ba friend? Kahit ano ka pa, tanggap kita!" sabi niya sabay lingkis sa mga braso ko "Eh ano naman ngayon kung bakla ka? Ang mahalaga hindi ka nanakit ng iba. Taga-bigay ka pa nga eh" sabi niya.

Binatukan ko nga. Mata-touch na ako eh, nanloko pa? Galing!

"Alam mo ikaw? Hindi ko talaga alam kunh kaibigan ba talaga kita eh" sabi ko sa kanya. Tumawa na lang siya nang malakas. "Jo, wag mo ipagkakalat huh?" sabi ko sa kanya.

"Bakit? Closet ka pa?" tanong niya. Nakatingin siya sa akin at para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Oo eh," sabi ko sa kanya. Siguro okay lang na mag-kwento sa kanya. Kahit mukhang hindi siya mapagkakatiwalaan ay mabait naman tong tao.

"Bakit? Ayaw ni Papa?" tanong niya. Aba! Ano ba to manghuhula? Madam Auring?

"Alam ng Tatay ko kaso ayaw niya lang talaga," sabi ko sa kanya. "Ako lang kasi ang anak, gusto niya ng apo" dagdag ko pa.

Yon naman kasi talaga ang dahilan kung bakit ayaw ni Tatay na maging bakla ako. Gusto niya na mag-asawa at magka-anak ko para magka-apo siya.

Kaso hindi ko naman kayang magmahal ng babae. Hindi ako tomboy!

"Ganun? Hindi ba pwedeng mag-ampon?" tanong ulit ni Joanna. Naka-kapit pa rin siya sa braso ko. Ano ba yan? Mapagkamalan pa kaming mag-jowa nito!

"Syempre gusto niya ka-dugo namin" sagot ko.

Nakarating na kami sa pila. Nasa likod namin si Alex at ang iba niya pang mga kabarkada. Isa rin sa mga bully ng school na to.

Matabang lalaki si Alex na may semi-kalbong gupit. Malalim ang boses niya. Para siyang si Damulag ng Doraemon sa totoong buhay.

"Uy Joanna, ganda ng pustiso mo ah, pahiram nga" panunukso niya kay Joanna. Lumingon si Joanna at sumagot.

"Uy Alex, ganda ng ilong natin ah? Pisa!" sabi ni Joanna. Nagtawanan naman yung mga barkada ni Alex pero agad ding tumigil nang tignan niya ng masama.

Umorder na lang ako ng dalawang spaghetti at iced tea para sa amin ni Joanna. Nilibre ko na kawawa naman eh.

Nang makuha ko na yung order ko ay tumalikod na ako. Sakto naman na naka-salubong ko si Alex.

Nabangga ng tiyan niyang malaki yung tray kaya natapon ang spaghetti sa lapag at natapon naman kay Alex yung mga iced tea.

Nagulat ako sa nangyari ganun din si Joanna at ang iba naming mga schoolmates na nakakita.

"S-sorry! Hindi ko sinasadya" kinuha ko agad yung panyo ko at pinunasan ang basang-basa niyang polo. Shet! Gulo to!

"Ginagago mo ba ako?" tanong sa akin ni Alex sabay hawak sa kwelyo ng polo ko. Nakatingin lang sa amin ang lahat maging si Joanna nabigla sa nangyari.

"Hoy! Alex! Bitiwan mo nga siya!" sigaw ni Joanna gamit ang nakakabingi niyang boses. Pero parang walang narinig si Alex at hindi niya ako binitiwan.

"Sorry, hindi ko talaga sinasadya" sabi ko sa kanya. Ang kulit naman ng damulag na to? Sabing hindi ko nga sadya eh!

"Anong hindi sadya? Nireresbakan mo lang tong barkada mo!" sabi niya sabay turo kay Joanna. "Tignan mo nga tong polo ko? Basang-basa na ng juice!" sabi niya.

"Wag kang mag-alala hindi yan juice, iced tea yan, tsaka ako na ang maglalaba ng polo mo kung gusto mo" sabi ko sa kanya. Ang arte naman nito?! Ayaw pa ako bitiwan!

"Hindi! Ayoko!" sabi niya. Aba naman, isip bata pa tong si Jollibee! Ang kulit huh.

Nagulat na lang ako nang may narinig akong boses sa bandang kaliwa ko "Bring him down".

Yung cold na boses, sabi na eh, si Keith yun!

My hero.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nandito nga siya.

Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya samantalang nakatingin naman siya nang diretso sa mata ni Alex.

Nanginginig na binaba ako ni Alex. Wow huh? Ganun ba ka-siga si Keith dito at maging ang dambuhalang katulad ni Alex ay takot sa kanya?

"Good," sabi niya kay Alex. Hinawakan niya ang braso ko at saka siya nagsalita ulit. "Listen up!" sigaw niya sa loob bg canteen.

Lahat ng mga mata sa loob ng canteen ay napunta sa amin. Maging ang mga tindera sa counter ay nakatingin din.

Oh. My. Gary V.

Anong ginagawa niya?

"Do not dare to touch or hurt this guy kung ayaw niyo ng sakit sa katawan!" sigaw niya. Boses niya lang ang maririnig mo sa loob ng canteen. Grabe, wala talagang nagsasalita. Ano ba si Keith dito at parang takot na takot sa kanya ang lahat?

Tahimik lang ang lahat at nakatitig sa aming dalawa. Wish ko lang na sana hindi ito ma-report sa mga teachers at hindi maka-sagabal sa grades ko.

Hinila niya ang braso ko at kinaladkad ako palabas ng canteen.

Saan naman kaya ako dadalhin nito?

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon