chapter 13

268 5 0
                                    

Chapter 13 | "determination lies within everybody whether it be for good or bad"
.
.
.
.
.

~~*~~

Huminto ang sasakyan sa malawak na parking lot ng SSU sakabay ng pagkasara ng makina nito. Bilang na lamang ang nagiilang space na pwedeng paradahan ng iba dahil halos lahat ay okyupado na. Pribado at sikat naman kasi ang paaralan na pinupuntahan ko kaya hindi na nakapagtataka kung karamihan sa estudyanteng pumapasok ay may kanya kanyang sariling sasakyan.

Nagdadalawang isip na inialis ko ang tingin sa labas ng bintana pagkatapos humigit ng malalim na hininga at inilipat ang tingin sa katabi.

Tahimik lang rin ito habang nakatutok ang tingin sa manebela na hawak hawak parin nya kahit ilang segundo narin ang lumipas nang inihinto nya ang sasakyan. Hindi alam ang sasabihin na kinagat ko ang ibabang labi bago pinilit ang sariling magsalita.

"salamat sa pag hatid.. Ken"

Ipinikit pikit pa nito ang mata na parang bahagyang nagulat sa biglaang pagsalita ko bago dahan dahang ihinilig ang kanyang ulo papunta sa gawi ko at ngumiti.

"it's nothing, tasha. I have a class naman in the next hour so I'll just roam around before that" sagot naman nito saakin na marahang tinanguan ko bago sinuklian ng maliit na ngiti. Even though we're fine now and he gave his reasons, I can't help but be cautious regarding his treatment towards me.

"thank you ulit. Mauuna na ako, baka malate pa kasi" mabilisang sabi ko dito bago sinulyapan ang ini-on kong cellphone sa kamay at napansin na 15 minutes nalang pala bago magsimula ang klase ko.

"sure..." ibinalik ko sakanya ang tingin nang marinig itong magsalita ng mahina. It almost seem like he was unsure about the word he said that made me furrow my eyebrows a little bit as I met at his hazel eyes. It almost made me wanting question it but I immediately force the thought at the back of my head.

Nagaalanganin na nginitian ko nalang ito bago inilipat ang tingin sa pinto ng sasakyan sa tabi ko at maingat na binuksan ito.

Agad na dumapo sa mukha ko ang malamig na hangin na nanggagaling sa labas at nang akmang magpapatuloy na ako ay agad ko namang narinig ang malakas na pagtawag saakin ni Ken na ikinatigil ko sa pag galaw.

Hindi ko maipinta ang mukha nito nang tawagin nya ang pangalan ko pero halata sa boses nito ang pagkabahala na agad na ikinataka ko. Nangunot ang noo ko bago dahan dahan na hinarap ito para tingnan. He's already looking at me when I met his eyes and lock gaze with him with a confused expression on my face.

"Can I..." panimula nito na parang nagdadalawa sa kanyang sasabihin bago inibaba ang tingin at mahinang nagpakawala ng tawa. He gently shook his head as he softly chuckles to himself before looking back at me with a smile.

"What I meant to say is that, will you let me.. make it up to you?" he said with that charming smile of his that almost made my heart skip a beat.

Patuloy lang na pinagmasdan ko ito pagkatapos maintindihan ang kanyang sinabi bago nahulog ang tingin ko sa baba at marahan na kinagat ang ibabang labi.

Naghahalo halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon pero nangingibabaw dito ang pagkakontento dahil sa naisabi nyang rason nito kanina sa apartment ko. Ayaw ko man aminin kaagad pero nakontento ako sa rason nya at pinapaniwalaan ko na iyon ang totoo. Na sadyang natakot lang sya sa kanyang nararamdaman kaya nilayuan nya ako at hindi dahil may iba na syang nagugustuhan ng mga araw na iyon.

Iniangat ko ang tingin pabalik sakanya bago dahan dahan na binuksan ang bibig para magsalita. "nasa sa'yo naman iyan Ken kung gusto mo.. pero 'wag mo sana akong madaliin" I answered, honestly, before reciprocating the genuine smile that he showed upon hearing my answer.

Lies from a ConsultantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon