How are they?
Lumipas ang isang araw matapos ang nangyari at masasabi ko na parang bumalik naman sa normal ang lahat pero iniisip ko parin kung kamusta na sila.
Inosenteng napatingin ako kina xander, bakit parang badtrip sila? May nangyari bang hindi maganda? Lumingon ako kay dairon na walang pakialam sa paligid na ginawang unan ang hita ko habang may roon siyang head phone.
"Bakit anong nangyari?"Takang tanong ko sa kanila, nahihiyang umiwas nang tingin sa akin si zion at muling tumingin sa libro niya, hindi naman niya iyon binabasa kasi baliktad, bakit hawak niya pa? Napakamot ako nang ibabang kilay.
Bakit parang binagsakan sila nang langit at lupa? May nangyari ba habang wala ako? Bakit mukhang malulungkot sila?
"Ano bang nangyayari? May roon ba kayong problema?"Takang tanong ko sa kanila, napatigin sa akin si liander at parang batang tumango tumango, kumunot ang noo ako, kung ganon may problema! Ano naman iyon?
"Sabihin niyo nga ang problema niyo? Bakit kayo malungkot at tsaka tahimik kayo....hindi ako sanay"Ngumuso ako, mas sanay kasi ako kapag madaldal sila at inaasar na lover boy si hubby! Well, lover boy naman talaga si dairon!
Bumuntong hininga nang malalim si zion at matalim na tumingin kay xander na matalim din ang tingin sa kanya, bakit parang galit sila sa isa't isa? Ano bang nangyayari?
"Ito kasing lalaki ito!"Inis na sinira ni zion ang libro at aambang ihahampas iyon kay xander, namilog ang bibig ni xander at mga mata.
"Anong ako?!"Tumayo siya at tinuro ang sarili.
"Malay ko ba na hindi mahilig si brei sa ganon at tsaka pumayag ka naman, ah! Bakit galit ka?! ikaw nga ang may atraso ka akin! Ang lakas mo pa na turuin ako! Wala kang utang na loob!"Kumunot ang noo ko nang magsimula silang mag bangayan, sumali na rin sa kanila si captain!
"Kayong dalawa ang may atraso sa akin! kung di niyo sana ako binigyan nang ganong bulalaklak hindi ako mapapasubo! Allergic pala si stacey sa bulalak na yun! Hayop kayong dalawa! Hindi tuloy ako pinatuloy sa kwarto! Hindi ko man lang nakita ang sinta ko!"Naiiritang saad ni captain at inis na binato kay zion ang bulaklak na hawak hawak niya, kaagad na umiwas si zion.
"Bakit ako? Ikaw lang ba ang hindi nakadalaw?! I can't visit my love of my life because of this xander, pakialamero!"Binatukan niya si xander na binatukan din sya, napatulala na lang ako sa mga pinag-gagawa nila, ano ba ang nangyari?
"Mas malala sa akin! di nyo lang alam! Wala kayong alam sa sakit na nararamdaman ko! Ang importante lang sa inyo iyang nga feelings niyo! Wala akong kakampi dito, ah! Ganon ba talaga kapag ikaw ang hero? Ang daming villain!"Natigilan sila nang umatungal si xander.
"I'm sorry guys! Can't relate!"Nakangising kumaway si keifer.
"Wala ka kasing love life! Single ka na forever!"Si xander.
"Mas okay yun kesa complicated relationship mo"Nakakalokong ngumisi si keifer.
"Nasaan pala si Jake?"Natanong ko sa mahinang boses, wala siya....dito, ah?
BINABASA MO ANG
Demon's Hide.
Roman d'amourSweet, innocent, intellegent beautiful girl, that's what everyone usually thinks of that girl, zearillian liancross is the only child and because she is alone, she likes to make friends, she almost perfect. She's kind, heartwarming person and she's...