Chapter 6

195 8 0
                                    

The Dance Practice

[Chapter Song: "Abracadabra" by Jessie J]

"Okay, for your first group presentation gagawa kayo ng isang dance production," sabi ni Mrs. Santos, ang MAPEH teacher namin. Nagdi-discuss siya about sa group presentation na project na rin namin sa kanya. "You are going to do different kinds of dances" dagdag pa ni ma'am.

Patay tayo dyan. Kaya ayoko rin sa MAPEH minsan eh. Ayoko ng mga physical activities tulad ng sports at pagsasayaw.

Pareho kasing kaliwa ang mga paa ko.

Lagi kaya akong pinagta-tawanan sa dati kong school kapag sumasayaw ako.

Okay lang naman sa akin mapag-tawanan ng mga classmates ko. Hindi naman ako maarte.

Pero ang mapag-tawanan ni Keith? No way! Sigurado akong hindi lang ako tatawanan ng mokong na yon. Baka gumulong pa sa sobrang saya.

"Leaders, please go here in front para makuha nyo na yung sayaw na naka-assign sa inyo" tumayo na si Georgia at bumunot na sa fish bowl ni Mrs. Santos, siya ang leader naming atribida. Mahilig kasi yung mag-utos kahit kaya niya naman yung gawain. Naturingang leader eh. Psh.

Bumalik na sa upuan niya si Georgia at ang laki ng ngiti. Kapag ganyan ang itsura niyan, ibig sabihin easy lang para sa kanya ang gagawin niya.

Sana easy lang din sa akin ang pagsasayaw.

"You may talk with your groupmates now para mapag-usapan ninyo ang gagawim niyo BUKAS" nagulat ako sa huling sinabi ni ma'am. Bukas? Bukas agad? Kaya ko bang matuto ng sayaw ng ilang oras lang na pagpa-practice? Damn.

Nagsi-tayuan na yung mga classmate namin. Hinila ko na rin si Keith sa polo niya patayo at sumunod naman siya.

Medyo maayos naman ang samahan namin ni Keith. I guess?

I already considered him as a close friend. Sana ganun din siya sa akin.

Thanks to iTeach at medyo naging malapit na rin kami sa isa't-isa. Nakakausap ko na rin siya minsan nang maayos.

"Anong napunta sa atin?" tanong ko kay Georgia.

"Cha Cha! My favorite!" sabi niya na para bang nanalo sa lotto. Anong maganda sa cha cha? Nakakapagod yung sayaw na yun eh.

"May practice tayo mamaya, 2:00 pm okay?" sabi niya. Walang sumagot dahil wala kaming gana. Tinalikuran na lang namin siya at siguradong naka-simangot na yun.

Ewan ko na lang kung mananalo pa kami sa 'unity' na meron kami.

•••

So nandito kami sa isang dance studio na inupahan muna namin ng 3 oras. Sapat na daw yun sabi ni Georgia para makapag-practice kami.

Anong tingin niya sa amin, professional dancers? Matatalo talaga kami nito.

Marami-rami din kami at malaki naman yung dance studio kaya kasyang-kasya kami at hindi kami magbubungguan kapag sumayaw na kami.

Meron ding  mga salamin sa paligid ng studio kaya yung mga classmates kong gandang-ganda sa sarili nagpicture-picture pa. Selfie pa more! Parang walang deadline bukas huh? Talo talaga kami neto.

Katabi ko si Keith at mukhang pareho kaming hindi interesado sa mga kaek-ekan na sinasabi ni Georgia. Naka-simangot kasi siya at mukhang bagot na bagot.

"Bakit ba kasi ako pumayag na sumama dito?" sabi niya, sa akin siya nakatingin "Ang kulit mo kasi eh" dagdag niya pa.

"Kung hindi ka pupunta, wala kang first project sa Physical Education" paliwanag ko. Hindi pa kasi sasama tong baliw na to kung hindi ko pa sya nakita sa may kanto habang nagba-bike.

"Okay, go pick your partners na, boy and girl dapat huh" sabi ni Georgia. Puta, pabebe talaga. Pati pagsasalita pabebe.

