Chapter 2

267 10 0
                                    

I Don't Remember You

[Chapter Song: "Complicated" by Avril Lavigne]

"Hello, goodmorning, my name is Ryan Lopez, I'm 15, I hope we can get along" nag-pakilala ako sa harap ng mga bago kong kaklase, katabi ang bago kong adviser, sa loob ng bago kong classroom sa bago kong school.

Lahat bago. Lahat ngayon ko lang nakita at napuntahan. Ni hindi ko nga masabi kung ano sa tingin ko ang naiisip nila. Kilala na ba nila ako? Alam na ba nila ang sikreto ko?

"You may sit down Mr. Lopez" umupo ako sa may dulo ng classroom tabi ng isa pang bakanteng upuan para hindi ako masyadong pansinin.

Okay. So. New school, new goals. Kailangan kong makakuha ng magandang grades para maka-graduate ako with honors.

Iba kasi ang policy ng school na ito. Kahit transfer basta't makakahabol sa top pwedeng maging honors. May mga school kasi na hindi pwede sa kanila ang transferee na maging honor.

4th year high school na ako at nasa section 1. Hindi naman maipag-kakaila na matalino ako. Lagi akong kasama sa top 3 sa dati kong school.

Maya-maya pa, habang nasa kalagitnaan si Mrs. Cruz ng lesson niya ay may biglang may estudyante naka-hoodie ang pumasok sa loob ng classroom. Pinagtinginan siya ng lahat maging si Mrs. Cruz ay nabigla sa grand entrance niya.

"Mr. Martinez! You're late again" sabi ni Mrs. Cruz na halata naman na galit na kahit pa itago niya ito.

Parang walang napansin yung lalaki at dire-diretso lang siya sa paglalakad. Pumunta siya sa may likod at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Tinanggal niya ang hoodie niya at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Siya yung lalaking humalik sa akin nung nakaraang linggo! Paanong dito rin siya nag-aaral?

Hindi pwede! Paano kung ipag-kalat niya na nag-kiss kami? Edi malalaman na naman ng buong school na bading ako? No! Hindi ko balak na mangyari ulit yung nangyari sa dati kong school. Siguradong mapapatay na ako ni Tatay.

Tinignan ko lang siya at nung napansin niyang naka-titig ako sa kanya ay tinignan niya ako nang masama.

"What are you looking at?" yung sweet at bubbly na tono ng boses niya ay wala. Napalunok na lang ako ng laway dahil nahuli niya akong pinagmamasdan siya.

"W-wala" humarap na lang ulit ako sa blackboard at sinubukang makinig sa tinututo ni Mrs. Cruz.

Pero dahil nga matigas ang ulo ko, pa-lihim akong tumingin sa kanya. Gwapo pa rin siya, mas pumuti at lumaki nang konti yung katawan niya. I can't help it sobrang attractive niya!

"Mr. Lopez," bumalik na lang ang utak ko sa classroom nang tawagin ako ni Mrs. Cruz "Can you explain to me, once again, the meaning of 'inertia'?" inertia? Easy.

Tumayo ako at nagsalita "Inertia is the resistance of any physical object to any change in its state of motion, including changes to its speed and direction. It is the tendency of objects to keep moving in a straight line at constant velocity." kailangan kong magpa-impress especially to teachers.

"Well said, Mr. Lopez" sabi ni Mrs. Cruz sabay talikod ulit para magsulat sa blackboard.

•••

Nag-ring na ang bell, hudyat para sa recess. Haaaay! Kailangan kong kumain dahil naubos ang lakas ko sa mga equations na ginawa namin sa Geometry.

So far, mayroon na akong tatlong kakumpetensiya sa pagiging top student. Si Amy, Jake, at Chuck. Grabe total nerds! Pero kaya ko to. After all, lima naman ang papaakyatin sa stage sa graduation di ba? So, kaya ko to.

Nang pumasok ako sa canteen ay pinag-tinginan agad ako ng mga estudyante. Siguro napansin nila na bago lang ako sa school na ito. Sinusundan lang ako ng mga mata nila hanggang sa pumila ako at bumuli ng makakain.

Bumili ako ng pasta para kainin. Hindi na kasi ako binabaunan ni Nanay since first year high school. Nung naghahanap na ako ng mauupuan ay nakita ko ulit siya. Si POGI.

Mag-isa siyang kumakain sa may dulo ng canteen. At nung makita ko ulit siya, na-realize ko agad ang main problem ko.

Baka ipag-kalat niya yung nangyari sa amin nung nakaraang linggo!

Hindi maaari!

Kailangan ko na siyang kausapin. Hingang malalim... I can do this! Aja!

Naglakad ako papalapit sa table niya at mas lalo akong pinagtitinginan ng mga tao. May mga nag-bulungan din na parang gusto naman talagang isigaw yung sinasabi nila.

"Anong ginagawa niya?"

"Bakit siya lumalapit kay Keith?"

"Magpapakamatay ba siya?"

Keith. Yun pala name niya. Pero ano yung sinasabi nila na magpapakamatay ako? Kakausapin ko lang si Keith eh!

Umupo ako sa upuan na kaharap niya. Maging siya ay nabigla sa ginawa ko.

Ano? First time may maka-sama sa recess? OA huh!

"What are you doing?" masungit niyang bungad sa akin. Okay? Iba na talaga siya. Hindi na siya sweet.

"Okay, look, gusto ko lang pag-usapan yung nangyari sa atin last week" sabi ko. Binigyan niya lang ako ng 'WTF' look at saka nagsalita ulit.

"Last week? Anong nangyari sa atin last week?" tanong niya na halatang hindi makapaniwala. Okay, now he's denying me.

"You know... At the park... We kissed" sabi ko. Medyo nahihiya na rin ako kasi I'm insisting something na halata namang gusto na niyang kalimutan.

Nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari.

Hinawakan niya ang kwelyo ko sabay tingin sa mga mata ko.

"Are you telling me that I'm GAY?" medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya napalingon ang mga estudyante sa amin.

What the hell is happening?!

Last time he kissed me, then today he's trying to beat the crap out of me? Hindi kaya bipolar to?

"Look, you may be new here that's why you don't know who I am, but I'm telling you kid, this is not your usual playground, hindi lahat sa school na to pwede mong maging kaibigan" binitawan na niya ako saka umalis na para bang walang nangyari.

Balik naman sa dati nilang gawi yung mga estudyante nang dumaan si Keith. Ayaw ipahalata na nanonood sila. Ayaw nilang madamay.

Pinagmasdan ko lang siyang lumabas ng canteen. Anong nangyari sa kanya?

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon