chapter 8

848 17 2
                                    

Chapter 8 | "acts of services"
.
.
.
.
.

~~*~~

Narinig ko ang sariling pagsinghot bago ko dali daling pinunasan ang mga luhang bumabadya nanamang umalis sa mga mata ko. Nakakainis, kanina pa ako umiiyak at hindi ko ito mapigilang maihinto. Hindi naman ako nabigla dahil sa tagal kong inipon ito at ngayon ay nailabas na sa dibdib kaya mahirap labanan. Nakakagaan rin naman sa loob na iiyak lahat pero umaapaw parin ang sakit na nararamdaman ko dahil dito.

Tahimik na nakaupo lang ako sa hagdan ng labas ng building at nakatanaw sa kadiliman ng langit. May mga ilang bituwin rin ang nakikita pero bilang lang ito kaya naisip kong baka umulan pa dahil sa ulap na tumatago dito. Lumalamig narin ang ihip ng hangin kaya marahan na niyakap ko ang tuhod at isinubsob ang mukha dito.

Ilang oras na rin akong nakatambay sa kung saan ako ngayon namamalagi at gusto ko narin sanang umuwi kaso nawawalan ako ng lakas para tumayo. Malalim ang iniisip na ipinikit ko ang mga mata bago ako nakarinig ng magkakasunod na yapag kasunod ng boses ng lalaki.

"ma'am, ayos lang ho kayo?" dahil sa biglang narinig ay iniangat ko ang ulo para balingan ito ng tingin pero agad rin namang nanglumo nang makitang si manong guard lang pala ito.

Tahimik na tumango lamang ako sakanya bago iniiwas ang tingin. Bakit ba ako nageexpect na susundan nya ako para kausapin? Sinaktan nya na nga ako pero sya parin hinahanap ko. Magisip ka nga, Natasha!

"ayos lang po ako kuya, salamat..." mahinang sabi ko dito nang mapansing hindi pa ito umaalis at pagkatapos ng ilang segundo ay narinig ko naman ang mahinang sagot nito bago umalis ng tahimik.

Nagpakawala ako ng hininga bago kinagat ng mahina ang ibabang labi habang nagiisip ng malalim. Hindi ko na alam kung anong gagawin simula ngayon. Nailabas ko narin naman hinanakit ko doon kaya dapat umayos narin pakiramdam ko kahit papano pero bakit parang hindi man lang humipa?

Iniangat ko ang ulo para tumingin sa kalawakan ng kalangitan bago naramdaman ang pagpatak ng ulan sa pisngi ko. Nasa kadulo dulohan kasi ako ng hagdan sa labas ng building na malapit lang sa entrance. Dalawa kasi entrance dito, ang isa sa tapat ng front gates at yung isa malapit sa parking area pero meron ring isang maliit na daanan papasok pero medyo malayo na iyon dahil dinadaan lang naman iyon pag pupunta ka sa field.

Bilang nalang rin ang nakaparking na sasakyan sa parking area na natatanaw ko kaya walang taong pumaparito kasi kung iisipin, pang night class ang mga may ari nito kaya nandito parin ganitong oras. Anong oras narin kasi at baka mag alas otso na ng gabi dahil 7:30 narin natapos klase ko kanina.

Nakatutok lang ang mata ako sa isang bituwin hanggang sa nawala ito sa paningin ko dahil sa pagtakip ng makapal na ulap dito bago sumunod sunod ang pagpatak ng ulan na ikinatayo ko sa kinauupuan. Mabagal ang kilos at bagsak ang balikat na sumilong sa bandang likuran ko para hindi mabasa ng ulan.

Nakayakap sa sariling nakatayo ako sa tabi at pinanood ang malakas na pagbuhos ng ulan sa harap ko. Malayo rin ang sakayan dito sa SSU kaya walang akong magagawa kundi hintayin itong humipa bago ako maghanap ng masasakyan.

Ipinagbabawal kasi makapasok mga mapagsasakyan katulad ng trycicle, jeepneys, at iba pang mapagcocommutan sa area ng SSU. Kaya may ilang lakaran pa akong ginagawa pag nagcocommute ako bago ako makapunta dito. Masyado kasing strikto ang may ari nitong paaralan at dahil pribado ay hindi na ako magtataka ba't ganun.

Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang hindi maisip ang nangyari kanina. Hindi pagpapaumanhin ang hinihingi ko sakanya kundi simpleng eksplenasyon kung bakit nangyari iyon pero gaya ng sinabi nya saakin kanina ay hindi nya iyon ibibigay. Nakakasama ng loob pero wala na talaga akong magagawa kundi tanggapin na hindi na magbabago ang desisyon nya at hindi na kami magkakaayos kahit bilang kaibigan man lang.

Lies from a ConsultantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon