Make it better.
"Bilis na! Ayusin muna!"Hinila ko ang dulo ng uniporme ni dairon. Umiwas siya sa akin at muling bumalik sa pag upo sa sofa, humaba ang nguso ko.
"Magluluto lang akong hapunan natin! Pero mag-isip ka kung paano ka hihingi nang sorry kay cyrus"Ani ko, aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"You going to cook?"Napangiti agad ako at ngumisi.
"Sabi ko sa'yo, darating ang time na mag-luluto rin ako para sa atin! Doon muna ako sa kusina at ikaw! Isipin mo kung paano ka mapapatawad ni cyrus"Bumasungot ang mukha niya na lihim kong ikinatawa, di ko na siya hinantay na magsalita at agad na pumunta sa kusina.
Sumasayaw ako habang kumakanta sa isipan ko, chill na chill sa pagluto ng aming dinner! Syempre, dapat masarap ang aking luto para magustohan niya at ito pa naman ang unang beses na magluluto ako sa kanya!
Sumilip muna ako sa dining room kung nasaan si dairon at napangiti nang makitang nakaupo siya sa sofa habang mayroon sinasabi, bukas sara bibig niya e! Napakunot noo ako nang magmura siya nang mahina nang babaling ang tingin niya sa pwesto ko ay agad akong nagtago para di niya ako makita at tumakbo agad sa kusina.
May roon yatang siyang prinapractice! Maganda iyon kung ganon! (✿^‿^)
Make it better, dairon! ✧◝(⁰▿⁰)◜✧
Matamis akong ngumiti nang tapos ko na hinanda ang luto ko, ganito pala ang feeling niyon! Kapag ikaw ang nagluto at may ibang kakain parang nakakaproud tapos mas masarap pa yata ang kainan kasi sarili mong luto! Ang galing galing naman!
Bumalik ako sa dining room para tawagan si dairon ngunit agad na napakunot noo nang makita siyang nakapikit na nakasandal na sa sofa, paano niya nagagawang matulog sa ganyan na posisyon? Ang paa niya ay nakapatong sa lamesa na gawa sa salamin habang nakasandal siyang nakacross arms sa sofa.
May ngiti sa lahi akong naglakad patungo sa kanya at umupo sa kanyang tabi, mabilis na nilibot nang mga mata ko ang mukha niya at napangiti na lang sa sobrang saya nang makita ko na ang cute niya talaga kapag natutulog! Parang anghel!
Lumipat ang paningin ko sa cellphone ko na nasa lamesa, ngiti ngiti ako na kinuha iyon at pumunta sa camera para picturan si dairon, nang matapos agad ko iyon hinarap sa nakatulog na si dairon ngunit muntik na akong mapasigaw sa gulat nang bumungad sa akin sa screen ng cellphone ko ang mukha ni dairon na nakanguso, malapit na malapit siya sa camera!
"You are s---"Di niya na tuloy ang sasabihin nang iclick ko ang camera pero di ko naman inaakala na may lalabas doon na flash! Napasinghap ako at napatayo.
"Dairon!"Tili ko nang makitang tinakpan niya ang mga mata niya, nag-aalala ko siyang hinawakan sa braso.
"Sorry! Hindi ko inaakala na mayroon pala iyong flash--"Natigilan ako ng marahan siyang tumawa at hinuli ang kamay ko na hahawak sana sa mukha niya.
"I'm fine wife. You don't need to worry about that, just tell me if you want to take a picture of me, I'll be a model for you"Napatawa ako nang kumindat siya sa akin at natatawang pinalo nang mahina ang braso niya, ramdam ko ang pamumula nang dalawang pisngi ko.

BINABASA MO ANG
Demon's Hide.
RomanceSweet, innocent, intellegent beautiful girl, that's what everyone usually thinks of that girl, zearillian liancross is the only child and because she is alone, she likes to make friends, she almost perfect. She's kind, heartwarming person and she's...