Chapter 4 | "just a friendly match"
.
.
.
.
.
~~*~~
Tahimik na naupo ako sa tapat ng table ni Ms. Ives bago ko ito sinundan ng tingin habang papalakad papuntang likod ng table nya.
Pinanood ko itong magsimulang ayusin ang magulong gamit nito sa ibabaw ng lamesa nya bago ko ito narinig na nagpakawalang hininga. Kahit na hindi ko pa ito matagal na kilala, halata naman sakanya na maayos sya sa gamit kaya nakakapagtakang nagkagulo gulo ito nang pumasok kami.
Ipinagpatong patong nito ang mga papel na magulong nakakalat bago ito natigil sa pag galaw nang mapatingin sa unahang papel na hawak nito. Napansin ko pa ang paghigpit ng kamay nyang nakahawak dito bago ito kumurap at inilayo ang tingin. Otumatikong napalingon naman ako dito kaya naman bago nya pa maigalaw ang magkakapatong patong na papel ay nahagip pa ng mga mata ko ang maliit na litrato ng batang lalaki na nakadikit dito at pinagmasdan syang itago ito sa loob ng kanyang drawer.
"I'm sorry about the mess.." agad ko namang rinig na paumanhin nito bago ko ibinaling sakanya ang tingin at pinagmasdan ang pag alis nito ng suot na coat na vintage brown ang kulay.
Maingat na inilagay nya ito sa likod ng swivel chair bago bumungad saakin ang suot nyang sleeveless cream cropped top na katerno ng high waisted blank pants na saktong sakto sa kanyang hugis ng katawan.
Biglang nanuyo ang aking lalamunan kaya naman inilayo ko agad ang tingin sakanya bago binasa ang labi gamit ang dila. "ayos lang po, Ms. Ives" responde ko sakanya habang ang tingin ay nasa libro na maayos ang pagkakalagay sa kanyang shelf.
"Don't you have any classes to attend to?" pagbabasag sa katahimikan nito na kumuha saking atensyon para balingan sya.
Maayos na itong nakaupo sa swivel chair na nakaharap saakin habang magkahawak ang dalawang kamay at nakangiti ng malawak. Ang ganda talagang ngumiti ni Ms. Ives kaya nakakapagtaka lang kung bakit nya ito madalang gawin.
Kinlaro ko muna ang aking lalamunan bago napagdesisyonang magsalita para sumagot. "may twenty minutes pa naman po saka malapit lang yung room dito sa office nyo" magalang na sabi ko bago ngumiti. Tingnan nya lang ako hanggang sa humuni ito at pasimpleng inabot and ballpen na nasa tabi ng itim na folder sa gilid ng table nya.
"can I ask a question?" biglang tanong naman nito habang pinaikot ikot ang hawak na ballpen sa kamay nya na kumuha saakin ng atensyon.
Marahan na itinigil nya ang pagpaikot dito bago ako sumagot at itinuon ulit ang mata sakanya. "ano po iyon?"
Tahimik na huminga ito ng malalim bago nagpakawala ng mahihin ng tawa na nagpakurap sakin. "it's just that.." paninimula nito ngunit agad naman tumigil sa pagsasalita nang inalis saakin ang tingin at bahagyang kinagat ang ibabang labi.
Nanatili sya sa ganung posisyon hanggang sa nagpakawala ito ng hininga at ngumiti ulit. "if things got out of hand.. what would you do to resolve the problem?"
Bahagya akong nabigla sa narinig kaya naman mataman na tinitigan ko ito at nagisip. Masyadong random kasi ang tanong na iyon at hindi ko inaasahan. Ano ba ang gagawin ko para maayos ang problema?
"masyadong malawak ang sagot dyan, Ms. Ives. Nakadepende po kasi yun sa kung anong klase ng problema pero kung sa pangkalahatan, mas sisiguruhin kong sa tamang paraan ko ireresolba ang problema na walang natatapakan na tao..." pagsasagot ko dito na may pagaalanganin. Hindi ko kasi alam kung nasagot ko yung tanong nya kasi wala akong maisip dahil hindi ko naman alam kung anong problema ba ang tinutukoy nya.
BINABASA MO ANG
Lies from a Consultant
Mystery / ThrillerIves Sébastien. A former Professor and now a Consultant in Stanford State University. Professional and is very serious when it comes to her 'duty'. Fierce but has a soft spot for her clients despite having to show serious expression. Usually doesn't...
