Chapter 9

194 6 0
                                    

Confession

[Chapter Song: "Iris" by Goo Goo Dolls]

"Saan mo ba ako dadalhin?!" sigaw ko kay Keith na kanina pa ako kinakaladkad.

Napahinto siya sa paglalakad kaya agad akong bumitiw sa kanya. Ano ba kasing trip nito? Baka mamaya rapist to at i-rape pa ako?!

Asa naman.

Nakarating na kami sa lumang building nitong school. Lumang-luma na ito kaya hindi na pinapagamit sa mga estudyante.

Meron itong apat na floors at roof deck. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa nila pinapalitan ng bago para nagagamit ng mga estudyante eh.

"Shut up!" sigaw niya rin sa akin. Aba? Nilalabanan ako?

Oo, alam ko, niligtas niya ako kanina doon kay Alex taba at dapat ay nagpapasalamat ako sa kanya, pero ang sakit na kasi ng braso ko!

Ang higpit kasi ng pagkaka-hawak niya eh. Tapos parang wala lang siyang pakialam.

"Anong 'shut up'? Mamaya ibebenta mo na pala ako sa mga sindikato tapos wala lang akong ginagawa!" sigaw ko rin sa kanya. Okay lang na magsigawan kami dito, wala namang makakarinig.

"Wag ka ngang OA, una sa lahat hindi kita ibebenta dahil walang bibili sayo!" aba matinde? Nakuha pang mag-joke huh? Sakit kaya ng sinabi niya! "Tsaka sumunod ka na lang sa akin at wag kang maingay," huminto siya sandali sa pananalita at lumingon-lingon sa paligid. "May multo dito" sabi niya sabay takbo.

Natakot ako kaya hinabol ko siya "Keith! Sandali wag mo kong iwan! Waaaaaahhhhh!"

•••

Matapos ang ilang minutong pagtakbo ay nakarating kami sa roof deck.

"Welcome to my world," sabi ni Keith na tinaas pa ang kamay niya.

Nilibot ko ang mga mata ko sa roof deck. Kitang-kita mo mula dito ang buong school pero hindi ka masyadong makikita ng mga nasa baba.

Magandang hideout kapag nagka-cutting ka. Walang duda na dito pumupunta si Keith kapag nagka-cutting siya.

Tumingin-tingin pa ako sa paligid at napansin kong may isang kama doon.

Kama? Sinong nakatira dito?

Katabi nun ang isang lamesa na plastic na may nakapatong na dalawang supot ng plastic bags at meron ding dalawang upuan na katabi nito. Meron ding isang electric fan at extension cord.

Base sa set up ng roof deck mahahalata mong may gumagamit talaga dito at walang duda na si Keith yun.

Dire-diretso naman si Keith na humiga doon sa kama at binuksan niya ang electric fan. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa likod ng ulo niya.

Grabe! Ang hot niya kapag ginagawa niya yon! Enebe!

"Sayo to?" sabi ko sabay turo sa mga gamit. Yun lang kasi ang laman ng roof deck.

"Obvious ba?" sagot niya. Pilosopo rin minsan to eh? Yung tipong nagtatanong ka nang maayos sasagutin ka ng pabalang? Pilipino talaga.

"Ayos huh? Paano mo nalagay tong mga gamit na to nang hindi nahuhuli ng mga teachers?" sabi ko sa kanya. Nakatayo lang ako medyo malayo sa kama na hinihigaan niya.

"We own this building" sabi niya. Ano daw?!?

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya!

"Sa inyo tong building?!" gulat na gulat kong sabi. Wow! Big time pala to. Hindi nga ako nagkamali, anak mayaman nga ang mokong.

"May share ang papa ko sa school na to," sabi niya. Umupo ako sa upuan katabi ng kama na hinihigaan niya. "Actually, si Papa pa mismo ang nagpatayo nitong building kaya kahit na luma na, hindi namin ito pinapagiba" sabi niya pa.

"Ang dami ko pa palang hindi alam tungkol sayo" sabi ko sa kanya. Umupo siya sa kama at humarap sa akin.

"Ano bang gusto mong malaman?" tanong niya.

"Kailan birthday mo?" tanong ko sa kanya.

