Chapter 43

12 2 0
                                        

Unexpected visitor.



"Pero paano ang mga ito"Bumaba ang tingin niya sa chocolate drink na nasa plastic at kinuha iyon. Kasalukuyan kaming nasa gate nang university, akala ko nga pupunta kami sa bahay pero dito niya ako binaba baka kasi nandito rin si hubby!



"Pahingi ako nang isa baka nandito na si hubby, tsaka marami iyan kung gusto mo pa bumili ka na lang kasi para iyan kina windy, sige na bumalik ka na doon, dapat inumin nila iyan"






"Oo na, umalis ka na baka hinahanap ka na nang asawa mo"Bakit nakasimangot siya? "Bakit nakasimangot ka na naman?"Siningkitin ko siya nang mga mata pero iniwas niya lang ang tingin sa akin.



"Sige umalis ka na"Tinanguan ko na lang siya at kumuha nang isang chocolate drink para kay hubby, matapos ay masayang nginitian ko.









"Sabihin ko rin sa kanila na hindi nuna ako bibisita kasi may quiz kami, baka bukas na lang salamat ulit Mr. Sungit!"Umirap siya sa aking sinabi pero tinago ang ngiti, ngumiti ako at tumalikod sa kanya ngunit napahinto ako nang makita sa harap ko ang cold na si dairon, napalunok ako dahil ang dilim nang aura niya.





"Dairon!"Masayang kinawayan ko siya ngunit hindi siya nakatingin sa akin, kumunot ang noo ko at naglakad patungo sa kanya.






Palihim na tumingin ako sa paligid at walang nakita na student sa paligid na ikinangiti ko nang malaki, di pa ako nakakalapit nang mabilis niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kanya na ikinatigil ko at nabigla.




Nang tumingala ako ay madilim ang mukha niya, tila mayroon na naman siyang pinapatay dahil sa talim nang mga mata niya, ibubuka ko sana ang bibig para magsalita ngunit hindi ko nagawa nang hawakan ni dairon ang kamay ko at naglakad kaming dalawa palayo kay jake.








"Ahm....gusto mo---"




"I don't need that."Napaawang ang labi ko at nawala ang ngiti sa labi nang marinig iyon, tumigil ako habang siya ay patuloy parin ang paglakad paalis, kumunot ang noo ko sa ginawa niya.




Ano iyon?





"Dairon!"Tinawag ko siya ngunit parang wala siyang tainga na naglakad palayo sa akin at di man lang nagawang lingunin ako! Napasinghap ako ng matauhan at lakad takbo ang ginawa para maabutan siya.




Hingal na hingal na napatigil ako nang hindi ko siya maabutan, ano ang problema niya? Napailing ako dahil hakbang lang naman ang ginagawa niya ngunit dahil mahaba ang kanyang binti at malalaki ang hakbang niya para na siyang tumatakbo, grabe siya! Lakad ba yun? Takbo na iyon e! Hingal along napailing.




"Ano ba ang problema niya?"Namomobremang bulong ko habang nakatingin sa labas nang bintana dito sa classroom, walang pumapasok sa isip ko dahil sa nangyari kanina....nalilito ako...






Bakit ganon ang reaksyon niya kanina?



"Class dismiss, don't forget to review for the short quiz tomorrow"Walang ganang tumayo ako, kanina pa kunot na kunot ang noo ni stacey sa akin.




Nagtataka siguro siya dahil kanina pa ako tahimik. "Okay ka lang, girl?"Napabuntong hininga ako sa tanong niyang iyon, sa totoo lang naninikip ang dibdib ko, parang gusto kong umiyak...pero nagugulohan kasi ako...bakit ganon ang inasta niya?






Maayos naman kami kaganina lang? Malapit narin naman akong umuwi, sa bahay ko na lang siya kakausapin....di ko talaga alam kung anong nagawa ko para maging ganon siya! I can't understand him!







Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon