chapter 5

925 28 4
                                    

Chapter 5 | "a little chat"
.
.
.
.
.

~~*~~

Nang matapos kami sa paglalaro ay napagdesisyonan ng lahat na kumain na muna sa food court kaya ngayon ay sabay sabay na naglalakad kami patungo doon habang sila Leo naman ay abala sa pakikipagkwentohan sa kasama. Masayang nakamasid lang ako sakanila dahil nasa unahan lang namin ito habang si Ms. Ives naman ay tahimik na naglalakad sa tabi ko.

Kaming dalawa lang ang nasa likod habang silang apat ay nasa unahan namin at patuloy sa pakikipagkwentohan. Minsan rin naman silang bumabaling samin pag may itatanong o ikwekwento na kabilang ako pero ngiti nalang rin ang naisasagot ko dahil ayaw ko rin namang ma out of place si Ms. Ives. Halata ko rin naman na medyo ilang pa sila sa kasama dahil hindi pa ito masyadong kilala na kahit ako ay masasabi ko ring pareho kami ng nararamdaman ngunit napapagkalooban ko na agad ito kahit madalas seryoso kung makakasama.

Tahimik lang kaming sabay na naglalakad pero hindi naman ito nakakailang at kung susuriin ko nang mabuti ay komportable naman ako sa ganito.

Pasimpleng binalingan ko ang katabi at pinagmasdan ko itong seryosong nakatingin sa unahan habang tahimik na naglalakad at nang mapansin akong nakatingin ay inilipat nito ang mata saakin.

"what is it, Ms. De la Vega?" agad na tanong nya habang walang nagbabago sa kanyang itsura kaya bahagya akong nangiti bago ibinalik ang tingin sa unahan at nagsalita.

"sa totoo lang po di ko inaasahan na makikisama kayo samin, Ms. Ives" marahan na sabi ko naman dito at nanatiling nakangiti.

Pinagmasdan nya lang ako ng ilang segundo bago ko pinanood ang pag arko ng kanyang labi at lumabas ang magandang ngiti nya dito nang magsimula syang magsalita.

"sometimes a person needs to find ways to entertain themselves if they have a long life ahead, Ms. De la Vega" malalim na sagot nito na nagpakawala ng tawa saakin. Masyadong seryoso nanaman kasi ito at parang unti unti na akong nasasanay sa ganyan kahit na dalawang araw palang kami magkakilala.

Bahagyang napakamot pa ako leeg at napansin ang pag baling nito pabalik sa unahan namin na sinundan ko rin ng tingin. "tama naman ho kayo" pagsasang ayon ko dito at muling itinuon ang tingin sakanya na umagaw pansin dito para balingan ako muli. "pero Ms. Ives, nag enjoy naman po ba kayo?" masayang tanong ko dito na may ngiti sa labi.

Patuloy lang kami na maingat na naglalakad ngunit ang tingin namin ay nasa isat isa hanggang sa umiwas ito maka ilang segundo at narinig ko ang mahinang pag sagot nito na parang ayaw pa iparinig sakin.

"...I did"

Naramdaman ko ang pag lawak ng ngiti ko sa labi dahil sa narinig kaya naman masayang ibinaling ko ang tingin sa unahan habang nakasunod kami kila Stacey. Napansin ko pang nakasanday ang braso ni Leo dito na mukhang inaasar nanaman ang kapatid kaya bahagya akong natawa nang makita ang nakabusangot na mukha ng babae. Si Deanna ay mukhang abala rin sa panggagatong sa bangayan ng dalawa habang si Joshua ay tahimik na nakamasid ngunit may malawak na ngisi sa labi nang sinulyapan ang kasama.

Habang pinagmamasdan ko ang mga kaibigan ay bigla ko namang narinig ang boses ni Ms. Ives sa tabi ko na umagaw pansin saakin.

"you have a good circle of friends, I can tell" paninimula nito na binalingan ko at napansing nakatuon lang ang tingin nito sa unahan. Hindi na ganoon ka seryoso ang mukha nya pero hindi parin maaalis ang pagka strikto kung titingnan. Matatakot siguro ako sakanya kung nagkataong propesor ito sa paaralang tinutuluyan namin kaya buti nalang na hindi.

"mababait po yan sila lahat. Minsan lang maloko sa ibang bagay pero halata naman pong magaganda ang intensyon" pagpapaliwanag ko dito at bilang pag sang ayon narin sa sinabi nya.

Lies from a ConsultantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon