Chapter 88

4 2 0
                                    


Agreement.

Ano ba ang dapat ko na gawin? Napabuntong hininga ako at tumingin kina windy na nagsisiyahan, tumingin ako sa paligid at hinanap nang mga mata ko sila mama pero wala yata sila.

Nasaan na sila? Akala ko ay mas nauna sila kesa sa akin, gusto ko pa naman sila makita para mawala ang kaba na nararamdaman ko. "Narrah!"Napatingin ako sa likod ko nang biglang may tumapik sa akin, kaagad na nakita ko si anna, nandito siya?



"Narrah, h'wag ka dyan, dito ka"Biglang sulpot ni windy sa gilid hinawakan niya ang kamay ko at matalim ang tingin kay anna na nakangiti lang sa amin, napakurap ako nang maraming beses bakit parang kakaiba ang ngiti na iyon?


"Tara na!"Nakangiting sabi ni windy tapos hinila ako papasok doon sa mansyon nila liander. Kaagad na nakita ko sila na nagkwekwentuhan ang iba ay lasing na.

Napasimangot ako kung nandito si hubby kanina pa rin siya lasing, nagkakatuwaan sila liander e, napangiti na lang ako pero agad na nawala iyon nang maalala ko yung tawag. Paano ko nagagawang ngumiti at tumawa dito habang may nangyayari doon? Napabuntong hininga ako nang malalim kailangan kong pumunta doon, lalo na nasa labas sila nang kulongan, nilabas ko ang phone ko at tatawag sana nang magsalita si windy.



"Narrah! Kanina ka pa tahimik anong yari sayo, sinong katext mo?"Tanong niya sa akin at tinaasan ako nang kilay. Ngumiti ako sa kanya at umiling



"Wala, may roon lang---"


"Grabe! H'wag ka ngang masyadong uminom!"Sinapak ni windy yung dibdib ni Mr. Alucard, ngumisi lang ito sa kanya at namumula ang pisngi tanda na sobra na siyang nakainom.




Napasinghap ako sa gulat nang hablutin niya si windy at pinaupo sa kandungan niya patalikod na niyakap, namumulang napakagat nang ibabang labi si windy at ngumisi kina brei na inirapan lang siya. "Ikaw, di ka iniinom?"Taas noong tanong sa ni brei kay zion na nakahawak sa libro, umiling ito sumimangot naman si brei.

"Ako na nga lang ang iinom"Kukunin niya na sana yung beer pero agad na kinuha iyon ni zion at matalim na tumingin sa kanya, inosenteng tumingin siya kay zion ngunit tago ang ngisi.


"Try that and you're dead"Umirap lang sa kanya si brei at tumango tango.

"Sandali lang, bago kayo mag-harutan, nasaan na ang mga regalo ko?"Nakangising sabi ni liander, napatingin naman kami sa kanya.



Bumaba ang tingin ko sa regalo ko sa kanya at napanguso, sana naman ay magustohan niya ito! Napatago ko tuloy yung phone ko, regalo agad?! "Wala kaming regalo sayo, di mo na iyon kailangan, mayaman kana"Natatawang sabi ni windy, napairap naman sa kanya si liander.



"Wag kang kumain nang handa ko mamaya, bawal kumain nang lumpia yung walang regalo!"


"Ay, I forget, may roon pala kaming regalo ni alucard ito, oh!"Nakangising tinaas ni windy yung isang tupperware.

"Anong gagawin ko dito?"Taas ang kilay na masungit na sabi sa kanya ni liander at kinuha yung tupperware, sininghalan siya ni windy.

"Wala ka ngang mabaon-baon kapag nasa training ka, pasalamat ka may pag lalagyan ka nang pagkain mo, kahit mayaman ka kuripot ka!"Natatawang inirapan siya ni windy, napatango naman si liander at nakibit balikat.



"Sige, may point naman....next!"


"Oh, sayo na itong mansanas ko!"Inabot ni brei yung mansanas niya na may plastic pa.




Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon