Chapter 1

135 3 0
                                    

New school, new life.

Nakangiting tinignan ko ang aking sarili sa whole body mirror na nasa harapan ko dito sa kwarto ko, suot suot ko ang aking uniporme na bagong bago galing sa school ko na bagong bago rin, magsisimula ako ng bagong kabanata ng buhay ko at mag-sisimula iyon sa university na papasukan ko.



Nasasabik na akong pumasok na medyo kinakabahan! (⁠^⁠_⁠^⁠メ⁠)


I am now wearing a black skirt that is not too short, and a black blazer with a logo on the right side and a new longsleeve white polo shirt with my black red necktie, the logo looks like a royal gold crown with the name sinclair university and I'm also wearing a cycling shorts! This looks good. Ang ganda ganda tignan (⁠✯⁠ᴗ⁠✯⁠)





'Di ako pwedeng malate lalo't first day ko ngayon sa bago kong university, sana nama'y mababait ang mga taong nandoon sa university at magkaroon ako agad ng mga kaibigan tulad ng dati sa dati kong university.

"Narrah, hija?"Napaigtad ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, gulat na nilagay ko ang comb sa lamesa bago kinuha ang pink bagpack ko.

"Opo, nandyan na po!"Sagot ko at binuksan ang pintuan, sumalubong agad sa akin si mang liya na nag-hihintay pala sa akin, umukit ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang saya sa mga mata niya, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pag-katapos ay marahan na ngumiti.


"Ang pretty mo talaga, nagdadalaga ka na!"Napatawa ako sa naging komento niya.


"Eighteen na ako kaya natural po na dalaga na ako"Humaba ang nguso ko, natatawang napailing siya.




"Oo na, dalaga ka na! Lumaki kang maganda at ganon din ang kalooban kaya natutuwa ako"Namula ang mukha ko na marahan niyang ikinatawa, hinawakan niya ako sa kamay ko at inalalayan sa pababa ng hagdan para makapunta na kami sa dining room para mag-agahan.


"Thank you po..."Nakangiting pasasalamat ko nang ipaghila niya ako nang upuan, tumango lang siya sa akin at senenyasan akong umupo na ginawa ko naman.

Habang nakaupo ako sa upuan at nakatingin kay manang na hinahanda ang pagkain ko ay nakangiting pinapanuod ko siya, dahilan kung bakit siya napatigil at nagtatakang nilapag ang basong gatas sa gilid ng pagkain ko na hinanda niya.



"Bakit parang ang saya saya mo? Ahh...alam ko na... excited ka sa bago mong school?"Kunot noong anya, tumango ako sa kanya na nanabik.




"Opo! First day ko po sa bago kong school, wish me luck! Manang liya"Nakangiting ani ko habang nagniningning ang mga mata.



"Sabi ko na nga ba! Maging maingat ka doon sa bago mong school, h'wag kang mag-alala, sigurado akong marami kang magiging kaibigan doon, sige na't kumain ka na."




"Di po kayo sasabay sa akin?"Nagtataka na tinignan ko siya, umiling naman siya bilang sagot.




"Maraming salamat hija pero tapos na kami, sige na at kumain ka na"Tumango ako, bago kumain ay nagpray muna ako para sa pagkain na hinanda sa akin at sa mga blessing na binigay niya.

"Manang liya, nasaan po sila mama? Di po ba sila sasabay sa akin?"Tanong ko sa gitna nang pagkain ko, tinignan ko si manang liya na nasa gilid na hinihintay lang na matapos akong kumain.




"Nasa office ang daddy mo at may kinakausap sila kaya h'wag mo nang istorbohin dahil napakaseryoso nang pinaguusapan nila! Dalian mo na ang pagkain dyan para pagtapos nila mag-usap ay di ka niya hintayin pa"Aniya kaya napangusong kumagat ako ng sandwich.


Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon