chapter 10

972 35 4
                                    

Chapter 10 | "unexpected turn of events"
.
.
.
.
.

~~*~~

Nagising ako ng alas sais ng umaga at agad na bumangon sa kama para maligo sa banyo. Naisipan ko kasing mag grocery ngayon dahil nauubos na ang stock ko dito. Wednesday ngayon at tatlo ang klase ko na dapat pasukan pero dahil maaga pa naman ngayon at alas otso pa ang simula, may dalawang oras pa ako para ilaan sa paggogrocery at sa ibang activities na dapat gawin.

Ilang minuto lang ang nagamit ko bago natapos pati ang pagsisipilyo kaya naman lumabas na ako sa banyo at nagtungo sa kwarto para magbihis habang nakatapis lamang. Simpleng hoodie lang ang isinuot ko at jogger dahil malamig pa naman ngayong umaga saka mamimili lang naman ako ng kailangan dito sa bahay kaya hindi na kailangan mag ayos nang masyado.

Inabot ko yung sling bag na nakasabit sa dingding at inilagay doon ang wallet pati cellphone kung sakaling magamit ko man. Ibinaba ko muna ito sa dulo ng kama bago inilagay ang tuwalya sa ulo at maingat na ikinuskos ito para madaling matuyo.

Nang matuyo na ng konti ay dinala ko ito sa balcony para isabit at patuyoin bago tumuloy sa kwarto. Saglit na nagayos lang ako ng sarili bago sinuot ang sling bag at inabot ang susi ng unit sa sala pagkalabas ko ng kwarto. Hindi naman ako ganoon nagmamadali pero gusto ko nang makalabas para makalanghap ng preskong hangin sa umaga.

Maingat na binuksan ko ang pinto at nangangalahati palang ako sa pag labas nang may marinig ako tinig ng boses na kumuha saakin ng atensyon para balingan ito.

"HEY, YOU!"

Natagpuan ko ang isang babae na pamilyar saakin ang mukha na may bitbit na babae sa katabi nito habang nakaakbay ang kamay nito sa balikat nya. Di ko maaninag ang mukha nito dahil sa pagyuko pero agad ko namukaan ang suot na damit nito na nagpalaki nang bahagya ng mga mata ko.

"p-po?" utal na tanong ko dito habang pinagmamasdan ang babae na kasama nito.

"great timing!. Here, hold onto her for me" biglang bulaslas nito nang makalapit saakin at agad na itinulak ito saakin na ikinabigla ko para hawakan ito kaagad dahil mukhang matutumba na.

Naglalakihan ang mga matang binalingan ko muli ito bago narinig ang malakas na pagkawala ng hininga nito. Nanigas ako sa kinatatayuan nang hawakan nya ako nang mahigpit sa braso para kumapit nang maayos.

Nanatili ang gulat na tingin ko sa babaeng nakangiti na nang malawak habang pinagmamasdan ito sa bisig ko. Bigla itong humuni ng malakas at hinawakan ang baba gamit ang kanang kamay bago marahan na isinara ang mata na parang nagiisip ng malalim.

"So, Nacalya... No, Nataliya? Hmm.. no... What's her name again?" bulong nito sa sarili habang patuloy lang sa pagisip ng malalim. I watch her slightly furrow her eyebrows before opening her eyes again as she carefully look back at me like she's analyzing my face.

"a-ano pong—" naputol ako sa pagsasalita nang bigla itong lumapit saakin kasabay ng pagsalita nito na bahagyang ikinagulat ko.

"Natasha. Got it!" uhh??

Nakatayo lamang ako sa harap nito habang nakayakap nang mahigpit saakin ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon. Maliit nalang ang distansya namin sa isat isa dahil sa pag lapit nito bago nya ako hinawakan sa magkabilang balikat na ikinagitla ng katawan kong naninigas na.

Ang bilis ng pangyayari at hindi ko pa napoproseso sa utak ko ang mga nangyayari pero nakuha ko pang ngumiti ng malawak. Yung ngiti na wala akong maintindihan sa nangyayari.

"You, my friend's friend, are taking care of her because I'm pretty much occupied at the moment" mabilisan nitong sabi habang pinipisil pisil pa ang balikat ko na hawak nya at inibaba ang tingin nito sa babaeng nakayakap na ngayon saakin na ikinatigil ko sa paghinga.

Lies from a ConsultantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon