Chapter 20

213 7 0
                                    

It's Not Yet Over

[Chapter Song: "Bad Blood" by Taylor Swift feat. Kendrick Lamar]

"So iiwan ko muna kayo with Eve para pag-usapan ninyo ang mga preparations sa Christmas Party natin" sabi ni Mrs. Lacsamana sabay labas ng room.

Si Eve ay isang chubby at maliit na babae na may maputing balat at siya ang class president namin kaya sa kanya naka-assign ang pagma-manage ng mga preparations.

Nag-assign na siya ng mga magdadala ng sound systems, magpe-perform, gagawa ng decorations at magdadala ng pagkain.

At as usual ang mga nakasali sa Rank 1-100 ang magdadala ng pagkain. 15 ang nakapasok sa Rank 1-100 mula sa section namin kaya medyo marami-rami din ang pagkain namin.

"Anong dadalhin mo Brainiac?" tanong sa akin ni Eve. 'Brainiac' ang tawag sa akin ng mga to kasi nga daw 'Genius' ako. Pfft!

"Spaghetti na lang" sabi ko sabay ngiti.

"Okay, how about drinks? Wala pang nagdadala ng drinks" sabi ni Eve.

Nag-volunteer naman si Diana na siya na ang bahala sa drinks. Bigla namang pumasok si Mrs. Lacsamana sa classrooom at ipinahinto niya muna yung meeting namin.

"Announcement, magkakaroon ng Science Quiz Bee bukas and you are all invited to join, meron bang gustong sumali?" sabi ni Mrs. Lacsamana.

Quiz bee? Pwede rin, hindi pa ako nakakasali sa kahit anong competition sa school na to.

"Ako po Ma'am" sabi ko sabay taas mg kamay. Tumingin silang lahat sa akin pati si Keith tumingin din sa akin.

"Okay, so ako na ang magre-register ng pangalan mo, ah, Eve," lumapit naman kaagad si Eve kay Mrs. Lacsamana. "Ipagpatuloy niyo na yung meeting niyo and then mag-report ka sa akin" sabi ni Mrs. Lacsamana at tumango naman si Eve.

Lumabas ulit ng classroom si Ma'am tapos tinuloy namin yung meeting.

•••

This is it! Nandito na ako ngayon sa Science Club headquarters. Dito kasi isasagawa yung quiz bee.

Pinaupo ako sa naka-assign na upuan ko at number 19 ako. Birthday ni Keith! I'm feeling lucky!

Nilabas ko yung reviewer ko at sinbukang magbasa ulit bago magsimula yung contest.

Maya-maya pa'y may biglang lumapit sa akin. Tumingala ako para makita ko kung sino yun.

"Sasha?" sabi ko. Nakatayo sa harapan ko si Sasha habang naka-cross arms pa.

Ngayon lang kami ulit nagkita simula nang mahuli ko silang naghahalikan ni Keith.

"Hi Ryan! Kasali ka pala?" sabi niya. Nakangiti siya pero alam kong hindi siya masayang makita ako.

Well, the feeling is mutual. Hindi rin ako masayang makita siya. Haliparot!

"Oo, so pwede ba, lubayan no muna ako kasi nagre-review ako" sabi ko sabay basa ulit sa reviewer.

"No need to review, Ryan, matatalo din naman kita eh" sabi niya. Aba? Ano bang gusto nito? Gera?

"At paano mo naman nasabing matatalo mo ko?" tanong ko sa kanya sabay tayo para hindi ako nakatingala sa kanya.

Mas matangkad ako sa kanya kaya siya naman ang nakatingala sa akin.

"Isn't obvious? Mas matalino ako sayo" sabi niya sabay tawa nang nakakirita.

Now I see her true colors. Isa siyang malanding babae na gusto ng gulo.

"NEWS FLASH! Rank 1 ako at Rank 23 ka lang, sino kaya mas matalino sa atin? At kung iniisip mong mas magaling ka kesa sa akin, tumingin ka sa likod mo" sabi ko. Lumingon naman si Sasha sa likod at nakita niya si Joanna at Sandra na kasama si Keith.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon