Chapter 54

9 1 0
                                    

Just say yes.


"Ganon na nga kakausapin ko si doc martin, kaibigan siya nang papa ko"Hindi siya tumingin sa akin, malalim ang iniisip.






"Kakausapin ko siya tungkol sa binti mo, sana naman pumayag ka para sayo din naman ito at para rin naman sa pamilya mo, ako na ang bahala sa lahat nang gastosin! At saka----"Natigilan ako ng tumingin siya sa akin, kumunot noo siya.





"Bakit mo ba ito ginagawa?"Pinipigilan niya ang sarili na wag umiyak, napaawang ang bahagya ang aking labi at dahan dahan na ngumiti sa kanya.






"Syempre, kaibigan kita malamang lang na dapat kitang tulongan"Nakangiting wika ko, sa totoo lang nagugulohan ako sa kanya dahil kanina pa siya tulala walang sinasabi tapos ngayon ay mag-tatanong, parang hindi nga pumapasok ang mga sinasabihan ko sa tainga niya dahil agad na lumalabas sa kabila.







"Oo nga pala, papayag ka ba o hindi? Pumayag ka na kawawa naman kasi ikaw lalo na ang mga batang iyon kung hindi ka makakalakad ulit sino ba kasi ang gumawa nyan sa iyo, dapat ay---"Napatigil ako ng tumunog ang phone ko, napasalubong ang kilay ko at kinuha ang phone ko sa shoulder bag na nakapatong sa lamesa.






Napabuntong hininga ako ng malalim nang makitang si cyrus iyon. Ilang beses ko na ba hindi sinagot ang mga tawag niya? Ilang beses ko na siyang di sinasagot pero panay parin ang tawag sa akin.





"Ahm....pwede mo naman sagutin"Alinlangan na wika ni chayo, napatango ako ngunit hindi sinagot ang tawag ni cyrus na video call ni cyrus sa halip ay chinat ko na lang siya.



Me:



Ayos lang ako, wag kang mag-alala sa akin, tungkol pala sa nararamdaman mo, wag mong pansinin iyan, mawawala rin iyan, sigurado naman ako na paghanga lang siguro iyan, mayroon pa akong kailangan gawin.


PS: Don't muna tawag, I'm having a conversation with my new friend, stay safe.








"Okay na!"Sabi ko at nilagay ang phone sa shoulder bag at tumingin kay chayo, na nakatingin sa akin, kumunot ang noo ko. "Mamaya ay pupunta ako dito, kakausapin ko si doc martin, kung papayag ka sana sa operation mo"Napabuntong buntong hininga siya ng malalim hindi alam kung ano ang sasabihin.







"Narrah, when I first saw you....nakaramdam agad ako sa iyo ng galit"Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi, galit?! What? Wala naman akong ginagawang masama sa iba at lalong hindi ko pa naman siya kilala niyon kaya bakit siya agad nagalit sa akin?







Mapait siyang ngumiti."I hate you when we first met, I don't know you but I hate you, it's because you are rich and I'm not, alam ko na nagtataka ka kung bakit pero galit ako sa mga mayayaman pero ng makilala kita at makaharap ng malapitan, tinulongan mo ako"Nakangiting anya at pumatak ang luha nanatiling nakababa siya ng tingin, hindi ako makapagsalita walang salita ang gustong lumabas sa aking bibig.






"Galit ka sa akin kasi mayaman ako?"Lumunok ako para mawala ang kaba, marahan siyang tumawa.





"Dahil liancross ka, lahat ay kilala ka sa loob at sa labas man ng sinclair university, lahat ay tinitingala ka, iniidolo ka, pinaguusapan ka ng lahat ngunit lahat nang iyon ay magaganda, walang pintas na sinasabi sa iyo"Umawang ang labi ko at bahagyang lumaki ang mata sa kanyang sinabi.






Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon