Chapter 3

61 2 0
                                    

Accept or not?








Sinarado ko ang pintuan ng kwarto ko at malakas ang tibok ng puso na napahawak sa doorknob, gagawin ko ba? Kung hindi...mawawala ang kompanya, mawawala ang lahat ng pinaguran nila mama....








Di parin ako makapaniwala na ganito ang mangyayari, di ko inaasahan na ang katulad niya na nakita ko doon sa madilim na parte na 'yon ay kailangan kong pakasalan para sa kompanya.









Bumuntong hininga ako nang malalim at tumikhim, bumaling ako sa likod ko at mabilis na nakita ko si dairon na nakahiga sa kama ko habang nakapikit ang mga mata, dahan dahan akong naglakad patungo sa kama ko at umupo sa tabi niya lumubog ng kaunti ang kama kaya napamulat siya at mabilis na nasalubong ko ang mga mata niyang kasing ganda nang dagat.







"Dairon..."










"What?"Tinaasan niya ako ng kulay niya, tila wala siyang pakialam sa nangyayari, napanguso ako at umiwas nang tingin sa kanya, sa totoo lang ay di ko alam kung anong gagawin ko at sasabihin ko sa kanya...








"Dairon..?"Tawag ko ulit pero walang sumagot.










"Dairon...?"Lumingon ako sa kanya at nakita siyang nakapikit ulit, tulog na ba siya o nagtutulugan lang? Sumimangot ako at hinawakan siya sa kamay niya, napakunot noo ako nang mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero di pinahalata.










"Dairon, papayag kaba?"Tanong ko at niyugyug siya pero wala deadma ako ayaw niya talaga niya yung namamansin, kailan kaya ulit ito ngingiti? Masyadong seryoso sa buhay niya e, napanguso ako at dahan dahan siyang binitawan.










"Kung di ako papayag mawawala ang lahat nang pinaghirapan nang parents ko. Alam ko kung paano sila sumikap para lang sa kompanya, hindi iyon pwedeng basta basta mawala"Sambit ko sa malumanay na boses, tumingin ako sa kanya at nakita siyang seryosong nakatingin sa akin.









"So...."Tumikhim siya at umiwas nang tingin sa akin.






"Are you going to accept it or not?"Malamig niyang tanong at bahagyang tinaasan ako ng kilay, napaiwas ako nang tingin, accept ko na kaya? Crush ko naman siya e, at tsaka para sa pamilya ko naman ito at sa pamilya niya.








I'm here again, pero iba na ito...dahil iba ang nararamdaman ko sa kanya at di ko alam kung bakit, dapat ngayon ay di ako nagiimagine ang kasal namin but now? My mind is creating a scenario in the church, sa harap nang mga tao..we will give a vow to each other, to promise to hold each others hands.










"Eh...ikaw! ikaw, papayag kaba?"Nakangusong tanong ko, lumipat sa akin ang malamig niyang tingin at tila naging intense ang namagitan sa amin habang patagal na patagal ang tingin niya sa mga mata ko.









"Dairon?"Winagayway ko ang kamay ko sa harapan niya.










"Hmm...yes"Napalunok ako, bakit ba ganyan ang boses niya? Ang lalim...pero papayag siya? Napaawang ang labi ko sa gulat, papayag siya? Pero bakit naman siya papayag? Siguro....para sa pamilya niya din.














"Bakit? Kanina parang wala ka naman pakialam sa ganito? Bakit? Para rin ba sa pamilya mo?"Tanong ko, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga, pinatong niya ang kamay niya sa noo niya at tinutuk ang mga mata sa kisame ng kwarto ko.











Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon