Chapter 48

10 1 0
                                    

Who's behind?








"Brei....mia, stacey, windy, pwede ko ba kayong kausapin doon sa rooftop? Tayo lang? Pwede ba?"Di ko alam kung bakit kinakabahan ako, baka kasi ay magalit sila na itinago ko lalo na si stacey.









Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila, hindi ko alam kung ano ang gagawin ngunit kailangan kong sabihin para naman ay mawala ang kaba at takot na nararamdaman nila.









Kumunot ang noo ni windy sa akin. "Bakit ang seryoso mo? Natatakot ako sayo alam mo kapag ganyan ka? Can you smile?"Matamis siyang ngumiti sa akin, bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanila, bumuntong hininga sila ng maluwag.









"Ano bang sasabihin mo? Just say it to us"Sumimangot si mia, ttumingin ako kina dairon, walang reaksyon ang mukha nya, tila walang pakialam.












Napailing ako at umayos sa pagkakaupo."Sige na nga, dito na lang, tutal ay kailangan niyo rin naman malaman e"Takang taka sila, tila walang ideya kung ano ang sinasabi ko. Sina dairon wala silang pakialam na nakatingin lang sa amin si xander naman? Ayon walang pakialam habang sinusuyo si mia na hindi man lang siya tinitignan.









"Ano ba iyon, narrah?"Si stacey, nakagat ko ang ibabang labi ko, sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko pa ang talim nang mga tingin ni dairon doon kaya namula ang mukha ko.







"Bakit namumula ka?"Takang tanong sa akin ni stacey habang katabi niya si liander na tila walang pakialam na hinahaplos ang buhok ni stacey.








"Ahm.... kasi ano, tumawag si zairus"Mabilis na nanlaki ang mata nila sa aking sinabi lalo na si brei.








"Ano? Tumawag na ang kapatid ko? Anong sabi niya? Nasaan siya?"Takang tanong ni brei at napatayo pa, napakamot ako sa ibabang kilay ko, ano ba yan! Kinakabahan ako e.








"Simabit niya na ayos siya at kasama niya si divionna"Napasinghap sila.







"What? He's with my sister? Ayos lang ba sila? Anong sabi nila? Ang kapatid ko? Ayos ba ang kalagayan niya? May sakit siya sa puso hindi siya pwedeng mapagod! Sabihin mo kay zairus ibalik na ang kapatid ko!"Ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni windy, halata rin sa mukha niya dahil kung bakit tumango ako sa kanya.







"Calm down windy, ayos lang sila....si narrah na ang nagsabi"Ani brie, napabuntong  hininga si windy at nasapo ang noo niya.









"How can I calm down? Kasama ng kapatid mo ang kapatid ko at hindi niya pa sinasauli ang kapatid ko, nag-alala na ang mga magulang ko at kasama talaga pala ng kapatid mo ang kapatid ko"Salubong ang kilay ngunit mahina na sambit ni windy kay brei, kinagat ko ang ibabang labi dala ng kaba na nararamdaman.









"Alam ko naman iyon windy, nag-alala rin naman kami para sa kapatid ko, hindi lang ikaw"Bumuntong hininga si brei, napasingahap ako dahil parang nag-aaway sila.







"Nag-alala ako para sa kapatid ko lalo na at may sakit siya sa puso, paano na lang kung atakihin siya? Anong gagawin ng kapatid mo? Wala nga tayong alam kung nasaan sila, brei"Napalunok ako ng maraming beses at bumuntong hininga nang malalim, siguro ay mali ng sinabi ko ito, mukhang hindi maganda ang naging resulta.











Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon