Chapter 15

182 10 0
                                    

The Fight

[Chapter Song: "Battlefield" by Jordin Sparks]

"Frieeeeeennndddd!!!" tila nabingi ako nang biglang tumabi sa akin si Joanna at nagsisi-sigaw. Ano ba naman tong babaeng to? Hindi niya ba alam na nakakamatay yung boses niya?

Nasa iTeach ako ngayon dahil kakatapos lang ng meeting ng mga tutors.

Si Keith naman may bibilin lang daw sa convenient store sa labas ng school. Hindi ko nga maintindihan yun kung bakit doon pa kung meron namang tinda sa canteen.

"Joanna? Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wag kang sisigaw? Bahala ka, kapag sinugod tayo ng mga terorista dahil sa ingay ng boses mo, ikaw talaga ibibigay ko!" biro ko sa kanya.

Close na close na kami neto ni Joanna kaya normal na lang sa amin na mag-asaran.

"Ikaw naman friend, pasalamat ka nga at ganito ang bunganga ko para kapag may terorista hihigupin ko na lang!" sabi niya kaya nagtawanan na lang kami doon.

Ang ingay talaga namin kapag magkasama kami. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong kaibigan.

Yung mga 'kaibigan' ko kasi sa dati kong school, kaibigan ko lang kapag may kailangan!

Si Joanna, tunay na kaibigan kasi hindi niya ako hinusgahan nung malaman niyang bakla ako.

Hindi mo nga lang siya maaasahan kapag may sapakan kagaya ng nangyari sa akin nung muntikan na akong gulpihin ni Alex.

Speaking of Alex hindi na ulit ako ginugulo ng baboy na yun. Lagot siya sa Keith KO!

"Bakit ba kasi? Ano bang kailangan mo?" tanong ko kay Joanna.

"Sama tayo dito oh" sabay labas ng isang puting papel na mayroong nakasulat.

Announcement!

What: Educational Fieldtrip

When: November 27, 20--

Who: All students are allowed to join

Where: Avilon Zoo

"Ayoko!" sabi ko sa kanya. Sumimangot naman siya sa sinabi ko.

"Ang KJ mo naman!" sabi niya sabay tulak sa akin. "Tara na! Sumama ka na para may kausap ako!" dagdag niya pa.

"Hindi ako mahilig sa mga ganyan noh! Tsaka gastos lang yan!" sabi ko sa kanya. Sakto namang dumating si Keith na may dalang pagkain.

"Babe," tawag sa akin ni Keith. "Sama tayo sa field trip! Nakita ko yung naka-post na announcement doon sa may hallway eh" sabi ni Keith.

Bigla namang nagbago yung isip ko nang marinig ko yung sinabi ni Keith.

"Sasama ka?" tanong ko sa kanya.

"Oo, sama ka na rin para masaya! Pupunta tayo ng Avilon Zoo!" sabi pa nito na halatang excited.

"Sige sama ako! Masaya yan! Alam mo? Trip na trip ko talaga yang mga fieldtrip na yan eh! Masaya kahit magastos!" sabi ko sa kanya. Sabay akbay naman siya sa akin.

"Anyare sa 'Hindi ako mahilig sa ganyan noh! Tsaka gastos lang yan!'" sabi ni Joanna na ginaya pa yung sinabi ko kanina.

"Joanna! Joanna!" bigla namang sumulpot si Sandra sa tabi ni Joanna.

"Oh? Anyare naman sayo teh?" sabi ni Joanna na naka-cross arms pa.

"May party si Catherine sa bahay nila, punta tayo!" yaya nito kay Joanna. At dahil kilala ko na si Joanna alam kong sasama yan.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon