Chapter 64

15 1 0
                                        


Answer.





"Grupo po nila iyon, block. 54 rin ang nakatatak sa kanila, alam naman po natin dalawa na iyon ang grupo ng sindikato, ikaw po ang nanamumuno dati, hindi po ba? Dapat wala na po iyon dahil tinigil mo na po iyon, bakit nandoon ang block 54? Hindi ko po kasi maintindihan, nagtataka ako kung bakit"Bumuntong hininga siya nang malalim at napayuko nang kaunti.







"Kung ganon, may roon gumagaya sa dating pangalan nang grupo ko, hindi ko alam kung sino sila at kung bakit pero sa tingin ko ginagamit nila ang pangalan nang grupo ko dati para sabihin na ako parin ang nag-papatakbo, mag-iingat ka, mag-iingat din ako dito"Anya habang seryoso ang boses.









"Hindi ko hahayaan na saktan nila ako at sa oras na malamang ko kung sino ang namumuno sa kanila ay sasabihin ko kaagad sa iyo"Napangiti ako nang marinig iyon at nakahinga nang maluwag, sabi nang hindi niya ulit iyon gagawin, may tiwala ako sa kanya.








"Alam na po namin kung sino, ahmm....ano po kasi, ang pangalan niya ay macardo malinasay"Binulong ko iyon sa kanya dahil baka marinig kami nang pulis na nagbabantay sa labas.







Kumunot ang noo niya nang marinig iyon at napatango tango sa akin at ngumisi nang matunog. "Macardo malinasay ba talaga hija?"Tumatangong tangong ako sa kanya nang maraming beses, mas lalong lumaki ang ngisi niya at senenyasan akong lumapit, kunot noong ginawa ko ang inutos niya.







"Ang pulis na yun, ang dati kong partner sa nga ilegal na gawain kaya hindi ako mahulihuli nang mga alagad nang batas"Binulong niya iyon sa tainga ko dahil baka marinig iyon nang lalaking nasa labas, lagot kami!






Nanlalaki ang mata ko sa narinig at umayos nang upo. "T-talaga?"Tumango siya sa akin at ngumiti, kumunot ang noo ko nang bigla siyang sumigaw na ikinasigaw ko na rin dahil sa gulat, bakit ba siya sumisigaw?!







"K-kuya senior! May masakit ba po sa'yo?"Agad na dinaluhan ko siya, nakangiwi siya habang hawak hawak ang tiyan niya, napaawang ang labi ko at suminghap nang bigla siyang natumba sa upuan, muling napasigaw ako.





"A-ano bang nangyayari dito?!"Maluhang luhang tumingin ako kay mamang pulis at tinuro si kuya senior na sumigaw sigaw parin habang hawak hawak ang tiyan niya, dali dali siyang dinaluhan ni kuyang pulis.






"Masakit po yata ang tiyan niya! Tumawag naman po kayo nang doctor o kaya nang nurse! Sige na po!"Inis na suminghal si kuyang pulis bago inis na naglakad paalis, padabog niyang sinarado ang pintuan, napapikit ako nang mariin, napabuntong hininga ako nang maluwag at tumingin kay kuya senior para nalaman kung ayos na siya.







"Okay---"Mukhang ayos naman siya, nakangiti pa nga siya at may halakhak na lumabas sa kanyang bibig habang nakasandal sa poste, ngayon lang sumagi sa isip ko ang ginawa niya at napatawa! Ang galing akala ko talaga ay masakit ang tiyan niya







"Kamusta ang acting ko, hija?"Nag good sign ako sa kanya, mas lumawak ang ngisi niya.




"Dapat po ay may award ka!"Nakangiting ani ko dahil totoo naman napaniwala niya ako sa acting niya.







"Ganon ba, magaling ako, hindi ba? Pwede akong maging artista kapag nakalaya na ako dito"Ngising ngisi niyang sambit, walang alinlangan na tumango ako sa kanya.







Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon