Chapter 57

12 1 0
                                    

Not for the section star.




"Okay lang talaga ako, hindi kasalanan ni cyrus"Umiling sa akin si mia habang nakasimangot at umupo sa kanyang upuan dito sa class room. Hanggang dito sa school di parin tapos ang tungkol kay cyrus!






"Really? That guy is the reason kung bakit ka nagkaganyan and you're going to protect him?"Hindi makapaniwalang aniya sa akin, napakagat ako nang ibabang labi.



"Hin---"




"Good morning class"Napatayo kami nang pumasok si miss tia, mukhang masaya siya?




"Good morning, ma'am!"Sabay sabay naming sambit.





"Thank you everyone, you can all sit"Umupo kami tulad ng sinabi niya, kinalabit ako ni brei, tumingin ako sa kanya nagtataka.








"Doon ka daw sa section S"Bulong niya sa akin, napakunot ang noo ko, section S? tumingin ako sa harap at nakita si miss tia na tinaasan ako nang kilay walang magawa na tumayo ako.











"Kilala niyo naman siguro lahat si zearillian liancross"Tumigil ako mula sa paglalakad palapit sa kanya ng bigla niya iyong sabihin sa lahat nang studyante na nasa kwartong ito.









Anong gagawin niya? Kumunot noo ang noo ko at tumingin sa kanya, senenyasan niya akong lumakad palapit sa kanya, walang magawa na sinunod ko na lang ang nais niya.









"This girl beside me now belongs in section star"Palakpakan ang narinig ko lalo na sila mia, tahimik lang ako hindi nag-sasalita, hinahayaan siyang matapos ang sasabihin.










"I'm happy and I have another student who entered the star section, I thought I'll never have a student like narrah, big opportunity depends on you miss liancross as well as me and in this section, I am thankful because you gave my section luxury, I am so happy, you have been good in your subjects, I hope miss liancross will inspire all of you to be like her who's smart and hardworking"Napangiti ako at tumango ng kaunti. Nakakagaan naman makarinig ng mga magagandang salita.













"Maraming salamat sa inyo, pwede po bang makausap ka po, miss tia? Doon po sa office mo po?"Napatigil silang lahat ganon din si miss tia at alinlangan na ngumiti.













"Gusto ko po kasi na tayo lang po, kung pwede po."Nag-aalinlangan na humarap siya sa mga studyante at ngumiti nang malaki.












"May pag-uusapan lang kami, wag kayong mag-ingay! Naiintindihan niyo? Miss president ikaw muna ang bahala dito hangat wala pa kami ni miss liancross"Tumango si mia at naguguluhan na tumingin sa akin, ngumiti ako sa kanya at naglakad na papuntang office ni miss tia ganon din si miss tia.












"May problema ba, miss liancross? May roon ka bang problema?"Rinig kong anya, tumingin lang ako sa kanya ngunit hindi nagsalita dahil may mga nakatingin.












Binuksan nya ang kanyang office kaagad na pumasok ako sumunod siya at sinarado ang pinto. "Ayaw ko po sumali sa section star"Madiin na ani ko sa kanya, napatigil siya at nagugulohan na tumingin sa akin.















Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon