Chapter 9

23 2 0
                                    

The encounter.





Sa tingin ko mula noong nag-sorry ang papa ni brei naging mas masayahin si brei, masaya ako para sa kanya di narin niya masyadong pinapahirapan ang boys pag may training.








"Hey, narrah! Nakita ko si liander, tinanong ka niya kung nasaan ka?"Biglang sulpot si brei sa harapan ko, tumaas ang kilay ko sa pagtataka ang makita ko ang nangangasar at pilyang ngiti na mayroon siya sa labi niya.








"Kung ganon nasaan siya?"Ilang days ko na rin siyang di nakikita, hindi ko rin alam kung bakit wala siya sa training ng boys pero sabi ni brie ay importante daw ang pinuntahan ni liander kahit nga daw siya di niya alam kung saan pumunta ang binata pero nageensayo naman daw ito para sa parating na laro.








"Nasa rooftop!"Gulat ako na tumingin sa kaniya nang malakas siyang tumawa.








"Sabi ko, nandoon ka! Nagbibiro lang naman ako! Di ko naman akalain na seseryosohin niya ang sinabi ko! Pumunta siya sa rooftop, sigurado ako ngayon ay umuusok na ang ilong niya sa galit!"Natatawang bulalas niya, napailing na lang ako at ngumiti sa kalokohan niya.







"Alam mo, mayroon akong sasabihin sayo!"Nakangiting kinindatan niya ako, di parin nawawala ang kinang sa mga mata niya na alam ko naman na kinang ng kapilyuhan.







"Bakit! Ano ba yun?"










"Hehehe....may gusto sayo ang captain ng basketball team!"Nganga ako sa narinig, hindi ko siya makapaniwalang tinignan, ano bang pinagsasabi nang babaeng ito? Parang di naman niya alam na kasal ako ng dairon, ngumuso ako at napailing na lang.








"Kumain ka na ba?"Humaba ang nguso niya sa sinabi ko.









"Totoo naman kasi ang sinabi ko! May crush ang captain na yun sa'yo!"Parang kinikilig pa nga siya, napatawa na lang ako. Mag-kaibigan lang kami at malayong magkagusto iyon sa akin.









"Hayy naku, tara na sa canteen, lagot na naman tayo kay mia pag nalate tayo ng isang minuto"Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad patungo sa canteen, tumawa siya at nagpahila sa akin.






Natigilan kami sa paglalakad patungo sa cafetereia nang makita namim ng humihingal na si liander na huminto sa harapan namin, naramdaman ko ang pagsundot ni brie sa baywang ko, sekretong pinalakihan ko siya nang mga mata ko na mahina niyang ikinatawa.










"Ahm....bakit ka nandito?"Inosenteng takang tanong ko kay liander nang maayos na siya, bumaling siya sa tabi ko at timaliman nang tingin si brie na nakangiting tinaasan lang siya nang kilay, napailing si liander at binalik ang tingin sa akin.








"Sige, alis muna ako! Bye bye, narrah! Hintayin kita sa cafeteria!"Halos lumuwa ang mga mata ko nang biglang tumakbo palayo sa amin si brie na tumatawa, bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na siya para tumakbo palayo, napasapo na lang ako sa noo ko at alinlangan na ngumiti kay liander.








Grabe siya!









Napanguso ako, iniwan niya ako dito dahil lagot talaga siya kay captain!










"Ano ba iyon? May kailangan ka?"Humugot siya nang malalim na hininga pagkatapos umukit ang ngiti sa labi niya at lumapit sa akin ng kaunti, nagulat ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat ko, nagniningning din ang mga mata niya.









Demon's Hide.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon