chapter 2

1.2K 61 24
                                    

Chapter 2 | "Feedback"
.
.
.
.
.

~~*~~

"5 minutes left!"

I rushes over the table para abutin iyong spring onions sa dulo at maingat na hiniwa ito sa maliliit na piraso bago dahan dahang ibinudbod ito sa ibabaw ng Sweet and Sour Chicken na niluto ko. Lumayo muna ako ng konti para tingnan ang kabuohan ng plating at nangiti sa nakita.

I carefully cleaned up the little mess of the sauce at the edge of the plate before finishing up the final touch with a smile on my face.

Simple lang naman yung grading ni Prof. Jared ngayon. 50% sa overall ng dish at 50% naman sa visual presentation kaya nilaanan ko talaga ng oras ang pagaayos ng plating kasi malaki para sakin ang kalahating pursyento rito at confident naman ako na masarap ang luto ko no.

"Sis, pahingi" mahina ngunit tamang kalakasang bulong saakin ni Leo na ngayon ay naghihiwa na ng spring onions sa tabi kong table. Individual kasi ang isinasagawa namin ngayon kaya wala kang maaasahan kundi ang sarili.

I carefully adjusted the dish I made in the center of my own assigned table bago ko inayos yung mga kalat sa ibang bahagi ng lamesa dahil natapos narin naman ako sa kailangan kong gawin at hinihintay nalang ang natitirang oras na maubos. Labing dalawa kaming lahat at halos karamihan ay tapos narin kumpara kina Leo, Kerry, at Joshua na abala parin sa pag plating kaya itinuon ko nalang ang attention ko kay Leo para panoorin syang matapos.

Mukhang soup ang ginawa ni Leo na  nilagyan nya ngayon ng kapirasong slice ng lemon. Kung hindi ako nagkakamali, Arroz Caldo ang tawag dito with its chicken based. Lahat naman kami rito ay chicken ang main ingredients kaya pagalingan nalang sa kung anong dish ang gagawin.

"Alright, hands off guys, time's up!" naiiksiyahan namang tugon ni Chef Lara pagkatapos tingnan ang kaniyang relo sa kamay at binalingan kami isa isa.

Masayang binalingan ko ang mga ka blockmates ko at mukhang lahat naman kami nakatapos ng maayos at walang problema ngunit ito namang si Leo ay napansin kong nakabusangot habang nakatutok ang attention sa gawa nya. Nagtatanong ang mga matang ibinaba ko ang tingin sa kanyang dish at itinutok ang attention doon.

Nang mapansin ang problema sa kanyang dish, hindi ko na napigilang magpigil ng tawa sa nakita. Binalingan naman ako ni Leo at masamang tiningnan bago pasimpleng binalingan sila Prof. Jared at Chef Lara na masayang may sinasabi sa unahan habang nakatingin saamin.

"hala yung lemon lumulubog" nagtatawang banggit naman ni Deanna sa ikaliwang table ni Leo nang mapansin ang gawa nito kaya naman pati yung ibang magkalapit lang sa table namin ay di narin napigilang mapatingin.

"are you a fan of Titanic bro?" bungisngis naman ni Joshua sa unahan nyang table. Bale ako kasi ang nasa kanan ni Leo at nasa ikahuli kaming row.

Binigyan nya rin ito ng masamang tingin bago pasimpleng tiningnan ang gawa nito na Ginataang Manok. Pati ako ay napabaling dito at hindi ko naiwasan manglumo sa nakita.

"bili ka muna ng napkin pre" biglang sayad naman ni Leo na ngayon ay nakangisi na habang nakatingin kay Joshua na sinuklian lang ng nagtatanong na ekspresyon.

I can't believe as I look at him with wide eyes because of his statement. Alam ko na kasi kung anong kagaguhang sasabihin ng lalaking to kaya naman napasapo nalang ako sa noo habang hinihintay ang bangayan ng dalawa.

"ha?" naguguluhang tanong naman ni Joshua habang nakatingin na rin sakanya at nangungusap ang mga matang binalingan ang ibang pasimpleng bumubungisngis.

"nireregla yung manok mo eh" Leo exclaimed with his usual smirk as he crosses his arms together.

Dahil sa lakas ng pagkakasabi nya, halos lahat kami dito sa bandang likuran ay nauwi sa tawanan kaya naman yung mga tao sa unahan pati sila Prof. Jared ay napatingin sa gawi namin.

Lies from a ConsultantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon