Meet the guy.
Nakatulala akong nakatingin sa orasan na nakasabit sa pader habang matiyaga na yakap yakap ang isang maliit at malambot na puting unan at hinihintay ang pagdating niya sa bahay, malakas ang pagulan sa labas ng bahay at wala parin siya, binalot na ng kadiliman ang paligid pero di niya parin pinapakita ang sarili niya, nasaan na kaya siya sa mga oras na ito? Kinuha ko ang phone ko na nasa lamesa para tignan kung nagreply na ba siya sa akin pero wala pa.
Bumagsak ang mga balikat ko, sinibukan ko ulit siya tawagan pero di niya sinasagot, sa huling pagjakataon ay napangiti ako nang malaki nang maisagot niya ang tawag ko. "Dairon? Nasa'n ka na?"Nag-alalang salubong ko pero malakas na paghampas lang nang mga ulan ang naririnig ko sa kabilang linya.
"Dairon? Hubby----"
"You are waiting for me?"He murmured, namula ang mukha ko.
"Ahm....oo, nag-alala ako....nasaan ka na ba? May sakit ka, diba? Umuulan nang malakas bakit di ka umuwi? Di kita nakita kanina sa garden, nasa'n ka na ba?"Nagtatakang tanong ko pero walang sumagot, naghintay ako nang ilang segundo para magsalita siya pero agad na namatay ang linya bago pa ako makapagsalita ulit.
Gulat kong tinignan ang phone screen ko, pinatayan niya ba ako? Napasinghap ako at muli siyang sinubukan tawagan pero di niya na naman sinasagot kaya wala akong magawa kundi magiwan na lang nang messages sa kanya.
Nang makaramdam nang antok ay pumunta na ako sa kwarto ko para maglinis ng katawan at magpalit ng pajama para matulog na dahil sigurado akong marami akong gagawin bukas, tulad na lang nang pakikiusap kay dairon kapag nakauwi na siya, kung yun ay uuwi pa ba nga siya pagkatapos nitong gabing ito!
Nasa kalagitnaaan ako nang mahimbing na pagtutulog nang may marinig akong sigaw nang isang tao, minulat ko ang mga mata ko nang dahan dahan at hindi pa nagproseso sa utak ko ang nangyayari hanggang sa luminaw sa pandinig ko kung sino ang sumisigaw! Nanlaki ang mga mata ko sa bigla nang marinig ko ang boses ni zion na sinisigaw ang pangalan ko at ang pagsunod sunod na pagtunog ng doorbell.
Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama ko at tumakbo patungo sa bintana, pagbukas ko ay agad na narinig ko at nakita ko ang malakas na pag-buhos nang ulan, tumingin ako sa ibaba at nakita sa gate si zion na nakapayong na nakangiting kumaway sa akin nang makita niya ako.
Umaang nang bahagya ang labi ko at nagmamadaling sinarado ang bintana, halos madapa ako sa lakad takbo na ginawa ko patungo doon sa hagdan na dala dala ang payong nasa kwarto ko.
"Take care of him, he doesn't like hospital, sinubukan ko siya dahil doon pero inayawan niya lang ako"Zion explained to me, maayos ang porma niya at maayos ang pagkastyle nang buhok niya na kulay black.
Inayos niya ang suot niyang salamin sa mata at seryoso akong tinignan nang makapasok kami sa loob ng bahay. "He's maybe an asshole but I believe he's not that heartless"He said and smiled at me. "He's still my friend even though he's not considered us as his friend"Di ko alam kung anong sasambitin o isasagot ko sa sinabi niya pero isa lang ang naiisip ko, bakit naman hindi sila tinuturing na kaibigan ni dairon?
"Siya na lang ang tanongin mo kung bakit di siya umuwi, he know his own answer, okay! I'll leave now and don't call me! My hands are full"Nakangiting paalala niya bago niya ako iniwan, napatingin ako kay dairon na nasa sofa at namumula ang boung mukha.
BINABASA MO ANG
Demon's Hide.
Storie d'amoreSweet, innocent, intellegent beautiful girl, that's what everyone usually thinks of that girl, zearillian liancross is the only child and because she is alone, she likes to make friends, she almost perfect. She's kind, heartwarming person and she's...