Tinawag niya si Maki, yung isa pa naming poging classmate na may pagka-bully din. Crush kasi ni Georgia si Maki kaya siguro gusto niya maka-partner. Psh! Pabebe na makati pa! Total package!

Naghanapan na sila ng mga partners nila. Yung iba nag-iinarte pa sa pagpili. Anong akala nila, hindi tumatakbo yung oras? Rent lang kaya tong studio na to. Nauubos yung oras sa kaartehan nila eh.

"Psst, Ryan" lumingon ako kay Keith nang tawagin niya ang pangalan ko. Seryoso ang mukha niya sabay sabing "Partner tayo"

Oh. My. Gorilla.

Partner daw kami. Aaaaaaaahhhhhhh!!!

NO! Paminta ka ngayon friend!

Piste! Yung kunsensya ko epal. Pero tama siya, kailangan di niya mahalatang bading ako. Kailangan kong itago na kinikilig ako. Leche, ang hirap nito ah!

Binatukan ko na lang siya. Nasaktan siguro ang mokong kasi napahawak siya sa ulo niya "Aray! Eto, niyayaya ka lang eh!" sabi niya sa akin. Isip bata na nga asal bata pa.

"Eh adik ka pala eh, pareho kaya tayong lalaki!" sabi ko. Kung pwede ko lang ilabas ang tunay na kulay ko. I will dance with you Keith!

"Lalaki ka pala?" sagot niya. Halatang nang-aasar. Wala na. Feeling ko talaga nahalata niya nang sirena ako.

Baka matagal na niyang alam? Baka natandaan niya talaga ako nung hinalikan niya ako sa park? Baka dine-deny niya lang?

Pero bakit?

"Sinong wala pang partner?" nagtaas ako ng kamay ganun din si Keith. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakataas din ng kamay sila Peter at Matthew.

Mag-bestfriend sila Matthew at Peter. Partners in crime yang dalawa at madalas mapagalitan dahil mahilig mang-alaska ng mga classmates namin.

"Matthew and Peter partner na kayo, Keith at Ryan kayong dalawa na lang" sabi ni Georgia sabay talikod.

"Sandali!" napa-lakas yung pagkakasabi ko kaya nagsi-tinginan silang lahat sa akin. "Pwede ba yun? Same-sex kami" pagre-reklamo ko.

Tinignan lang nila akong lahat. Halatado ba? Kasi... Ako lang yung umapela eh. Sila Peter at Matthew hindi na nag-reklamo. Si Keith naman hindi rin. Bading yun eh. Nanghahalik ng kapwa lalaki.

"Pwede yun," sabi ni Georgia na medyo natatawa na. "May same-sex marriage nga eh, same-sex dance partners pa kaya?" dagdag niya. Nagtawanan silang lahat. Aba? Pagtawanan daw ba ako?

"Hindi pa kasi legal same-sex marriage malay mo pati same-sex dance partners din?" sabi ko. Nagtawanan ulit silang lahat. Ano ba naman tong mga taong to? Ang babaw ng kaligayahan.

•••

"Hold your partners now" sabi ni Georgia.

So sa tambalang Matthew at Peter si Matthew ang babae kaya nakahawak sa bewang niya si Peter.

At sa tambalang Ryan at Keith naman, syempre ako.

Ang laki nga ng ngiti ng bwisit na to nang manalo siya sa jak en poy namin kanina. Kung sino kasi yung matatalo siya yung babae.

Bato siya, gunting ako.

Panalo  siya, talo ako.

Lalaki siya, babae ako.

Feel na feel ko naman. Chos!

Kinuha ni Keith ang kamay ko. Nagdaop ang mga palad namin.

Kinuha niya yung isa ko pang kamay at nilagay niya sa balikat niya tapos yung kamay niya namang isa nilagay niya sa bewang ko.

Oh. My. Gas.

Ang lakas ng tibok ng puso ko!

Tumingin pa siya sa mata ko. As in sa mata ko. His brown eyes looking into mine.

Nag-smile siya sabay sabing "Don't worry, i got you"

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon