Chapter 3 | "the great deceiver"
.
.
.
.
.~~*~~
Nagising ako ng alas siete ng umaga kaya naman agad akong bumaba sa higaan para maghilamos ng mukha at mag sipilyo ng ngipin sa loob ng banyo.
Nang makalabas ako ng sasakyan ni Ms. Ives kagabi ay pinanood ko na lamang itong umandar palayo bago tumuloy sa pagpasok ng building.
Magaan ang loob na natulog ako kagabi kaya naman hanggang sa pag gising ko ngayon ay magaan parin. Hindi ko alam kung bakit ako ganito kasaya sa sinabi ni Ms. Ives pero isinawalang bahala ko nalang at nagpatuloy sa kusina para mag luto ng umagahan.
Simpleng pancakes lang ang niluto ko bago nagprito ng dalawang itlog at maingat na binudburan ito ng konting asin. Hindi na ako madalas kumakain ng rice sa umaga dahil marami rin naman ang nakakain ko nito sa gabi. Wala rin naman saakin kung tumaba ako dahil sa maraming kinakain pero mas gugustuhin ko paring maayos ang hubod ng katawan ko.
Dalawang subjects lang naman ang meron ako ngayong araw pero pareho silang tig tatlong units kaya medyo may kahabaan rin. Sana lang maaga magpa dismiss sila Prof para mabisita ko agad si Ms. Ives sa office nya. Hindi ko alam pero nakakagaanan ko na sya ng loob kaya gusto ko sya laging nakakausap na kaming dalawa lang. Gaya ng nangyari kahapon ay nagiiba kasi ang trato nya saakin pag may ibang kasama kaya mas gugustuhin kong sa office nalang sya makausap. Sya narin naman ang nagsabi na nagiiba ang ugali nya sa loob ng office kaya meron sa kaloob looban ko na gusto ko ring kumpirmahin.
Ilang minuto lang ako kumain hanggang sa naubos ko rin naman ito at pasimpleng tiningnan ang orasan sa pader. It's currently 7:45 in the morning at ang unang klase ko ay magsisimula pa ng 9:30 kaya may oras pa naman ako para gamitin sa ibang bagay.
Nang akmang tatayo na ako sa kinauupuan para dalhin ang pinagkainan sa sink ay parang may light bulb na nagpakawala sa ibabaw ng ulo ko nang dahil sa biglang naisip na ideya. Mahaba pa ang oras na hihintayin ko kaya mas mabuting puntahan ko nalang si Ms. Ives sa opisina nya habang naghihintay sa unang klase. Mamaya pa sana ako pupunta sa school pero nang dahil sa naisip ay agad naman akong nagligpit ng gamit at nagpunta sa banyo para maligo.
Masaya akong natapos at nagbihis ng yuniporme bago nag ayos ng buhok. Medyo may pagka wavy ang ayos nito at nang matapos ay isinunod ko naman ang pag lagay ng konting kolorete sa mukha. Ayaw kong masyadong makapal ito dahil feeling ko ang bigat bigat ng aking mukha at hindi ko magalaw galaw dahil masisira ang pagkakaayos.
I tucked in my white blouse under my skirt before I carefully tied my color maroon necktie and put on my ID. Magkapareho lang ang kulay ng palda ko sa necktie kaya naman bumabagay parin sa pang lahatan na kaayusan. Sa totoo lang maganda naman talaga ang uniporme namin pero nagmumukhang simple nalang saakin dahil sa lagi ko itong nakikita kung saan kaya nagmumukhang common na sa mga mata ko.
Inayos ko na muna ang kagamitang ginamit ko bago ko kinuha ang aking bag na nakalagay sa upuan sa tabi ng kama ko at nagpa tuloy sa sala. Nag double check pa ako ng dalahin bago ko napagdesisyonang lumabas na ng room at maingat na ini lock ang pinto.
Dala dala ko sa kaliwang kamay ang susi habang naglalakad papuntang elevator bago ko ito itinago sa loob ng bag at maingat na inilabas ang aking telepono. Hindi ko madalas nagagamit ang telepono ko dahil ayaw kong matutok ang lahat ng atensyon dito. Ginagamit ko lang ito pag may tatawagan o itetext sila Stacey. Nang maalala ang babae ay agad ko namang hinanap ang contact number nito at nagtipa ng mensahe.
Maaga ako aalis ngayon,
kaya wag ka na magabala
pumunta dito:
Delivered.
Pagkatapos mag send ay pinanood ko itong mag delivered habang naglalakad at nasa screen lang ng telepono ang aking atensyon. Mabilis na tumingin ako sa harap at nagtungo sa unahan ng nakasarang pintuan ng elevator bago muling inilagay ang tingin sa hawak ko.
BINABASA MO ANG
Lies from a Consultant
Misteri / ThrillerIves Sébastien. A former Professor and now a Consultant in Stanford State University. Professional and is very serious when it comes to her 'duty'. Fierce but has a soft spot for her clients despite having to show serious expression. Usually doesn't...