"May 19" sagot niya "Eh ikaw?"

"January 27" sagot ko naman.

Ganun lang kami ng ilan pang oras. Marami-rami din akong nalaman sa kanya.

Ang paborito niya palang pagkain ay Adobo, black ang paborito niyang kulay, Nirvana ang paborito niyang banda, ayaw niya kay Justin Bieber, at kung anu-ano pa.

"Teka! Anong oras na ba?" napatingin ako sa relo ko. Waaaahhh!!! Late na kami sa next subject namin. "Hoy! Tara na! Late na tayo sa next subject natin" sabi ko kay Keith. Patay ako neto! Baka maka-apekto to sa mga grades ko!

"Wag ka ngang praning absent si Sir Castro ngayon" sabi ni Keith. Humiga ulit siya sa kama at pumikit.

"Paano mo nalaman?" sabi ko. Ayos huh? Pati attendance ng mga teacher alam niya.

"Alam ko lang," tumayo siya sa kama at lumapit sa lamesa. May kinuha siyang potato chips "Dito ka muna".

Hindi siya nakatingin sa akin pero nakaramdam ako ng something sa sinabi niya.

Para bang nanunuyo? Nagsusumamo?

Umupo ako sa kama ganun din siya dala-dala ang supot ng potato chips na kinuha niya mula sa plastic bag.

Nakatingin lang siya sa chips na kinakain niya kaya nakikain na rin ako.

"Totoo ba?" sabi niya. Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang magsalita. Nakayuko pa rin siya at hindi nakatingin sa akin.

"Ang alin?" tanong ko. Hindi ko kasi ma-gets yung sinasabi niya putol-putol kasi.

"Totoo ba yung sinabi mo sa akin nung Tuesday?" tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng hiya at takot. Nahihiya ako sa ginawa kong pag-amin nung Tuesday at natatakot ako na baka hindi niya masuklian yung pagmamahal ko para sa kanya.

Hindi ako makapag-salita. Pinagpapawisan ako. Aamin ba ako? Paano kung sabihin niya hanggang kaibigan lang kami?

Edi nasaktan ako? Kaya ayokong nafo-fall eh. Hindi ka sigurado kung sasaluhin ka ng taong mahal mo.

"Ryan, I need to know, totoo ba yung sinabi mo sa akin nung Tuesday? Totoo bang mahal mo ko?" sabi niya. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Galit ba siya? Nandidiri? Naiilang?

Hindi ko na kayang tignan pa siya. Nilalamon na ako ng sobrang kahihiyan kaya tumayo ako at nagsimula na akong maglakad paalis.

Ayoko ulit umamin sa kanya kasi natatakot ako na ma-reject. Ayoko ulit mag-mukhang tanga sa kanya.

Pero hindi pa ako nakakalayo ay hinila niya ang kamay ko. Inikot niya ako para makaharap ko siya.

"Sabihin mo, totoo ba?!? Totoo bang mahal mo ko?!?" sigaw niya. Makikita mong nagagalit na siya. "Sabihin mong mahal mo ko! Sabihin mo!" sigaw ulit niya. Nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko.

"Ano bang ginagawa mo?!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na siya maintindihan. Kahapon nag-walk out siya kasi nag-tapat ako sa kanya tapos ngayon gusto niyang sabihin kong mahal ko siya? Adik ba to?

"Please, sabihin mong totoo na mahal mo ko," sabi niya. Umiiyak na rin siya at nakahawak pa rin siya sa balikat ko. "Kasi natatakot ako na baka ako lang yung nagmamahal, natatakot ako na hindi masuklian yung pagmamahal ko, so please, tell me you love me" sabi niya.

Para bang nabingi ako sa sinabi niya. Hindi ko pa ma-digest sa utak ko yung sinabi niya.

Totoo ba to? Nanaginip ba ako?

Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko at ganun din ang sa kanya. Pero hindi na ako naiiyak dahil nalulungkot ako, naiiyak ako dahil nag-uumapaw sa saya ang puso ko.

"Oo" sabi ko "Mahal kita"

Ngumiti si Keith, yung ngiti na para bang nakuntento at naka-jackpot. Hinawakan niya ang mukha ko at dahan-dahang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"I love you, I really do" sabi niya.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon