Chapter 12

184 9 0
                                    

The Love Wheel

[Chapter Song: "This Kiss" by Carly Rae Jepsen]

"Waaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!" sigaw ko.

"Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!" sigaw naman ni Keith.

Tumawa na lang kami ni Keith kasi mga mukha na kaming baliw sa roof deck.

Uwian na pero nandito pa rin kami sa school. Bumili kami ni Keith ng mga pagkain tsaka softdrinks sa convenient store na malapit sa school namin.

"Rank 157 akoooooo!!!" sigaw ulit ni Keith. Sabay inom ng hawak niyang sprite.

"Rank 1 akoooooo!!!" sigaw ko rin.

Nagtawanan na naman kami. Naisipan kasi namin na mag-celebrate ng kahit konti dahil sa naging successful yung resulta ng mga paghihirap namin.

"Grabe hindi pa rin ako makapaniwala! Siguradong matutuwa sila Tatay at Nanay kapag sinabi ko sa kanila na nag-rank 1 ako" sabi ko. Sobrang saya ko talaga. Feeling ko ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

"I'm so happy for you babe" sabi ni Keith sabay hawak sa kamay ko. Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako.

Iba talaga ang epekto sa akin ng lalaking to. Nakakahawa yung ngiti niya.

"Masaya rin ako para sayo babe" sabi ko sa kanya. Kumuha ako ng Piattos at binuksan ito para kainin.

Pwede na akong kumain ng junk foods kasi tapos na ang exams. Gawain ko na talaga yun since Grade 6.

"Pero mas sasaya ako kapag nakuha ko na yung reward ko" nanlaki yung mga mata ko sa narinig.

Teka? Umaarte na naman ako.

Tumingin na lang ako sa kanya sabay sabing "Dito natin gagawin?" tanong ko.

Grabe yung tibok ng puso ko. Sobrang lakas! Parang gusto nang kumawala.

Kalma lang. Kiss lang naman eh. Wag pabebe!

"No," sabi niya "Not here" tumayo siya at kinuha ang kamay ko "Come with me".

•••

"Buti na lang pinapasok tayo kahit naka-uniform pa tayo" sabi ko kay Keith pagkatapos niya iabot yung ticket ko.

Pumunta kasi kami sa isang theme park na malapit sa school namin. Mabuti nga at pinapasok kami kahit na naka-uniform pa kami eh.

Minsan kasi hindi sila nagpapa-pasok ng mga estudyante kapag  school hours pa.

"Ganun talaga kapag pogi yung kasama mo" sabi niya sabay akbay sa akin. Nagmayabang na naman ang mokong.

Hinayaan ko na lang siyang umakbay sa akin habang naglalakad kami. 5:00 na rin at medyo madilim na pero ang ganda pa rin sa lugar na pinuntahan namin dahil sa mga ilaw.

"Let's try that" sabi niya sabay turo doon sa barilan. Lumapit kami doon at sinalubong kami ng isang middle-aged guy.

"Kuya paano nilalaro yan?" tanong ni Keith sa lalaki.

"Kailangan niyo lang maka-tama ng limang plato tapos may price kayo na makukuha kapag nagawa niyo" paliwanag ni kuya. Mukhang madali lang naman. Kayang-kaya yan ni Keith.

"Sige try ko" sabi ni Keith. Inabot sa kanya ni Kuya yung laruang baril tapos limang laruang bala.

Naglaro si Keith at tinamaan niya yung limang plato.

"Yes!" sabi ni Keith. Grabe isip bata talaga.

"Oh, pumili na kayo ng stuffed toy na gusto niyo" sabi ni kuya.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon