Chapter 19

178 6 0
                                    

Meeting Mrs. Martinez

[Chapter Song: "Not A Bad Thing" by Justin Timberlake]

"Very good Mr. Lopez!" sabi ni Mr. Cruz pagkatapos kong sagutan yung equation sa board.

Pinalakpakan naman ako ng mga kaklase ko. Kanina pa kasi namin kino-compute yang problem na yan tapos ako lang yung naka-sagot.

Ang yabang ko yata pakinggan?

Umupo na lang ako sa upuan ko at nakinig na sa discussion namin.

Wednesday ngayon at mas maaga ang uwian dahil merong meeting ang mga teachers tungkol sa foundation day.

Napatingin ako kay Keith at kumukopya siya nga notes. Naalala ko tuloy nung pinagsabihan ko siya sa iTeach na kumopya ng notes.

Bigla namang nag-bell hudyat na uwian na. Inayos ko muna yung mga gamit ko tapos lumapit na ako kay Keith.

Pagkalapit ko sa kanya hawak-hawak niya yung cellphone niya tapos parang nabigla sa nabasa niya.

"Keith bakit?" tanong ko sa kanya.

"Si Mama" sabi niya. May takot sa mga mata niya na hindi maipaliwanag.

•••

"Excuse me po" sabi ko nang dumaan ako sa gitna ng dalawang nag-uusap na tao.

Tumatakbo kami ngayon sa hallway ng ospital. Hinahanap namin yung Room 305.

Nag-aalala na rin ako at alam kong ganun din si Keith.

Nakatanggap kasi siya ng text mula sa maid nila na na-food poison daw ang mama niya.

"Keith ayun oh!" sabi ko kay Keith sabay turo sa room 305.

Agad na binuksan iyon ni Keith at tumambad sa amin ang isang babaeng maganda at maputi na kumakain nang naka-kamay habang naka-upo sa hospital bed at isang matandang babae.

Nabigla silang dalawa ganun din si Keith at ako.

Nasaan yung na-food poison na mama ni Keith?

"Ma?" sabi ni Keith na hindi rin makapaniwala sa nakikita niya.

"Anak! I'm glad you made it!" sabi nung maputing babae sabay taas pa ng dalawa niyang braso. Doon ko lang napansin na may dextrose siya sa kanang kamay niya.

"Ma? What happened?" tanong ni Keith sa mama niya. Nag-aalala na si Keith, kitang-kita yun sa mukha niya.

"Wala naman, nakakain lang ako ng panis na pagkain" sabi nito sabay tawa. Kumunot yung noo namin ni Keith.

Akala ko ba doktor to? Bakit hindi niya alam kung ano ang panis at hindi?

"Ma naman? Diba sabi ko sa inyo aamuyin niyo muna bago niyo lamunin?" sabi ni Keith sabay upo sa upuan na nasa tabi ng kama. Nakatayo lang ako doon at nakikinig sa kanila.

Lumabas naman yung matandang babae. Tingin ko maid siya.

"Eh nagugutom na kasi ako, wag ka na mag-alala ayos na si Mama," sabi nito sabay kurot sa pisngi ni Keith. Bigla napatingin sa akin ang mama ni Keith.

"And you must be Ryan My Loves?" sabi ng Mama ni Keith. Mukhang nabigla si Keith at may sasabihin pa sana siya pero pinutol ko siya agad.

"Ano po?" tanong ko sa Mama ni Keith.

"Ryan My Loves? Yun daw kasi ang pangalan mo sabi ni Keith" sabi niya. Tinignan ko si Keith ng masama at ngumiti na lang siya.

"Nice to meet you po" sabi ko na lang. Tumawa na naman siya.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon