Chapter 25

198 7 1
                                    

The Graduation Day

[Chapter Song: "You And I" by (my queen) Lady Gaga]

I grew up proving myself to my parents, classmates and to everyone.

Tama si Keith.

Lagi kong iniisip ang mga bagay na pwedeng sabihin sa akin ng ibang tao.

Matutuwa ba sila o magagalit?

Pero never kong inisip kung magiging masaya ba ako sa mga bagay na ginagawa ko para sa iba.

Ang unfair ko sa sarili ko.

Pero si Keith, he taught me to live the way I want to live.

He taught me to be who I am.

He brought excitement and color to very boring life.

So I'd rather die with him than living without him my side.

"Valedictorian, Ryan Lopez" sabi ng emcee ng program.

"I'm so proud of you anak" sabi ni Tatay habang naka-akbay sa akin paakyat ng stage.

"Salamat Tay" sabi ko. Kasabay naman nun ang pagtulo ng isang patak ng luha mula sa isang mata ko.

Agad naman yung pinunasan ni Tatay gamit ang daliri niya.

"Oh? Wag kang umiyak! Aakyat tayo ng stage oh!" sabi ni Tatay kaya natawa ako.

Nang marating namin yung stage inabot kay Tatay yung medal ko at tinignan niya muna ako.

"Anak, salamat sa lahat, pinasaya mo kami ng nanay mo, this time, gusto naming ikaw naman ang maging masaya" sabi ni Tatay sabay sabit sa akin ng medal.

"Picture! 1, 2, 3, smile!" sabi ni Nanay sabay kuha sa amin nang litrato.

"And now to give us his speech, let's give a round of applause to this year's valedictorian, Ryan Lopez" sabi ng emcee.

Kasunod noon ang malakas na palakpakan ng mga kapwa ko estudyante.

"Magandang umaga sa inyong lahat, isang napakagandang umaga na hinding-hindi ko malilimutan, isang umaga na sumisimbolo sa isang napakagandang simula para sa ating lahat" tumingin ako kila Nanay at Tatay na nakatitig lang sa akin at sa mga labi nila nakaukit ang isang napakalaking ngiti.

"Panibagong simula para sa bagong yugto ng ating mga buhay, siyam na buwan na ang nakakalipas magmula nang una akong tumapak sa eskwelahang ito, naaalala ko pa kung ano ang bagay na nasa utak ko noon, yun ang goal ko na maka-graduate nang may honor" napatingin ako kila Mrs. Lacsamana at kay Mr. Cruz na mga paborito kong teachers dito.

"Wala sa plano ko ang makipag-kaibigan at makisalamuha sa ibang mga estudyante dahil ayokong kutyain nila ako dahil sa kasarian ko, pero may mga taong katulad nila Joanna at Sandra na pinatunayang walang pinipiling katayuan sa buhay ang pagkakaibigan, kaya naman para sa aking mga best friends, maraming salamat" sabi ko habang nakatingin kila Sandra at Joanna na magkatabi lang.

Nahuli ko pang nagpupunas ng luha si Joanna samantalang hinahayaan lang ni Sandra na umagos ang luha niya.

"Sa pananatili ko sa eskwelahan natin ay nakadiskubre ako ng mga bagay na ngayon ko lang naramdaman, at yun ay dahil sa isang napaka-espesyal na tao sa buhay ko, si Keith" napatingin ako sa bakanteng upuan na dapat ay inuupuan sana ngayon ni Keith.

Huminga ako nang malalim bago ulit nagpatuloy.

"Hindi ko akalaing dito ko makikita ang kaligayahang matagal ko nang hinahanap at hindi ang mga medalya, tropeyo  o karangalan ang nakapagbigay sa akin noon, ang dahilan ng kasiyahang meron ako ngayon ay kayo" sabi ko nilibot ko ang mata ko at nasulyapan ko sila Georgia, Maki, Catherine, Matthew, Peter at marami pang iba na naging parte ng isang school year na pamamalagi ko dito.

Bumabalik ang lahat ng mga memorya at alaala na hinding-hindi ko makakalimutan.

"Salamat dahil nagawa ninyong tanggapin kung sino at kung ano ako, at yun ay higit pa sa kahit anong karangalan na pwede kong makuha, kaya taas noo kong sasabihin sa kahit kanino man na ako ay isang bakla na mahal at tanggap ng marami, maraming salamat at mabuhay" nilagay ko yung mic ko sa stand at bumaba na ng stage.

Nagpalakpakan naman silang lahat at sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.

"At talaga nga namang gusto ng special citation, okay, may humahabol, sa wakas ga-graduate ka na! Martinez, Keith, P." sabi ng emcee.

Napalingon naman ako sa direksyon na tinitignan nilang lahat.

At last! He's here!

"You're late" sabi ko

"You're hot" sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

Dali-dali naman siyang umakyat ng stage para kunin ang diploma niya.

Nagpalakpakan naman ang lahat.

Natawa na lang ako kasi nag-pose pa siya na parang model sa stage.

Adik talaga.

"And it's now official! Congratulations batch 2012-2013!" sabi ng emcee.

Hinagis naman naming lahat ang mga toga namin.

•••

"Graduate na ko!!!" sigaw naming dalawa ni Keith sa rooftop ng lumang building sabay tawa.

"Grabe! I can't believe it! Graduate na rin ako sa wakas!" sabi niya kaya natawa naman ako.

"So anong balak mo sa college?" tanong ko sa kanya dahilan para sumimangot siya.

"Ayoko munang isipin yan, because right now, the only thing that matters to me is you and I" sabi niya sabay hawak sa bewang ko.

Oo, ligtas si Keith, though tinamaan siya ng bala naka-survive pa rin siya.

Si Sasha naman, napunta sa rehabilitation center, napatunayan kasing gumagamit siya ng droga magmula nang mag-break sila ni Keith.

Hindi naman siya nakulong dahil underage pa siya.

Sila Nanay at Tatay? Pumayag na sila sa relasyon namin ni Keith dahil napatunayan naman daw ni Keith na mahal niya ako sa ginawa niyang pagligtas sa akin.

Basta gusto nila ng apo. Madali na lang yun! Ang dami na kayang paraan!

"I love you Keith" sabi ko sa kanya.

"I love you too, babe" sabi naman ni Keith.

Then we shared a very passionate kiss.

A kiss that I will never forget.

A kiss that I will always cherish and treasure.

Forever.

•••THE END•••

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon